Batayang Opisyal Report

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Ano ang Wikang Panturo?

Wikang opisyal na ginagamit


sa pormal na edukasyon.

Wikang ginagamit sa pagtuturo at


pag-aaral sa mga eskwelahan at ang
wika sa pagsulat ng mga aklat at
kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan.
Monolingguwal
Itinatag ng mga Amerikano sa umpisa ng ika-
20 siglo ang pambansang sistema ng edukasyon
na monolingguwal. Nangangahulugan itong may
iisang wikang panturo ang wikang Ingles.

Nagsimulang ipagamit ang Wikang


Pambansa bilang wikang panturo sa panahong
Komonwelt at para sa edukasyon ng mga
magiging guro ng Wikang Pambansa.
Bago ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
Bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ay may mga guro nang nagtuturo
ng Wikang Pambansa.

Sa isang sirkular noong Mayo 3, 1940,


Iniatas ni Direktor Celedonio Salvador ng
Kawanihan ng Edukasyon ang pagtuturo ng
Wikang Pambansa bilang regular na asignatura
sa Ikaapat na taon sa paaralang sekundarya.
Pagkaraan ng Digmaan
Unti-unting binuksan ang mga
asignatura sa elementarya at sekundarya na
nagtuturo ng wika at panitikan at gumagamit
ng Wikang Pambansa bilang panturo.
Patakarang Bilingguwal
Sa ilalim ng Patakarang Bilingguwal, Ang
mga asignatura sa elementarya at sekundarya
ay hinati upang ang isang pangkat ay ituro sa
Pilipino at ang isang pangkat ay ituro sa Ingles.

Bukod sa asignaturang wika at panitikang


Filipino& ang mga klase sa Matematika at
Agham ay Ingles ang wikang panturo.
Pilipino
Mahalagang pansinin ang pagtukoy sa
Wikang Pambansa bilang Pilipino mula ng
1959 hanggang sa panahon ng pag-iral ng 1973
Konstitusyon.

Bagaman binanggit na sa 1973


Konstitusyon ang pagbuo sa wikang Filipino,
Patuloy na kinilala hanggang 1987 ang pag-iral
ng Pilipino bilang wikang opisyal at Wikang
Pambansa.
Bilingguwal
Ang patakarang bilingguwal ay isang
pagtupad sa mga Seksiyon 2-3, Artikulo XV
ng 1973 Konstitusyon hinggil sa Pilipino at
Ingles bilang mga opisyal na wika ng
komunikasyon at instruksiyon.

Ang pangyayaring ito ay


ipinagpatuloy sa Seksiyon 6, Artikulo XIV ng
1987 Konstitusyon.
Bilingguwalismo sa
Kasalukuyan
Gayunman, nakasaad din sa ikalawang
talata ng Seksiyon 6, Artikulo XIV ng
Kasalukuyang Saligang-Batas na:
Subject to the provisions of law and as the
Congress may deem appropriate, the
Government shall take steps to initiate and
sustain the use of filipino as a medium
official Communication and as language of
instruction in the educaational system.
Diwa ng Konstitusyon
Itinaguyod ng Pangulong Corazon C.
Aquino ang diwa ng probisyong ito ng 1987
Konstitusyon sa pamamagitan ngExecutive Order
No. 335 na:

Nag-aatas sa lahat ng mga


Kagawaran/Kawanihan/Opisina/Instrumentaliting
Pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na
kailangan para sa layuning magamit ang Filipino
sa opisyal na mga transaksiyon at komunikasyon
at korespondensiya.
MTB-MLE
(Mother Tongue- Based Multilingual Education )

Sa ilalim ng programang MTB-MLE,


naging dagdag na wikang panturo sa antas
na K-3 ang ibang mga wikang katutubo (19
sa kasalukuyan, kasama ang Tagalog.)

You might also like