Talumpati

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 43

TALUMPATI

• Isang akdang pampanitikan na binibigkas sa


harap ng mga tagapakinig

• Isang kapakipakinabang at masining na


pagtalakay ng paksa na naglalayong
makahikayat sa paniniwala at paninindigan ng
nagtatalumpati.
Mga Sangkap ng
Talumpati
1. Kaalaman
- nararapat na maghatid ng sapat na
kaalaman o impormasyon ang isang
talumpati.
2. Kahandaan
- Madalas na bunga ng walang
kahandaan sa pananalumpati ang mawala
sa kalagitnaan ng pagsasalita,matagal na
pagtigil at pangangapa ng mga salita. Ang
kahandaan sa pagtatalumpati ay
kahalintulad ng tiwala sa sarili.
3. Kasanayan
- Ang kasanayan ay isang mabisang
sangkap upang maipakita ang kaalaman
at kahandaan ng isang mananalumpati.
Hakbang sa Paghahanda ng
Talumpati
1. Pagpili at Paglilimita ng Paksa
a. Dapat batid at may kaalaman sa
paksa
b. Kawili—wili at napapanahon ang
paksa
c. Limitahan ang paksa ayon sa
itinakdang oras
2. Pagtitiyak sa Layunin – ito ay naayon
o naglalayong:
a. Magbigay ng impormasyon na
maaaring isagawa sa pamamagitan ng
- Pagbibigay ng depinisyon
- Paglalarawan
b. Manghikayat o mang-impluwensya
sa kaisipan ng tagapakinig

c. Pagbibigay inspirasyon

d. Magbigay aliw sa mga


Mga Bahagi at Elemento ng
Talumpati
1. Pambungad o Intoduksyon
– Layunin nito na kunin ang atensyon ng
mga tagapakinig at ipakilala ang
nilalaman ng mensahe. Ito ang
nagsisilbing paghahanda sa mga
tagapakinig sa talumpating ibabahagi.
2. Pangunahing Ideya
– ito ay pagbibigay ng malinaw na
direksyon ng talumpati. Ipinakikita nito
ang paninindigan ng tagapagsalita
kaugnay sa paksa.
3. Katawan o Paglalahad
– Ito ang paglalahad ng isyu at
pagpapahayag ng diwa sa paksang
tinatalakay. Kinapapalooban nito ng mga
pangunahing puntos ng talumpati.
4. Paninindigan
– ito ang bahaging ipinahahayag ang
katwiran hinggil sa isyu. Layunin niyong
hikayatin o mapaniwala ang mga
nakikinig. Nakapaloob ito sa katawan ng
talumpati
5. Kongklusyon
– paglalahad ng lagom sa mensahe o
pagganyak sa mga tagapakinig na
gumawa ng aksyon
URI NG TALUMPATI
Ayon sa Layunin
1. Talumpating Pampalibang
-kadalasang binibigkas
pagkatapos ng isang salu- salo.
Nagpapatawa ang nagtatalumpati
sa pamamagitan ng anekdota o
maikling kwento
2. Talumpating Nagpapakilala
- Tinatawag din itong panimulang
talumpati. Karaniwan itong maikli lalo
na kung ang ipinakikilala ay kilala na
o may pangalan na. Layunin nito ay
ihanda ang tagapakinig at pukawin
ang kanilang atensyon sa kahusayan
ng tagapagsalita
3. Talumpating Pangkabatiran
- Ginagamit sa mga kumbensyon,
panayam, at pagtitipong pansyentipiko,
diplomatiko at iba pang samahan ng mga
dalubhasa.
4. Talumpating Nagpaparangal

- Ito ay inihahanda upang bigyang


parangal ang isang tao o di kaya ay
magbigay-puri sa mga kabutihang
nagawa.
Uri ng Talumpati ayon sa
Pamamaraan
1. Dagli - hindi pinaghandaan

2. Maluwag - may maikling panahon


na ibinibigay sa mananalumpati
upang pag-isipan ang sasabihin.
Hindi isinulat at hindi isinaulo ang
mga sasabihin
3. Pinaghandaan - isinulat, binabasa
o isinaulo ang talumpati at may
sapat na pag-aaral sa paksa.
Mga Dapat Tandaan sa Pagbigkas ng
Talumpati:
Tikas at Tindig
- Alalahanin na ang unang
kumukuha ng pansin ng madla ay
ang tikas at tindig.
Galaw at Kilos
- gawing natural at maluwag ang
bawat kilos. Nakatutulong ito sa
pagbibigay diin sa mahahalagang
bahagi ng paksa gayundin sa pag-
iisip.
Kumpas
- Hindi magandang tignan sa isang
mananalumpati ang madalas na
pagkumpas na wala namang
ipinahihiwatig. Hindi dapat sabayan ng
buka ng bibig ng kumpas. Ang
pagkumpas ay dapat may kahulugan.
Dapat Tandaan sa Pagkumpas
1. Dapat galing sa kalooban ang natural
na pagkumpas.
2. Dapat na ibagay sa mga salitang
binibigkas ang pagkumpas
3. Iwasan na nagkaroon ng angulo ang
pagtaas ng bisig.
4. Ang pagkukumpas ay nagsisimula sa
balikat nagtatapos sa dulo ng daliri.
5. Hindi dapat gumamit ng napakaraming
kumpas o kaya wala ni isa man.
6. Ang pagsulpot-sulpot ng napakaraming
kumpas ay nakababawas ng diin.
7. Hindi dapat isinasagawa ang
pagkumpas na parang nagwawalis.
8. Kapag nauuna ang kanang paa sa
pagtayo, ang kanang kamay ang
gagamitin sa pagkumpas, kapag kaliwang
paa, ang kaliwang kamay ang gagamitin
sa pagkumpas, at kapag dalawang kamay
ang gagamitin ay dapat pantay ang sa
pagkakatayo ang mga paa.
Mga Uri ng Kumpas
1. Palad na itinaas habang nakalahad

– Nagpapahiwatig ng dakilang damdamin


2. Nakataob na palad at biglang ibinaba

– nagpapahayag ng marahas na
damdamin
3. Palad na bukas at marahang ibinababa

– nagpapahiwatig ng kaisipan o
damdamin
4. Kumpas na pasuntok o kuyom ng
palad
– nagpapahayag ng pagkapoot o galit at
pakikipaglaban
5. Paturong Kumpas – nagpapakilala ng
panduduro, pagkagalit at panghamak
6. Nakabukas na palad na magkalayo ang
mga daliri at unti-unting itinitikom –
nagpapahiwatig ng matimping damdamin
7. Ang palad ay bukas paharap sa
nagsasalita – pagtawag ng pansin sa
alinang bahagi ng katawan ng nagsasalita
8. Nakaharap sa madla, nakabukas ang
palad – nagpapahiwatig ng pagtanggi,
pagkabahala at takot
9. Kumpas na pahawi o pasaklaw –
nagpapahayag ng pagsaklaw sa isang
diwa, tao o pook
10. Marahang pagbaba ng dalawang kamay
– nagpapahiwatig ng kabiguan o kawalan ng
lakas
Tinig
= Kailangang malinaw, masigla at parang
nakikipag-usap lamang.

You might also like