Tula 1

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Lungkot

Magandang ibong malamyos ang tinig


Sa puso iniuukit sugat na mainit
Di pansin ang pagbaa ng tingin
At sa bawat gabi’y bumabalik

Pagkainis
Pikit, ikot, padyak, preno
Di mawaring galaw na makukuntento
Libot, sikot, tigil, talon
Maawalwaha’y hindi pagkat pikon
Galit
Ang alimpuyo ng langit
Sa dibdib pailalim sumisisid
Di mapigil, di malupig
Nagwawasing pilit

Saya
Ang alikabok sa hangi’y sumasaliw
Ang hangi’y sumisipol, humihimig
Ang himig nanlalambing, nangingiliti
At sa labi makikita ang sulyap ng ngiti
Sangkap ng tula
1. Sukat – bilang ng pantig sa bawat taludtod

- aapatin, aanimin, wawaluhin, lalabingdalawahin, lalabing-animin,


at dalawampuhi’t-apat na pantig

2. Tugma- magkakasingtunugan na pantig sa bawat dulo ng taludtod


a. tugmaan sa patinig
-pantig na may impit
halimbawa: guho, sira, siga, dura
- pantig na walang impit
halimbawa: ina, ama, pato,
b. tugmaan sa katinig
- unang pangkat- B, D, K, P, S, T
- ikalawang pangkat – M, N, L, NG, W, Y
Naging kahapon kang ayaw nang magbalik
At ikaw ngayong madaling mawaglit;
Walang anu-ano’y bukas kang papalit
Sa kasalukuyang agad ding aalis
3. Makabuluhang Diwa – ito ang pangkalahatang tema o
kaisipan na ipinapahayag ng tula

4. Kariktan/kagandahan
 Talinhaga – mga salitang pahiwatig

 Larawang diwa – mga salitang pumupukaw sa pandama


ng mga mambabasa

 Simbolo – mga salitang may kinakatawan maliban sa


literal na kahulugan

 Pagsalungat – may diwang nagsasalungatan na lalong


nagpapalutang sa lalim ng mga salita
 a. Mga karaniwang simbolo – ay mga namana o
ipinamana sa atin mula pa sa iba’t ibang salin-lahi.
Kilalang-kilala o madaling tandaan ang mga
simbolong ito at kadalasang natatagpuan sa sining
o literatura.
 Halimbawa: pusang itim (malas), kalapati
(kapayapaan), puso (pag-ibig), atb.

 b. Mga Simbolong Nilikha – ang mga ito ay


nilikhang tauhan, bagay o pangyayari ng mga
manunulat upang maipahayag ang kanilang ideya.
Kapag naging kilala na ang mga ito ay nagiging
karaniwang simbolo na rin.
 Halimbawa – Maria Clara (mahinhing Pilipina), Sisa
(baliw)
Mga Simbolo sa Panitikan - gumagamit ng simbolo ang
manunulat upang:

 magpahayag ng kahulugang hindi kayang ipahayag


ng literal na pagpapakahulugan,

 makuhang ganap ang emosyon at imahinasyon ng mga


mambabasa, at

 mapayaman at madaling matandaan ang kanilang


kwento
Pangkalahatang Uri ng Tula
1. Tulang Pandamdamin o Liriko
-Naglalahad ito ng mga saloobin, damdamin,
imahinasyon at karanasang maaaring sarili ng may-akda
o ng ibang tao.
 Soneto – binubuo ng 14 na taludtod
 Elehiya – ito ay tula na nagpapakita ng damdamin ng
pagkabigo, kalungkutan o kamatayan
 Oda- ito ay papuri para sa isang tao o bagay
 Dalit – ito ay papuri o awit na isinulat para sa mga
diyos para sa pagpapakita ng pagsamba
2. Tulang Pasalaysay
- sa uring ito mababasa ang makulay na karanasan
o pangyayaring tungkol sa pag-ibig, kabayanihan, at
kadakilaan ng pangunahing tauhan
 Epiko – mahabang tulang pasalasay na nagpapakilala
ng pakikipagsapalaran at kabayanihan ng mga tauhan.
 Awit – may 12 pantig sa bawat taludtod at madahang
isinasaliw sa musika ng mga instrumento
 Kurido – may 8 pantig sa bawat taludtod
 Pasyon – ito ay tulang nagsasalaysay ng buhay ni
Kristo mula sa kapanganakan, pagkapako sa krus
hanggang sa muli nyang pagkabuhay
 Balada – tulang karaniwang tungkol sa pag-ibig
3. Tulang Patnigan – isang uri ito ng pagttalong
patula na kinapapalooban ng matatalinong
pangangatwiran, talas ng pag-iisip at talim ng diwa.
 Duplo – tulang patnigan na ginagamit sa mga lamay
 Karagatan – ginagawa rin o nilalaro tuwing may
lamay
 Balagtasan – ito ay isang debateng patula
(Francico Baltazar “Balagtas”)
4. Tulang Padula – nasasaklaw nito ang mga dulang
may dayalogo o usapang patula
 Senakulo – tungkol sa paghihirap at pagkamatay ni
Kristo sa Krus
 Tibag – tungkol sa paghahanap ni Reyna Elena sa
Krus ni Kristo
 Panuluyan – tungkol sa paglalakbay ni Maria at
Jose upang humanap na matutuluyan sa
panganganak ni Maria
 Sarswela – ito ay comedya na may tatlong bahagi
na tungkol sa mga dadamin ng tao partikular ang
pag-ibig, galit, paghihiganti, pagkamalupit,
pagkaganid at iba pang isyung politikal at sosyal.
Iba pang uri ng tula
Karaniwang Anyo – tulang may sinusunod na tugma at sukat
Malayang taludturan – walng sinusunod na tugma at sukat
Haiku- nagmula sa Japan na may 5-7-5 pantigan sa taludtod
Mangmang
Sa mata’y dilim
At hindi po liwanag
Ang tumatabing
Tanaga – maikling tulang binubuo rin ng apat na linya at bawat
taludtod ay may sukat na pipituhing pantig at karaniwang
nagbibigay ng magandang aral.
Palay
Palay siyang matino
Nang humangi’y yumuko
Ngunit muling tumayo
Nagbunga ng ginto

You might also like