Karunungang Bayan Bugtong at Palaisipan

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

KARUNUNGANG

BAYAN BUGTONG
AT PALAISIPAN
PAHINA 185-186
BUGTONG
• Palaisipang may tugma, may sukat.
• Nanghihingi ng sagot
• Isang libangang nakapagtatalas ng
isipan.
1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: kandila
2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.
Sagot: langka
3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: ampalaya
4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
Sagot: ilaw
5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: anino
6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: banig
7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: siper
8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
Sagot: gamu-gamo
9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.
Sagot: gumamela
10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: kubyertos
11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
Sagot: baril
12. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
Sagot: kuliglig
13. Baka ko sa palupandan, unga'y nakakarating kahit saan.
Sagot: kulog
14. May bintana nguni't walang bubungan,
may pinto nguni't walang hagdanan.
Sagot: kumpisalan
15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
Sagot: palaka
16. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa.
Sagot: kasoy
17. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-
sari.
Sagot: paruparo
18. Dalawang batong itim, malayo ang
nararating.
Sagot: mga mata
19. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin
makita.
Sagot: tenga
20. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
Sagot: baril
PALAISIPAN
• Paglalahad ng suliraning nakahasa
ng kaisipan sa paraang
nakalilibang.
• Kinakailangan ang malikhaing
kaisipan uapang masagot ito.
• Isang binata ang pumasok sa isang
bar at humihingi ng isang basong
tubig. Ngunit nabigla ang lahat
nang tutukan siya ng baril ng isang
mama. Pagkatapos noo’y umalis
ang binata at nagpasalamat pa.
Bakit siya nagpasalamat sa mama?
• Isang araw, inihatid ng doktor ang
kanyang teenager na anak sa sasakyan
papuntang paaralan. Pagdating niya sa
hospital na kanyang pinaglilingkuran,
kinailangan niya agad pumunta sa
emergency room dahil may teenager na
nagkaroon ng car accident. Nagulat ang
doktor nang makita niyang anak niya ang
nakaratay sa nasabing silid. Bakit hindi
man lang nagalusan ang doktor at
nagulat pa ito nang makita ang anak?
• May isang lalaking nakatira sa 15th floor
ng isang building. Sa umaga ay wala
siyang problema sa elevator papuntang
trabaho ngunit pag-uwi niya sa gabi, sa
6th floor siya napipilitang bumaba at
mula doon ay aakayatin niya yung
hagdanan papuntang 15th floor. Madalas
ganito yung ginagawa niya maliban na
lang kung may kasabay siya o umuulan.
Anong hiwaga kaya mayroon sa 6th
floor?
• Dalawang mag-ama ang
namimingwit sa tabing-ilog
isang hapon. Nakahuli sila ng
tatlong malalaking isda at yun
ang ginawa nilang hapunan, tig-
iisang piraso. Paanong nagkasya
ang tatlong isda sa dalawang
mag-ama?
BIRO
• Malinisat pinag-isipang mabuti ang mga
pahayag na nakatatawa at hindi
nakasasakit ng iba.
• Nangangailangan ng talino atpag-iisp nang
mabuti upang natural na matawa ang
makaririnig.
• Natural at maraming ganitong
nagpapahayag sa mga pagtitipon upang
higit na maging masaya ang pagkikita-kita.

You might also like