1841) ay mas kilala sa pangalang “Hermano Pule”. Siya ay isinilang noong Hulyo 22, 1815 sa Sitio Pandak, bayan ng Lucban, Tayabas (Quezon), kung saan niya natamo ang pangunahing pag-aaral ng pananampalataya. Siya ay natanggap na hermano sa San Juan De Dios. Kabilang sa labinsiyam na dating hermano na nagtatag ng Confradia de San Pag-aalsa ni Hermano Pule
• Si Hermano Pule ay isang "lay
brother" ng Ospital ng San Juan de Dios. Gusto niyang magpari ngunit hindi siya tinanggap dahil isa siyang Pilipino. • Kaya noong 1832, itinatag niya ang Kapatiran ng San Jose o Cofradia de San José, isang “kapatiran” na Pilipino lamang ang puwedeng sumali. Karamihan ng mga kasapi nito ay mga magsasaka at ito ang naging kapalit ng Katolisismo. Mula sa punong himpilan nito sa Bundok Banahaw, nagkaroon sila ng malawak na kapatiran sa Tayabas (Quezon), Laguna, at Batangas. Sa paglakas ng samahan, nabahala ang mga Español. Sa kabila ng paghiling niya na kilalanin ng pamahalaan at ng simbahan ang kanyang samahan, sa tulong ni Domingo Roxas, nabigo si Pule. Noong Oktubre, 1841, sinalakay ng mga Español ang Cofradia. Inipon ni Pule ang 4,000 mga kasapi sa Alitao at matagumpay na nakipaglaban sa mga Español. • Ngunit nang dumating ang mga sumaklolong sundalong Español, walang awa nilang pinagpapatay ang matatanda, mga babae at mga bata na kasama nina Pule. Nahuli si Pule sa Barrio Guibanga at hinatulang mamatay sa Casa Tribunal ng Tayabas. • Matapos siyang barilin (sa edad na 26), ang katawan niya ay pinaghati-hati, inilagay sa mga kawayan at ibinandera sa mga lugar na madaling makita upang maging babala sa mga nag-iisip na mag-alsa. Bakit naitatag ang Kapatiran ng San Jose? Naitatag ang Samahan ng San Jose dahil sa isyu ng diskriminasyon sa lahi. Ginawa itong kahalili ng Katolisismo ng mga kasapi. Nag-umpisa ang pag-aalsa nang sumalakay sa kanila ang mga Español. Bagama't nagtanggol ang mga Pilipino, tinalo sila ng mga kalaban. Sagutin ang mga katanungan. 1.Sino ang nagtatag ng Cofradia de San Jose o Kapatiran ng San Jose? 2.Sino-sino ang mga eksklusibong kasapi ng Cofradia de San Jose? 3.Saang lalawigan nangyari ang pag-aalsa ni Hermano Pule? Bakit hindi tinanggap sa pagpapari si Hermano Pule? 4.Nang tinanggihan siyang magpari, ano ang isyung kahon.
Bundok Banahaw Domingo
Roxas Kapatiran 1. Itinatag ngang ni Pule San Jose Español ____________, isang Casa Tribunal Barrio samahan Guibanga na Pilipino lamang ang pwedeng sumali. 2. Sa tulong ni _________, hiniling ni Pule na kilalanin ng pamahalaan at ng simbahan ang kanyang samahan. 3. Mula sa punong himpilan ng nito sa ________, nagkaroon sila ng malawak na kapatiran sa iba’t ibang lalawigan. 4. Sinalakay ng mga _________ ang kapatiran noong Oktubre, 1841. Bundok Banahaw Domingo Roxas Kapatiran ng San Jose Español Casa Tribunal Barrio Guibanga Takdang Aralin Pagsunud-sunurin ang mga pangyayaring naganap sa Kapatiran ng San Jose. Isulat ang bilang 1-5 sa loob ng kahon.
Nagkaroon ang samahan ng malawak na kapatiran sa Tayabas (Quezon), Laguna, at
3 Batangas. 5 Nahuli si Pule sa Barrio Guibanga at hinatulang mamatay sa Casa Tribunal ng Tayabas. 2 Noong 1832, itinatag niya ang Kapatiran ng San Jose o Cofradia de San José, isang “kapatiran” na Pilipino lamang ang puwedeng sumali. 4 Noong Oktubre, 1841, sinalakay ng mga Español ang Cofradia. 1 Hindi tinanggap si Pule na maging pari.