Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 40

Ang Tradisyong Patuluyang Pasalindila

Ito ay inilalahad sa pangkaraniwan at pang-araw-araw


na pananalita, hindi sa palatugmaan na ang daloy ng
pinabubukal na kaisipan at damdamin ay hindi madulas
o tuluy-tuloy dahil bilang ang mga pantig ng mga
salitang sasabihin at kailangan pang pagkakasintunugin
ang mga dulong pantig
Oo nga’t maindayog pakinggan ang tradisyong
patula at marikit gunigunihin, pero ito’y artipisyal pa
rin ang dating. Samantalang sa tradisyong
patuluyan, malaya kung lumabas sa bibig ang mga
salita, madulas, mabilis dahil hindi na kailangan pang
pakaisipin o pakapiliin sa bunton ng malalalim o
bihirang gamiting mga salita para pagandahin ang
dating sa tenga.
Nag simula ang tradisyong patuluyan noon ding unang
panahon – Ang Matandang Panahon o Panahon ng mga
Katutubo. Dahil nga sa hindi pa gaanong laganap ang sistema
ng panulat sa lahat ng rehiyon ng kapuluan, sa
mangilanngilan lang mayroon, tulad ng mga Hanunuong
Mangyan ng Mindoro, kaya sa pasalintang paraan ito
naipaaalam at napatatandaan. Ang mga pasalitang
kaalamang ito na nagtataglay ng mga paniniwala, saloobin, at
mithiin ng mga ninuno at nilalayon nilang mapanuntunan ng
kanilang mga salinlahi ay tinatawag na kuwentong-bayan.
ANG MGA KUWENTONG BAYAN
Ang kuwentong –bayan o folktale ay mga salitang
pagsasalaysayan sa tradisyong patuluyan. Ibig sabihin nga
patuluyan dito ay ang karaniwang pag kukuwentohan na ang
ginagamit na pamamaran ng pagsasalita ay tulad sa natural
na pang-araw-araw na pag-uusap-usap.
Kaya may salitang “bayan” sa kuwentong-bayan ay dahil hindi
malaman kung sino ang taong orihinal na nag lahad ng
istorya. Ito’y mga kuwentong hindi nasusulat o nakasulat.
Napasalin-salin na lamang sa bibig ng marami, walang
tanging nag mamay-ari kundi ang bayan.
Ang mga kuwentong-bayang ito, likha man ng maguniguni at
madalumat na isipan o sadyang naranasan ng mga ninuno, ay
nag sisilbing mga kasagutan sa mga katanungan ng
mauusisang kabataan ng kanilang mga magulang. Sa
pamamagitan ng mga kuwentong ito ay naipaliliwanag ng mga
ninuno noon ang mga karanasan o pangyayaring naganap sa
kapaligiran at nag sisilbi rin namang batayan sa buhay ng
sumusunod na salinlahi.
Ang Mulamat o Mito

Mula at Alamat, dalawang salitang bumubuo sa mulamat. Mula


na ibig sabihin aiy simula o umpisa at alamat na ang tinutukoy
ay leyenda o legend, na ang ibig sabihin ay isang uri ng
kuwentong-bayan na nag sasalaysay tungkol sa pinagsimulan
ng mga bagay-bagay.
Mga kuwento ng simula ng simula ang mulamat o mito
sapagkat ito’y karaniwang tungkol sa mga diyos o diyosa,
bathala o mga anito. Tumutungkol din ito sa kanilang mga
paglalang tulas sa kalikasan – sa langit, sa mundo, sa mga
unang tao. Ito’y tumutungkol din sa kanilang katapangan,
kagitingan, kapangyarihan, at mga gawang pangkabutihang-
bayan.
ANG ALAMAT

Ang alamat o leyenda ay mga kuwentong-bayan ng


pinagmulan. Ang ikinaiiba nito sa mulamat, ito’y hindi tungkol
sa mga diyos o diyosa, paglalang o pananampalataya kundi
tungkol sa mga naging simula ng mga bagay-bagay.
ANG PABULA

Ang pabula ay mga kuwentong-bayan na karaniwang


isinasalaysay sa mga kabataan kung ibig silang aliwin at
pangaralan ng kanilang mga magulang. Dahil mahilig sa mga
hayop ang mga bata, ang tauhan ng kuwento ay pawang mga
hayop. Mga hayop na kumakatawan o sumasagisag sa mga
katangian o pag-uugali ng tao.
Unang napatunayan ang mga ganitong kuwento sa Gresya at
si Aesop ang tinaguriang ama dahil sa napabantog nitong
aklat, ang Aesop’s Fable. Mga makabagong panahonng
manunulat ng pabula ay sina. N.C. Olivares at Arlene Babst
ng Manila Bulletin noong rehimen pa ni dating Presidente
Ferdinand E. Marcos.
ANG PARABOLA
Ito ay karaniwang kaalaman hango sa bibliya o banal na
kasulatan. Sa kristiyanuhan, kilala ito sa mga pagtuturo at
pangangaral ni hesus noong magsimula pa siya sa kanyang
misyon sa daigdig.
Ang parabola ay nagsisilbing salamin para makita ng tao ang
nasasaloob niya sa sarili at ng kanyang kapwa.
Ang parabola, tulad sa pabula, ay masimbolo o masagisag
kaya malalim ang kahulugan na dapat pag-isipan. Gayundin,
madalumat ito tulad ng alegorya sapagkat punung-puno ito ng
mga imaheng nag papahiwatig ng ipinauunawa na ang mga
tagapakinig na ang bahalang tumiyak sa kanyang sarili. Ang
paglalapat nito sa buhay o ang kabuluhan nito ay depende na
rin sa mga naging karanasan ng tao.
ANG KUWENTONG KABABALAGHAN

Ito’y hindi sadyang likhang-isip mula sa makislot na guniguni


ng tagapagsalaysay. Ito’y nararanasan bagamat ng piling ilan
lamang. Oo nga’t kung minsan, dala ng sakit na sa
pagdidiliryo, nakalilikha ng kakaibang pangitain, ang
paghahalusinasyon dili kaya ay dala ng matinding takot na
nakapamumuo sa diwa ng ilusyon. Subalit hindi ito ang
pinakapunto kundi ang taglay nitong katakatakang katangian
dahil sa hindi lahat ay nakararanas at nakaaalam, tuloy
pinagkikibitang-balikat lamang ng karamihan.
Sa panahon ngayong makabago nang lahat ang takbo ng
buhay, at ang agham at teknolohiya ay patuloy na
sumusulong, ang lahat ay kailangan makita muna bago
paniwalaan- TO SEE IS TO BELIEVE- Subalit paniwalaan
man ito’t dili, sabihin mang ito’y bungang-tulog o kulang sa
ligong salaysay, mananatili ang mga kuwento tungkol dito at
marahil ay lalaganap pa habang patuloy na may dilim ang
gabi.
ANG KUWENTONG KATATAWANAN

Ang kuwentong-bayang ito ay maaaring gawa-gawa lamang


bilang mga kantiyaw, o kaya’y nangyayari sa pang-araw-araw
na kapaligiran, na sa halip na takasan ang katunayan o ang
reyalidad nito, sa mga pabirong paraan nakukuhang
tanggaping maluwag ang buhay.
Sa mga kuwentong ito, nakararami ang bilang niyaong mga
may bahid berde lalo na sa mga kalalakihan. Sapagkat ang
mga Pilipino ay hubog ang isip sa pagkakonserbatibo o
pagkamakaluma, ang bahaging sekswal ng buhay ay
itinuturing pang bawal o kabastusan o karanasang mahirap
ipagsabi.
ANG PALAISIPAN

Ito ay pahulaang nagpapatalas ng isipan. Ang palaisipan ay


pakuwento, ang mga pananalita ay malaya at pag-araw-araw,
at karaniwan na’y nagtatapos sa isang tanong. Samantala
ang bugtong ay patula kaya pataludtod na kung hindi
dadalwahin ay aapating taludtod na ang bawat taludtod ay
may sukat at tugma.
Ang palaisipan ay parang isang sanayan ng mga tao noong
araw sa laarangan ng matematika at lohika. Mapanghamon
ito sa sensibilidad at kapasidad ng taong magisip.
ANG TRADISYONG PATULUYANNG PASALINSULAT

Naipakilala ang sistema ng pagsulat. Natutunan ng taong


isalin sa titik ang mga kinapamihasnan niyang dati’y sa dila
lamang niya pumipilantik. Kabuntot nito ang pagkatuto ng
taong bumasa. At ang dating gawiin niyang makiumpok at
makinig ngayon ay mag-isa na niyang tahimik na itinutunghay
sa mga pahina ng libag na panitik.
Nagkaroon ng pagbabago sa pamamaraan niyang matuto ng
mga paniniwala, saloobin, at mithiin. Ngunit natuklasan niyang
naroon pa rin. Namalagi ang mga temang nag-ugat sa nuno.
Pag-ibig - sa Diyos, sa bayan, sa kapwa, sa sarili, sa
kalikasan, sa hayop – pagpupunyagi, pag-iimbot, pag-
hihimagsik, paghihiganti, pangangarap, paghihirap, kabiguan
kamatayan atbp.
ANG MAIKLING KUWENTO

Maikling kuwento ay masasabing isang makabagong sangay


ng panitikan na sadyang kinakathang masining nang
mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mga mambabasa
ang isang pangyayari sa buhay.
Maikling kuwento isang maikling salaysay hinggil sa isang
mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang
tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa
itong masining na anyo ng panitikan.
MGA BAHAGI O ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO
1.Simula
-Tauhan
-Tagpuan
-Sulyap
2. Gitna
- Saglit na Kasiglahan
- Tunggalian
- Kasukdulan
3. Wakas
- Kakalasan
- Kinatapusan
ANG MGA PANAHON NG PAGKAKAUNLAD NG MAIKLING
KUWENTO

Ang maikling kuwento ay nagsimula sa panahon ng mga


Americano ng kasaluluyang silo. Ngunit sa ibang mga tala,
itinuturing na kapanahunan pa ni Jose Rizal ito nag-ugat sa
isa sa mga kabanata ng kanyang nobelang Noli Me Tangere,
ang Noche Buena, na bagamat isang kabanata nga lamang,
kung ihihiwalay naman sa nobela ay makatatayong mag-isa
sapagkat taglay na nito ang mga sangkap na dapat taglayin
ng isang maikling kuwento. Tinaguriang ama ng maikling
kuwento si Diogracias A. Rosario.
Sa anyong mga dagli, o sketches sa ingles, naitutok ang pag-
uugat ng maikling kuwento. Mga sitwasyon itong may mga
tauhan ngang nasasangkot ngunit walang aksyong mauunlad,
gahol sa banghay kung baga, mga paglalarawan lamang.
Datapwat sa kasalukuyang panahon, nitong panahon ng
elektroniko, ito ang bagong nauusong moda sa maikling
kuwento. Mga kuwentong pawang sitwasyon lamang o
plotless. Ang ikinaiiba lamang, ang dagli ay tahasang
nangangaral at nanunuligsa.
Mga Pasingaw nag aanyo rin itong maikling katha ngunit hindi
rin ganap ang banghay. Mga bulaklak lamang ito ng dilang
walang patumangga sa pagtalakay ng paksa ng mga
manunulat noong unang dekada ng kasalukuyang siglo.
Ang mga pasingaw na ito ay nagtataglay ng dalawang
layunin. Una para ihandog ang katha sa babaeng
pinaparaluman o siyang inspirasyon ng manunulat.
Pangalawa, tulad ng daglli, na ang mga may akda ay pari,
nag lalayon din itong magaral nang diretsahan.
Sa mga uri ng akdang ito mapatutunayan na ang mga
manunulat noon ng kuwento ay hindi pa marurunong sa
masining na pagsulat ng maikling kuwento.
Di-naglaon, natuklasan din ang pangangailangan ng kuwento
ng banghay. Natuto na ang mga manunulat na mag dugtung-
dugtong ng mga tagpo.
Sa madaling sabi, ang mga kuwentong itong kung turingan
nila noong araw ay pinigang nobela sa puno ng luha at
tuwirang nangangaral ay matatawag na maikling kuwentong
maromansa.
Sa ganitong tagbo ng sining ng maikling katha, di-maaaring
walang mabagabag na alagad. Si Clodualdo del Mundo sa
kanyang Parolang Ginto at si Alejandro G. Abadilla naman sa
kanyang Talaang-bunghaw noong dekada 30 ay kapwa
namuna at nanuri. Naglunsad sila ng mga makabagong
pamamaraang aral sa ibang bansa sa pagsulat ng m,ahusay
at masining na maikling kuwento. At nagtagumpay sila. Natuto
na silang magbalangkas ng banghay, manggulat ng
mangbabasa, at magtimpi sa pananalita. Nakaroon ng mga
paligsahan at nalathala ang napiling magagaling na akda, 25
pinakamahuhusay na kathang Pilipino ng 1943 at 50
kuwentong Ginto ng 50 batikang kuwentista ng 1939.
Minabuti ni del Mundo at Abadilla na magkaroon ng samahan
ng mga manunulat. At naitatag nga ito sa tawag na Panitikan.
Nagkaroon ng paghihimagsikan laban dito ang matandang
manunulat, sapagkat nababale wala na rito ang kanilang
kakayahan sa pagsulat. Magkagayunman, nagapatuloy ito sa
lakas ng mga kabataang manunulat na nagpasimula naman
ng kakaibang anyo ng maikling katha. Ito ay ang maikling-
maikling kuwento.
Ang maikling-maikling kuwento ay maikli na nga ay pinaikli pa.
Naging iba ito sapagkat naging matipid sa pananalita.
Hanggat maaari ay pawang tiyak na pananalita lamang ang
gagamitin.
Samantala, ang panahon ng Hapon (1942-1945) ang
naglimbag sa maikling kuwento sa ganitong pahina na
Panitikang Filipino dahil pinairal ng mga Hapon ang paggamit
ng wikang pambansa bilang medyum sa panulat. Sumigasig
at dumami ang mga manunulat. Sumigla at tumaas ang
sangay na ito ng panitikan. Naging matimpi sa pagtalakay ng
paksa. Madula ngunit di-maligoy. Nag-ala-dagling muli ang
kawalan ng mga ito ng banghay. Nagkaroon ng ibat-ibang
pamamaran ng pagkukuwento. Ang mga paksang dati ay
hindi naisusulat ay napansin. Ang mga katangiang ito ay
namalagi na hanggang sa kasalukuyanng kalagayan ng
maikling kuwent. Ito ay tinatawag na kontemporaryong
maikling kuwento.
ANG NOBELA

Ang Nobela ay isang pinakamaakulay, pinakamayaman, at


pinakamakabuluhan sa anyong patuluynag panitikan. Para
itong buhay na mga pangyayaring namamasdan sa pang-
araw-araw na pamumuhay at pakikipamuhay ng tao sa
mundo, na kapag binabasa, hindi lamang ang itinatampok na
karanasan ang nasasalamin kundi ang lahat ng may
kaugnayan sa aktwal na kapaligiran. Dito natutunghayan ang
ibat-ibang takbo ng buhay ng tao.
KATUTURAN NG NOBELA
Ang nobela o kathambuhay ay isang masining na sangay ng
panitikan na nag lalahad o nag lalarawan ng mga
pangyayaring nagaganap sa buhay na umiikot ayon na rin sa
mga karanasan ng tao sa kanyang sarili at sa kanyang
kapaligiran.
Ang Nobela ay sinasabing galing sa salitang Latin, Novelus,
at itinuturing na supling o kaugnay sa kasaysayan o istorya
sapagkat dito isinasalaysay ng saksi ang mga kaalamang
kanyang namasid, kung hindi man walang labis o kulang,
nababawasan o nadaragdagan, kung hindi man pinatitingkad,
pinalulungkot, o pinasasaya. (Servando de los Angeles,
1974).
BALANGKAS NG NOBELA
May dalawang balangkas ang nobela, ang Linesr 0
kumbensyunal at circular o paikut-ikot. Linear o
kumbensyunal ang balangkas ng kuwentong ito ay
sumusunod sa kaayusang Simula-Gitna-Wakas. Sa
balangkas na ito, kung minsan, kapag nabasa na ang simula,
ang wakas ay halos napaghuhulo na. Alam na.
Circular naman o paikut-ikot. Kung sa pamamagitan ng mga
pampanitikang tekniko ay napag-iiba-iba ang kaayusan ng
mga bahagi- Gitna-Simula-Wakas (In Media Res) o kaya’y
Wakas-Simula-Gitna, o kung paano pang ayos. Ang
kaayusang ito, kung hindi gaanong bihasa nag mambabasa,
ay nakalilito sapagkat hindi niya malaman kung saan pupuno
at saan dudulo.
MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG BOBELA
1. Maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at
kaisipan
2. Kailangang isaalang-alang ang tungkol sa kaasalan
3. Ang pumupukaw-damdaming nobela ay kawili-wili.
4. Pumupuna ito sa lahat ng larangan sa buhay-sa mga
aspekto ng lipunan tulad ng gobyerno at relihiyon.
5. Dapat maging malikhain ito’t maguniguning inilalahad.
6. Ang balangkas ng mga pangyayari ay tumuturol sa
kaisahang ibig mangyari.
MGA LAYUNIN NG NOBELA

Ang layunin ng nobela ay ang hangarin, o naisin ng


manunulat kung bakit kinatha ang isang akda. Ang layuning
ito ang umaapekto sa isp at damdamin ng sinumang
makatutunghay sa akda.
Ang layunin ng nobela ay naaayon sa bawat panahon na ang
akda ay isinulat. Nang ipakilala ng mg kastila ang nobela
noong dantaong labing walo osigo 18, ang mga nilalaman ng
nobeala ay pawang makarelihiyon. Layunin nilang pukawin at
ikintal sa isip ng mga Pilipino ang mga dogmang pang Iglesia
katolika.
Ayon kay Inigo Ed. Regalado layunin nitong magbinhi ng mga
simulain, o oral na hangad na pagbungahin ng sumulat o
magdulot ng aliw sa mga mambabasa sa pamamagitan ng
magandang paglalarawan ng mga gawi at galaw sa
pamumuhay, o pag lalahad kaya ng isang panganib o sama
na makakalasan sa kadakilaang-asal upang maiwasan at
malayuan. (Regalado, 1939).
KAHALAGAHAN NG NOBELA

Pinalalawak nito ang kanilang kamulatan. Pinalalalim nito ang


kanilang pang-unawa. Pinasusulong nito ang kanilang
kaunlaran. Pinakikilala nito ang kanilang pagkatao.
Pinaiilanglang nito ang kanilang pagkalahi. Pinakalilinang nito
ang kanilang kultura. Samakatuwid, sa pamamagitan ng
nobela, bukod sa aliw na natamasa, nagiging talaaralan itong
kinapapanutuhan ng buhay.
URI NG NOBELA

1. Nobela ng Tauhan
2. Nobela ng Makabanghay
3. Nobela ng Maromansa
4. Nobelang Malayunin
5. Nobelnag Masining
Ang mga Panahon Ng Pagkakaunlad ng Nobelang Filipino

Ang Panahon ng Kastila (1565-1898)


- Ang nobelang Filipino, sa pag-aaral na isinagawa ng ilang
mananaliksik tulad ni Soledad S. Reyes, ay mauugat sa
tatlong pinagmulang tradisyon – epiko,awit at korido, mga
akdang panrelihiyon. Layunin kasi noon ng mga kastila ang
pagpapalaganap ng katolisismo at pagpapataas ng
moralismo kaya itinuturing itong mga nobelang didaktiko,
ibig sabihin, nangangaral o nagtuturo ng mga kabutihang-
loob at kagandahang asal.
- Ang mga unang nobelang Filipino, dahil mga prayle noon
ang maaalam at masisipag magsulat, pawang nasa orihinal
na wikang kastila.
Una ay ang Barlaan at josaphat, na isinalin na lamang ni Fray
Antonio de Borja noong 1712, at tipo pa ngang moro-moro
dahil tumatalakay ito sa pagbabagong paniniwala ni Josaphat
na isang prinsipe sa mga ipinangangaral sa kanya ng
matandang paring si Barlaan.
Pumapangalawa rito ang nobela namang isinulat ni Padre
Modesto de Castro na pinamagatang Urbana at Felisa at ang
Tandang Bacio Macunat ni Padre Lucio Miguel Bustamante.
Magkatulad halos ang pakay ng dalawang nobelang ito at
iyan ay ang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng edukasyon.
Ang Panahon ng Americano (1900-1941)
Sa simula ng pananakop ng mga Americano na binungaran
ng paghihimagsik ng mga Filipino, hindi nagkapuwang ang
pagsusulat ng nobela. Sa halip, mga sanaysay at talumpati
ang naging bahikulo ng pamamahayag para magsilbing
propagandang pampaalab sa damdamin at kaisipan ng mga
Pilipino upang magkaroon ng kaisahan sa pagtuligsa sa mga
di-kanais-nais na pamamalakad ng mga bagong panginoonng
Americano.
Napahinuhang magkaroon ng kasarinlan ang Pilipinas noong
taong 1900. sa pagkakataong ito, nabuhay ang mga
pamahayagan. Dito nagsimulang lumawak ang larangan ng
nobela.
Ang kauna-unahang nalathalang nobelang tagalog noong 1900 ay ang
Salawahang Pag-ibig ni Lope K.Santos. Ito ang itinuturing na kauna-
unahang nobelang Tagalog sapagkat sadyang nasusulat sa orihinal na
wikang Tagalog.
Sa panahong ito bukod sa pagkatha ng orihinal na akda, ang mga
manunulatay nagsikhay magsaling-wika ng mga nobelang banyaga. Isa sa
mga masisipag magsagawa ng ganito ay si Valeriano Hernandez Pena,
ang tinaguriang Ama ng Nobelang Tagalog.
Ang kanyang Nena at Neneg na nalimbag noong 1905, sa listahan ng 24
na nobelang naisulat noong 1900 hangang sa kasalukuyan ni Soledad S.
Reyes, ay itinuturing na isa at unang-una sa pinakamagaling.
Lumaganap nga ang nobela maging sa ibang wikain ng Pilipinas. Noong
1907, ang Benjamin ni Angel M. Magahum sa wikaing hiligaynon ay
nalathala. Sa Sebuano naman ay ang Wala’y Igsoon. Noong 1909 ang
mga nobelang Ilokano ni Mariano N. Gaerlan ng Biag Ti Maysa A Lakay
Wenno Nakaamames ay inilathala rin.
Sa ibang wikain ay nakatulong din ang mga pahayagan sa
pagpapalaganap ng nobela. Naroon ang
1. Ang Suga (1901)
2. Ang Camatuoran (1902) ng mga Sebuano
3. Ang Kagubat (1900) ng mga Sebuano
4. Kadapig Sang Banwa (1905)ng mga Ilonggo
5. La Lucha (1909) ng mga ilokano
Na pantanyag sa larangang ito ang mga sumusunod na pangalan
Patricio Mariano – Juan Masili o Ang Pinuno ng Tulisan at Dalawang Puso sa
Liwanag ng Buwan (1906)
Faustino Aguilar – Pinaglahuan at Francisco Lacsamana, Anino ng Kahapon
(1907)
Inigo Ed. Regalado – Madaling Araw (1909)
Memrto Paglinawan – Bayan at Pag-ibig (1910)
Rosauro Almario – Mga Anak-bukid (1911)
Julia C. Balmaceda – Ang Taong Labas (1912)
Aurelio Tolentino – Maring (1913)
Juan Arsciwals – Lalaking Uliran o Tulisan (1914)
Simplicio Flores – (1917)
Teofilo Sauco – Ang Magmamani (1924)
Faustino Aguilar – Lihim ng Isang Puso (1927)
Antonio Sempio – Anak Dalita (1933)
Ang Panahon ng Hapon (1942-1945)

Ang panahong ito ay isang kasalatan sa larangan ng nobela.


Isa sa maaaring naging malaking kadahilanan ay ang
kakapusan sa magagamit na papel. Magkagayunman, may
mangilan-ngilan ding kathang nailabas sa magasing aliwin at
naipalimbag at naisa-pelikula, tulad ng Luha at Luwalhati ni
Atonio Sempio noong 1945; Sa Lundo ng Pangarap ni
Gervacio Santiago; Zenaida ni Adriano P. Landico; Lumubog
Ang Bituin ni Isidra Zarraga-Castillo; at marami pang iba.
Ang Tatlong Mario ni Jose Ezperanza Cruz ay isa sa mga
iilang nobelang naisapelikula nang panahong ito.
Ang Panahon ng Republika
(1946-kasalukuyan)
Muling nabuhayan ng loob ang mga manunulat sa panahong ito.
Nagkaroon ng kasaganahan lalo na sa papel sa mga pagsulat.
Nakahinga-hinga na nang maluawag ang mga Pilipino. Ang daming
naisulat noong ikalawang hati ng dekada 40, bagamat namalasak
ang tungkol sa pag-ibig na may tatak ng G.I. At ng Pier.
Ang dekada 50 ang maituturing na panahon ng pagpapakilala sa
masa bilang pinakamalakas na puwersa sa pulitika. Namayani si
Magsaysay sa kanila. Tinangka niyang lutasin ang problema sa
lupa at insureksyon. Naging maimpluwensya ang ang media lalo na
ang radyo, telebisyon, at pelikula. Lumutang na sa mga nobela ang
mga paksang may kinalaman sa mga suliraning panlipunan at
kakaibang mga larawan ng buhay.
Ang dekada 60 ay simula ng protesta. Ang pagpapahaba ng
buhok ng mga kalalakihan, ang pag-iiksian ng damit ng mga
kababaihan, ang mga musikang masasakit sa tenga, ang pag
hithit ng marihuwana, ang unti-unting pagkulo ng pakikibaka
laban sa bulok na sistema sa lipunan at gobyerno. Sa unang
tatlong taon ng 60 ay nanatili ang mga sintahang tema, ang
tradisyonal na nobela, samantalang sa kalagitnaan ay
nagsimula na ang pakikilahok sa pagmumulat tungkol sa mga
problemang kinakabaka ng karamihang mamamayan.
Nanatili si Lazaro Francisco sa kanyang Daluyang at si
Amado V. Hernandez sa kanyang Luha bg Buwaya noong
1962.

You might also like