Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 38

Indibidwal Gawain:

Sumulat ng isang
pangungusap mula sa
larawan.
Subjektibo
Kung ang manunulat ay naglalarawan
nang napakalinaw at halos madama na
ng mambabasa subalit ang paglalarawan
ay nakabatay lamang sa kanyang
mayamang imahinasyon at hindi
nakabatay sa isang katotohanan sa
totoong buhay.
Subjektibo
“Si Dante ay matipunong lalaki, may
mapang-akit na mga ngiti, at mga matang
may taglay na halina sa sinumang makakita.
Ang maaliwalas na mukhang agad sinisilayan
ng taos-pusong pagbati sa bawat
makasalubong ay dagliang nakakukuha ng
atensiyon at tiwala ng iba.”
Objektibo
Kung ito’y may pinagbatayang
katotohanan
Objektibo
Ang mga ilog na dumadaloy sa
ilang bahagi ng hagdan-hagdang
palayan na pinagmumulan din ng
patubig sa mga nakatanim na
palay.
Deskriptibo
ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o
iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay
parang nakita na rin nila ang orihinal na
pinagmulan ng larawan.
sa halip na pintura o pangkulay, mga salita ang
ginagamit ng manunulat upang mailarawan
ang bawat tauhan, tagpuan o anumang bagay
na nais niyang mabigyang-buhay sa
imahinasyon ng mambabasa.
Deskriptibo
Karaniwang ginagamit na mga salita ay
pang-uri at pang-abay, paggamit ng mga
pangngalan at pandiwa at mga tayutay
tulad ng simili, metapora,
personapikasyon at iba pa.
Deskriptibo
Kaugnay ng mga tekstong:
-Naratibo
-Argumentatibo
-Persuweysib
-Prosidyural
5 Pangunahing
Cohesive Devices o
Kohesyong Gramatikal
Kohesyong Gramatikal
1. Reperensiya (reference)
Ito ang paggamit ng mga salitang
maaaring tumukoy o maging
reperensiya ng paksang pinag-uusapan
sa pangungusap.
Maaari itong maging anapora at
katapora.
Kohesyong Gramatikal
1. Reperensiya (reference)
Anapora
Aso ang gusto kong
alagaan. Ito kasi ay maaaring
maging mabuting kaibigan.
Kohesyong Gramatikal
1. Reperensiya (reference)
Katapora
Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong
bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa gabi.
Ang matatamis niyang ngiti at mainit na yakap sa
aking pagdating ay sapat para makapawi sa
kapaguran hindi lang ang aking katawan kundi ng
aking puso at damdamin. Siya si Bella, ang bunso
kong kapatid na mag-iisang taon pa lamang.
Kohesyong Gramatikal
2. Substitusyon (substitution)
Paggamit ng ibang salitang
ipapalit sa halip na muling ulitin
ang salita.
Hal. Nawala ko ang aklat mo. Ibibili
na lang kita ng iba.
Kohesyong Gramatikal
3. Elipsis
May ibinabawas na bahagi ng
pangungusap subalit inaasahang
maiintindihan o magiging malinaw pa rin
sa mambabasa ang pangungusap dahil
makatutulong ang naunang pahayag para
matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang
salita.
Hal. Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina
nama’y tatlo.
Kohesyong Gramatikal
4. Pang-ugnay
Nagagamit ang mga pang-ugnay
tulad ng “at” sa pag-uugnay ng sugnay sa
sugnay, parirala sa parirala at
pangungusap sa pangungusap.
Hal. Ang mabuting magulang ay
nagsasakripisyo para sa mga anak at ang
mga anak naman ay dapat magbalik ng
pagmamahal sa kanilang mga magulang.
Kohesyong Gramatikal
5. Kohesyong Leksikal
Mabibisang salitang ginagamit
sa teksto upang magkaroon ito ng
kohesyon.
Kohesyong Gramatikal
5. Kohesyong Leksikal
Reiterasyon
Kung ang ginagawa o
sinasabi ay nauulit nang
ilang boses.
Kohesyong Gramatikal
5. Kohesyong Leksikal
Reiterasyon
*Pag-uulit o Repetisyon
Maraming bata ang hindi
nakakapasok sa paaralan. Ang
mga batang ito ay nagtatrabaho
na sa murang gulang pa lang.
Kohesyong Gramatikal
5. Kohesyong Leksikal
Reiterasyon
*Pag-iisa-isa
Nagtatanim sila ng mga
gulay sa bakuran. Ang mga
gulay na ito ay talong, sitaw,
kalabasa at ampalaya.
Kohesyong Gramatikal
5. Kohesyong Leksikal
Reiterasyon
*Pagbibigay kahulugan
Marami sa mga batang
manggagawa ay nagmula sa mga
pamilyang dukha. Mahirap sila kaya
ang pag-aaral ay naiisantabi kapalit
ng ilang baryang naiaakyat nila para
sa hapag-kainan.
Kohesyong Gramatikal
5. Kohesyong Leksikal
Kolokasyon
Mga salitang karaniwang
nagagamit nang magkapareha o may
kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag
nabanggit ang isa ay naiisip din ang
isa. Maaaring magkapareha o maaari
ding magkasalungat.
Kohesyong Gramatikal
5. Kohesyong Leksikal
Kolokasyon
Hal. nanay-tatay hilaga-timog
guro-mag-aaral doktor-pasyente

Hal. puti-itim maliit-malaki


mayaman- mahirap
Ilang Tekstong
Deskriptibong Bahagi
ng Iba Pang Teksto
Paglalarawan sa Tauhan
Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit
na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa
noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi
nang may inaaninaw na mata. Kupas ang damit
niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay.
Ang kutob niyang yari sa matibay na supot ng asin
ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya
at kausap ang isang magbubukid, ang kanyang
kahangga na isa sa nakalusot sa mga pulis na
sumawata sa nagkakagulong tao.
Mula sa “SiTata Selo”
ni Rogelio R. Sicat
Paglalarawan sa Tagpuan
Sa isang maliit na dampang nakatayo sa may
tabi ng munting ilog na tinatakbuhan ng malinis at
malinaw na tubig nakatira sina Irene. Ang maliit na
dampang yaon ay nalilibiran ng isang bakurang sa
loob ay may sarisaring pananim na sa isang maayos
na panulukan ay may malalagong sampagita na
dahil sa kagaanan di-umano ng kamay ng nag-aalaga
ay kinapipitasan ng masaganang bulaklak.
Mula sa “Ang Dalaginding”
ni Iñigo Ed. Regalado
Paglalarawan sa Damdamin
May kumurot sa aking laman. Pilit
kong nilunok ang panunuyo ng aking bibig.
Saka ako napabuntunghininga.
Nararamdaman kong may nagpupumilit
bumulong sa aking mata. Ngayon ko lamang
nadamang kilala ko ang silid ng aking ama;
dati-rati ko nang napapasok ang kapirasong
pook na ito.
Mula sa “Dayuhan”
ni Buenaventura S. Medina
Paglalarawan sa Pangyayari
Ang puno ng ginto ay dinumog. Hawak
ang matatalim na bakal, tinaga, tinapyas, binali-
bali. Pinagtutuklap ang puno. At sila’y nag-
aagawan, nagtutulakan, nagsasakitan na,
nagsisipaan, nagkakabalian ng buto.
Patuloy sa pagtaas sa pagyabong ang puno;
patuloy rin ang pagkaubos ng katawan ng puno.
Bumubigat na ang yumayabong at patuloy na
tumataas na puno.
Mula sa “Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao”
ni Simplicio P. Bisa
Paglalarawan sa Isang
Mahalagang Bagay
Sa tuwing itatayo ko ang krismas tri kapag
nalalapit na ang kapaskuhan ay parang laging may
kulang, pilit kong dinadagdagan ng mga palamuti. At
hindi basta-basta palamuti, ’yong mamahalin.
Pagkatapos ng mamahaling bola, nang sumunod na
taon ay magagandang bulaklak naman ang binili ko.
Maraming pulang poinsettia na nakapaligid sa krismas
tri. “Ang ganda!” Ang may pagkamanghang sabi ng
bawat nakakikita. Malalaki at makikintab na pulang
bola, malalaki at magagandang pulang poinsettia…ah!
pero bakit ba tila may kulang pa rin?
Mula sa “Ang Aking Krismas Tri”
ni Mary Grace Del Rosario
Pagtataya
Maganda pa rin ang buhay sa
kabila ng mga pagsubok at hindi
magagandang pangyayari sa paligid.
Piliin mong hanapin mo ang
kagandahan ito. Bumuo ng tekstong
deskriptibo na maglalarawan:
(positibong paraan)
Pagtataya
1. Sa iyong sarili
2. Sa iyong pamilya
3. Sa iyong komunidad
4. Sa ating bansa
5. Sa ating mundo

You might also like