Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espirito Santo.

Lahat: Aba Po Santa Mariang Reyna, Ina ng Awa. Ikaw ang


kabuhayan, pag-asa’t katamisan; Aba, pinananaligan ka
namin. Ikaw nga ang tinatawagan namin, pinapanaw na
taong anak ni Eba. Ikaw rin ang pinagbubuntungang hininga
namin ng aming pagtangis dito sa lupang bayang kahapis-
hapis. Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin,
ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria,
Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen.

Namumuno: Ipanalangin mo kami, Ina ng Diyos.

Sagot: Nang kami’y maging dapat makinabang ng mga


pangako ni Hesukristo. Amen.
Kasanayang Gramatikal
Kasanayan
Ang kasanayan (sa Ingles: skill) ay ang
natutunang kapasidad o kakayahan na
maipatupad ang mga resultang nauna
nang natukoy at kadalasang may
mababang paggugol
ng panahon, enerhiya o pareho.
Gramatika
Ang gramatika ay isang gabay sa
tama at maayos na pagsasama sama
ng mga salita sa pagbuo ng isang
pangungusap.
Kasanayang Gramatikal
Ayon kina Canale at Swain, ang
kakayahang gramatikal ay pag-unawa at
paggamit sa kasanayan sa ponolohiya,
morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin
ang mga tuntuning pang ortopograpiya.
A. MAY at MAYROON
May kumakatok sa labas.(Pandiwa)
May matalino siyang anak.( Pang-uri)
May kanila silang ari-arian.(Panghalip na Paari)
May mga lalaking naghihintay sa iyo.( Pantukoy na Mga)
Ginagamit ang mayroon kung ito’y:
1. Sinusundan ng isang kataga o ingklitik
Mga Halimbawa
Mayroon ba siyang pasalubong?
Mayroon nga bang bagong Pajero sila?
2. Nangangahulugang “mayaman”
Mga Halimbawa
Ang pamilya ni Carol ay mayroon sa kanilang
lalawigan.
Siya lamang ang mayroon sa aming magkakapatid.
2.Sinusundan ng panghalip palagyo

Mga Halimbawa
Mayroon siyang kotse.
Mayroon kaming palaisdaan sa Bulacan.
Mayroon tayong pagsusulit sa Filipino bukas.
C. KILA at KINA
Walang salitang kila. Ang kina
ay maramihan ng kay
Mga Halimbawa
Pakidala ang laruang ito kina Benny at
Maris
Makikipag-usap ako kina Vec at Nona.
D. NANG at NG

a. Katumbas ng of ng Ingles
Mga Halimbawa
Si Mang Manding ang puno ng aming samahan.
(Mang Manding is the head of our group.)
Ginagamit ang nang bilang:
a. Katumbas ng when sa Ingles
Mga Halimbawa
Kumakain kami ng hapunan nang dumating si
Tiyo Berting.
We are eating dinner when Tiyo Berting arrived.
b. Katumbas ng so that o in order to sa
Ingles
Mga Halimbawa
Mag-aral kayo nang mabuti nang kayo’y
makapasa.
Study well so you will passed.
c.Kapag napagigitnaan ng dalawang
magkatulad na pandiwa
Mga Halimbawa
Siya ay tawa nang tawa.
Kumain nang kumain ang nagugutom na bata.
E.DAW/DIN at RAW/RIN
Ginagamit ang daw/din kapag
ang salitang sinusundan ay
nagtatapos sa katinig; at
raw/rin kapag nagtatapos sa
patinig.
Mga Halimbawa
May sayawan daw sa plaza.
Sasama raw siya sa atin.
F.KUNG at KONG

Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali.


Katumbas nito ang if sa Ingles; ang kong ay panghalip
panao sa kaukulang paari.
Hal. Matutulog na ako kung papatayin mo na ang
ilaw. (I will sleep if you turn off the lights.)
Nabasâ ang binili kong aklat. ( The book I bought got
wet.)
G.KUNG DI at KUNDI
Ang kungdi ay galing sa salitang “kung hindi” o if not
sa Ingles; ang kundi naman ay except.
Mga Halimbawa
Aaalis na sana kami kung di ka dumating. (We are
about to leave if you did not come.)
Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong
mga may tiket lamang. ( No one is allowed to watch
except those who have tickets.)
H.PINTO at PINTUAN
Ang pinto (door) ay ang bahagi ng daanan na
isinasara at ibinubukas. Samantala, ang pintuan
(doorway) ay ang bahaging kinalalagyan ng pinto.
Mga Halimbawa
May kumakatok. Buksan mo nga ang pinto.
Natanggal ang pinto sa pintuan.
I.SINA at SILA
SINA
-kapag ito ang sinusundan ng mga pangngalan
Hal. Nahirapan sina Kenneth at Steven sa pamimingwit.
SILA
-bilang panghalip na panao
Hal. Nahuli sila ng mga alagad ng batas sa isang checkpoint.
J.HAGDAN at HAGDANAN
Ang hagdan (stairs) ay ang baytang na inaakyatan at
binababaan. Samantala, ang hagdanan (stairway) ay
ang bahaging kinalalagyan ng hagdan.
Mga Halimbawa
Nagmamadaling inakyat ni Marvin ang mga hagdan.
Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana.
L.OPERAHIN at OPERAHAN
Ginagamit ang operahin kung ang tinutukoy ay ang
tiyak na bahagi ng katawan na titistisin. Ang
operahan naman ay tumutukoy sa taong sasailalim sa
pagtitistis.
Mga Halimbawa
Ooperahin ang tiyan ni Rey sa Sabado.
Ooperahan si Rey sa tiyan sa Sabado.
TAKDANG-ARALIN 2018
1. Basahin ang “Indarapatra at Sulayman”
(Ang Komiks) sa pahina 246-253. Sagutan ang
TALAKAYIN sa pahina 254-255.

2. Basahin ang “Hindi Plastik ang Salarin” sa


pahina 266-267. Sagutan ang TALAKAYIN ABC.
4 uri ng Pagpapahayag
1. Paglalarawan
2. Pagsasalaysay
3. Pangangatuwiran
4. Paglalahad
Paglalarawan
opaggamit ng mga palarawang
salita upang maipakita ang
angkop na kaanyuan ng tao,
bagay, sitwasyon, at pangyayari.
Pagsasalaysay
olayunin nitong maisalaysay ang
mga pangyayari sa isang
sistematikong paraan.
Pangangatwiran
opaggamit ng mga pahayag na
nagpapakita ng makatwirang
pahayag hinggil sa isang paksa o
isyu.
Paglalahad
paggamit ng mga detalye para sa
pagpapalawak ng kaalaman sa
paksang binibigyang linaw upang
lubos na maunawaan.

You might also like