Si Rustam at Si Sohrab 2nd Day

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

SI RUSTAM AT SI SOHRAB

BUOD
Ang istoryang ito na mula sa Shahnameh na isang epiko
ay nagsasalaysay ng paglalaban ng bayaning si Rustam ng
Iran at ang batang mandirigma na si Sohrab na nagmula sa
Turan. Anak ni Rustam si Sohrab na bunga ng minsang
pagsasama niya at ni Tamina na isang prinsesa mula sa
Turan. Sinabi ni Tamina kay Sohrab na ang dakilang bayani
ng Iran na si Rustam ang tunay niyang ama. Suot ni Sohrab
ang sagisag na ibinigay ni Rustam kay Tamina bilang tanda
ng pagiging ama niya sa anak nila ng prinsesa. Ngunit dahil
sa sinabi ni Tamina na ang anak nila ay babae, hindi alam ni
Rustam na may anak siyang lalaki.
BUOD
Nang magharap ang mga sundalo ng Turan at
Iran, gustong magpakilala ni Sohrab kay Rustam na
siya ang anak nito. Hinamon ng batang mandirigma si
Rustam na maglaban sila nang mano-mano. Nakita ni
Sohrab na may edad na ang mandirigmang si Rustam.
Sumang-ayon si Rustam at dahil sa prinsipyo,
makikipaglaban siya na walang suot na sagisag na
magiging palatandaan na siya si Rustam. Ayaw na rin
niyang ipaalam kung sino siya.
BUOD
May pag-aalinlangan pa rin si
Sohrab na ang makakalaban niya ay si
Rustam, bagamat nararamdaman niyang siya
nga si Rustam na kaniyang ama. Sa panig
naman ni Rustam, nagsususpetsa siya na ang
batang Turanian na paborito ng marami ay
kaniyang anak, ngunit hindi niya matanggap
ang ideyang iyon.
Pagtalakay sa Akda
1. Bakit kaya ganito ang tema ng
teksto?
2. Paano tinanggap ng mga tauhan ang
masasaklap na pangyayari sa kanilang
buhay?
3. Ano ang koneksyon ng akda sa
kapanahunan nang ito'y naisulat?
Naiuugnay ang mga pahayag sa lugar,
kondisyon ng panahon, at kasaysayan ng akda

1. Napagtanto ng ama ni Rustam na si Zal na


kakailanganin niya ng isang espesyal na
kabayong makakasama niya sa digmaan.
Ano ang kondisyon ng panahon noong
isinulat ang epiko? Ano kaya ang lagay ng
mga kalsada o daanan noon? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
2. Kapagdaka’y pumasok ang dalawang
babae, ang una ay ang tagasilbi na may
dalang lampara at sumusunod naman ang
isang magandang dilag.

Ano ang ipinahihiwatig ng lampara ukol sa


kondisyon ng buhay noon?
______________________________________________
______________________________________________
Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa
napakinggang bahagi ng akda sa
pandaigdigang pangyayari sa lipunan.
Anong suliraning nangingibabaw ang
masasabi mong katulad ng suliraning
nangingibabaw sa binasang Si Rustam at Si
Sohrab? Isulat ito sa iyong sagutang papel.
Suliraning
Suliraning
nangingibabaw sa
nangingibabaw sa
Epikong Rustam at
Balita
Sohrab
Pag-uugnay sa Kasalukuyan
Tulad sa mga kuwento nina Zeus at Cronus,
Luke at Darth Vader at nina Rustam at Sohrab, ang
pamilya natin ay hindi perpekto, at tulad din nila,
may mga bagay tayong takot harapin at
matuklasan. Dapat matuto tayong umintindi na
kadalasan may mga bagay na hindi umaayon sa
gusto natin. Parte ito ng ating buhay, pero bakit ka
matatakot? Dapat maging matapang kang harapin
ang katotohanan, bago maging alaala na lang ang
katotohanan.
Kahalagahan ng Teksto

Sa panitikang Persiyano / Iran?


Sa Islam?
Sa panitikan ng mundo?
Kahalagahan ng Teksto
Mag-isip ka para sa ikasasaya at
ikalulugod ng iyong Panginoon -

Maging matalino kayo at maging


makatotohanan
Aral ng Teksto

" Walang silbi ang iyong mga


mata kung bulag naman ang
iyong isipan. "

You might also like