Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Ang Suliranin ni

Kardong Kalabaw
Aralin 1
Mahalagang Tanong
• Bakit mahalagang mapanatili ang balanse sa
kapaligiran?
• Ano-anong suliranin ang dulot ng pagkasira
ng balance sa kapaligiran at paano maiiwasan
ang mga ito?
Ang Suliranin ni Kardong Kalabaw
NARRATOR: Isang araw, sa isang kagubatangmalapit sa
malawak nataniman ng palay. Ipinatawag ni Kardong kalabaw
ang kanyang mga kaibigang hayop para sa isang pagpupulong.
Gusto niyang hingin ang tulong ngmga ito.
KARDONG KALABAW: Magandang araw sa inyong lahat, mga
kaibigan. Salamat at pinaunlakan n’yo ang aking paanyaya.
NARRATOR: ang bati ni Kardong Kalabaw
MARIA MATSING: Marahil ay tungkol ito sa suliranin ng
kanyang mga amo. Hindi ba’t nababahala sila sa pagdami ng
mga daga atkulisap na kumakain ng kanilang tanim na palay?
Ang Suliranin ni Kardong Kalabaw
NARRATOR: ani Maria Matsing
KARDONG KALABAW: Tama ang iyong tinuran, Mara Matsing.
Iyon nga ang gusto kong ihingi ng tulong sa inyo. Halos walang
natitira kapag umaatake ang mga daga at kulisap sa taniman
ng aking mga amo. Doon pa namannila kinukuha ang kanilanh
ikinabubuhay. Nakakaawa sila. Maaari n’yo ba
akongmatulungan sa paglutas ng problemang ito?
NARRATOR: Ang nagmamakaawang sabi ni Kardong Kalabaw.
Nagkatingin ang mga hayop habang nag-iisip. Maya-maya pa’y
sabay-sabay silang napatingin kay Kinay Kuwago na
noo’ynatutulog. Tila nararamdaman niya ang mga matang
nakatitig sa kanya, naalimpungatan ito.
Ang Suliranin ni Kardong Kalabaw
KINAY KUWAGO: B-b-bakit ganyan kayo makatingin? May
nagawa ba akong mali?
NARRATOR: ang naguguluhang tanong nito.
MARA MATSING: Hindi mali…kundi, ano ang hindi mo
ginagawa. Di ba’t katungkulan mo ang manghuli at kumain ng
mga daga upang hindi sila dumami at makapinsala?
KINAY KUWAGO: Aaa… pasensya na. Napakabilis magparami
ng mga daga at kaunti na lang ang aming bilang kaya’t hindi
na naming kayang kontrolin ang dami ng mga ito. E, teka
muna. Bakit ‘di n’yo rin tanunin si Simang Sawa? Trabaho rin
n’ya ang panghuhuli at pagkain ng mga daga, a.
Ang Suliranin ni Kardong Kalabaw
NARRATOR: Dumako ang tingin ng mga hayop sa paparating
pa lamang na si Simang Sawa.
SIMANG SAWA: Narinig ko ang sinasabi ni Kinay Kuwago,
katulad nila ay hindi na rin sapat ang dami naming upang
mapigilan ang pagdami ng mga daga.
NARRATOR: Hindi rin mapakali si Lira lawin kaya’t nagwikang
LIRA LAWIN: Humihingi rin ako ng paumanhin. Kaming mga
lawin ay wala ring magawa. Maliit na rin ang aming bilang at
malayo na rin sa mga kabahayan angaming tirahan.
NARRATOR: Natigilan at napaisip si Kardong Kalabaw.
Ang Suliranin ni Kardong Kalabaw
KARDONG KALABAW: Bakit nga ba lumiliit ang populasyon
ng mga ibon at ahas na tagakain ng mga daga, habang ang
mga ito naman ay patuloy sa mabilis na pagpaparami? Hindi
naman ganito noon. Ano nga ba ang nangyari?
NARRATOR: tahimik na nag-iisp ang lahat nangbigla na
lamang maybatong muntik nang tumama sa ulo ni Kinay
Kuwago. Sa pagkagulat ay mabilis na nagtago sa makakapal
na dahoon ng mga puno. Sa isang iglap ay nawala sa
paningin ni Kardong Kalabaw ang mga hayop na dumalo sa
pagpupulong.
Ang Suliranin ni Kardong Kalabaw
BATA: Sayang! Hindi mo tinamaan. Nakalipad tuloy.
NARRATOR: Ang narinig na tinig ni Kardong kalabaw mula sa
mga batang may mga hawak na tirador.
BATA: Halikayo, baka marami pang ibang ibon o hayop ang
mahuli natin sa dako pa roon.
NARRATOR: Nang tuluyan nang makalayo ang mga bata ay
saka pa lamang naglabasan ang mga hayop na takot na takot.
MGA HAYOP: Marahil ngayon ay alam mo na ang dahilan
kung bakit ang populasyon naming mga tagakain ng daga at
kulisap ay lumiliit na.
Ang Suliranin ni Kardong Kalabaw
NARRATOR: Ang sabi ng mga hayop kay Kardong Kalabaw.
SIMANG SAWA: Hindi lamang ang mga ibon ang nakaranas ng
kalupitan ng mga tao. Kaming mga ahas din ay pinapatay nila
sa tuwing kanilang makikita.
NARRATOR: Ang hinaing ni Simang Sawa.
MARA MATSING: Bukod sa pagbaril o pagtirador sa amin,
sinisira din nila ang aming tirahan. Kinakalbo nila ang
kagubatan.
NARRATOR: dagdag ni Mara Matsing
MGA HAYOP: O kaya naman ay nagsasabog silang mga
kemikalna nakakalason din sa amin.
Ang Suliranin ni Kardong Kalabaw
NARRATOR: dagdag ng iba pang mga hayop sa pulong.
MGA HAYOP: Marami sa ating mga kasamahan ang mga
nangamatay dahil sa kagagawan ng mga tao kaya paano
naming sila tutulungan kung sila mismo ang sumisira sa
balanse ng kaliksan?
NARRATOR: Walang nagawa at nasabi si Kardong kalabaw
nang isa-isang nagpaalam na sa kanya ang mgakaibigan.
Napagtanto niyang totoo ang tinuran ng kanyang mga
kaibigan.
KARDONG KALABAW: Paano ko kaya maipapabatid ang lahat
ng ito sa mga taong gusto kong tulungan?
Ang Suliranin ni Kardong Kalabaw
KARDONG KALABAW: Malungkot siyang naglakad pabalik sa
tirahan ng kanyang mga amo.
GABAY NA GAWAIN
PAHINA 11-12
PANGKATANG GAWAIN
PAHINA12-13
Ano ang aral ng
kwento na ating
binasa?
PAGSULAT NG JOURNAL
PAHINA12-13
PAGSULAT NG JOURNAL p. 14
Ipinakikita ko ang aking malasakit sa kapaligiran sa
pamamagitan ng________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
________________________________________
TAKDANG-ARALIN

• Basahin ang Alamin natin ang


Pagsasagawa ng Pananaliksik. P.
14-15

You might also like