iabang tao ay nag-iiba ang paraan at tono ng ating pakikipag –usap.
Maingat nating pinipili ang mga salitang
ating binibitawan lalo na kung ang ating kausap ay mas nakakatanda o mas nakakataas sa atin Sa iba’t ibang okasyon o sitwasyon,atomatikong nalalaman natin kung anong uri ng pakikipag-usap ang ating gagamitin:magpopormal ba o hindi? Makikipagtsismisan ba o kaswal na pakikipag-usap ang kanilang gagawin? Sa madaling salita ,nalalagyan natin ng leybel ang mga salitang nais gamitin ayon sa hinihingi ng sitwasyon. At sa ganitong kaganapan ay umuusbong ang kaantasan ng wika, kung saan ito ay ay nakabatay sa pormalidad o impormalidad ng paggamit ng wika. May lima na kaantasan ang wika na nahahati sa dalawang kategorya: A.PORMAL NA WIKA 1. PAMPANITIKAN 2.PAMBANSA B. IMPORMAL 3.LALAWIGANIN 4. KOLOKYAL 5.BALBAL A.PORMAL NA WIKA Ito ay ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika. 1.PAMPANITIKAN Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay, talinghaga at masining. Halimbawa: Nagmumurang kamatis Di-mahulugang karayom Magdilang anghel Magaan ang kamay 2.PAMBASA Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika sa lahat ng mga paaralan. Ito rin ang wikang ginagamit sa paaralan at pamahalaan. Halimbawa: kapatid dalaga ina paaralan maginhawa nagagalak B. IMPORMAL Ito ang mga salitang karaniwan, palasak at pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag- usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan. 3.LALAWIGANIN Ito ang mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ang mga ito ang mga partikular na pook o lalawigan lamang, maliban kung ang mga taal na gumagamit nito ay magkikita-kita sa ibang lugar dahil natural na nila itong naibubulalas. Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono, o ang tinatawag ng marami na punto. TAGALOG ILOKANO CEBUANO BIKOLANO
ibon bilit langgam gamgam
kaibigan gayyem higala amig
aalis pumana malokaw mahali
w 4. KOLOKYAL Ito’y mga pang-arawaraw na mga salita ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagamat may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita ay mauuri rin sa antasna ito. HALIMBAWA nasa’n (nasaan), pa’no (paano), sa’kin (sa akin), sa’yo (sa iyo), kelan (kailan), meron (mayroon) 5. BALBAL Itinuturing na pinakamababang antas ng wika na karaniwang gingamit sa mga lansangan at karaniwang ginagamit ng mga taong hindi nakapag –aral. Ang mga salitang ito’y tinatawag sa Ingles na slang. Ang mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng mga magulang at may pinagaralan dahil masagwa raw pakinggan. Pana-panahon kung mauso kaya karaniwan ay hindi tumatagal, agad nawawala. Ito ay tinatawag ding salitang kanto, salitang lansangan, salita ng mga estudyante, teen-ager lingo at sa grupo ng mga bakla ay swardspeak.