Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

FIL.

414
(Panulaang Filipino)

Ang Kasaysayan ng Panitikan


Inihanda nina:
Rey D. Peñaroyo
Camille P. Villaruel
Bawat bansa ay may sari-sariling kultura, may sari-
sariling pambansang identidad na madaling
pagkakakilanlan ng bawat isa. Kung natural lamang
sa bawat isa na magkaroon ng sariling wika, natural
lamang din na magkaroon din ito ng sariling
panitikan. Panitikang magsasalamin sa tangi at tunay
na sarili – pagkatao, pagkalahi at pagkabansa.
ANG PANITIKAN
Honorio Azarias – nagpapahayag ng damdamin hinggil
sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa
lipunan at sa pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa
bathalang lumikha.

Webster - anumang bagay raw na naisasatitik basta


may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao maging
ito’y totoo, kathang isip o bungang tulog lamang ay
maaaring tawaging panitikan.
Maria Ramos – kasaysayan ng kaluluwa ng mga
mamamayan.Nasasalamin ang mga layunin, damdamin,
panaginip, pag-asa, hinaing at guni-guni ng mga
mamamayan na nasusulat o binabanggit sa maganda,
makulay, makahulugan, matalinghaga at masining na mga
pahayag. Lumilinang ng nasyonalismo, nag-iingat ng
karanasan, tradisyon at kagandahan ng kultura.
Atienza, Ramos, Zalazar at Nozal – ang tunay
na panitikan ay walang kamatayan nagpapahayag
ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa kanyang
pang-araw-araw na pagsusumikap upang
mabuhay at lumigaya sa kanyang kapaligiran.
ANYO NG PANITIKAN
PATULA – ang anyo nito kapag taludturan at saknungan.
Ang bawat talutod ay maaaring may sukat at tugmaang
pantig sa hulihan o sadyang malaya na ang ibig sabihin ay
walang sukat o tugma.

TULUYAN – ang anyo nito kapag sa karaniwan o ayon sa


tuwirang kinasanayang pagsasalita ng tao ito ipinahahayag.
Madali itong basahin at unawain, di tulad ng patula na
kailangan pang pakaintindihin dahil napakamatatalinghaga
at hindi laging naririnig ang ginagamit na mga pananalita.
At kung ang patula ay pataludturan at saknungang
isinusulat, ang patuluyan ay patalata.
PANTANGHALAN – ang anyo nito kung ito’y
ipinalalabas o isinasadula. Pumapailalim ito sa
dalawang nauunang anyo – patula at patuluyan –
dahil ang mga diyalogo ay maaaring isulat sa alinman
dito. Pasalitaan o padiyalogo kung ito’y ilahad at
karaniwang nahahati sa yugto na maaaring iisahin,
dadalawahin, o tatatluhing yugto ang kabuuan. Ang
bawat yugto ay binubuo naman ng mga tagpo.
MGA AKDANG PATULA
Tulang Pasalaysay Tulang Liriko
 Epiko  Awiting Bayan
 Awit at Kurido  Soneto
 Balad  Elehiya
 Dalit
 Pastoral
 Oda
MGA AKDANG TULUYAN
 Nobela
 Maikling Kwento
 Dula
 Alamat
 Padula
 Anekdota
 Sanaysay
 Talambuhay
 Balita
MGA AKDANG PANTANGHALAN
Tulang Dula Tulang Patnigan
 Komedya  Karagatan
 Melodrama  Duplo
 Trahedya  Balagtasan
 Parsa
 Saynete
ANG KAHALAGAHAN/IMPLUWENSIYA NG
PANITIKAN SA MGA BANSA
 Malalaman ng mga tao ang kanilang kalinangan at
kasaysayan.
 Mababatid nila ang kalakasan o kahinaan ng
kanilang paniniwala at pag-uugali.
 Magiging matatag at matibay ang kanilang
pagkalahi.
 Makikilala ang mga kapintasan at kagalingang
pampanitikan upang lalong mapayabong.
 Magkaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling
panitikan.
 Matuklasan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
mga Panitikan sa iba’t ibang rehiyon ng ating
bansa.
 Mapahalagahan ang kultura at yaman ng Panitikan
ng mga rehiyon sa Pilipinas.
 Mailapit ang damdamin ng mga Pilipino sa isa’t
isa, bagama’t mula sa iba’t ibang rehiyon na may
magkakaibang kaisipan, paniniwala at
pananampalataya.
 Mauunawaan ng bawat Pilipino na saan man
tayong rehiyon nagmula, tayo ay nagkakaisa sa
adhikain na magkaroon ng isang bansang malaya
at maipagmamalaki sa buong mundo.
ANG IMPLUWENSIYA NG PANITIKAN
1. Banal na Kasulatan o Bibliya – ang naging batayan ng Kakristiyanuhan.

2. Koran – ang pinaka bibliya ng mga Muslim.

3. Iliad at Odyssey – ang kinatutuhan ng mga mitolohiya at paalamatan ng

Gresya. Akda na isinulat ni Homer.

4. Ang Divina Comedia – akda ni Dante ng Italya. Nagpapahayag ito ng

pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano ng panahon na iyon.


5. Uncle Tom’s Cabin - akda ni Harriet Beecher Stowe. Kababakasan

ito na naging karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at naging

batayan ng demokrasya.

6. Ang Mahabharata – ang ipinalalagay na pinakamahabang epiko ng

daigdig. Naglalaman ito ng kasaysayan ng pananampalatayang

Indiya.

7. Canterbury Tales – naglalarawan ito ng pananampalataya at pag-

uugali ng mga Ingles noong unang panahon. Galing ito sa Inglatera

at sinulat ni Chaucer.
8. Ang El Cid Compeador – nagpapahayag ng mga katangiang

panlahing Kastila at ng kanilang kasaysayang pambansa.

9. Ang Awit ni Rolando – kinapapalooban ito ng Doce Pares at

Roncesvalles ng Pransya. Nagsasalaysay ng gintong

Kakristiyanuhan ng Pransya.

10. Ang Aklat ng mga Patay – naglalaman ito ng mga kulto ni

Osiris at ng mitolohiya at teolohiyang Ehipto.


11. Ang Aklat ng mga Araw – akda ito ni Confucio ng Tsina.

Naging batayan ng mga Instsik sa kanilang pananampalataya.

12. Isang Libo’t Isang Gabi – mula ito sa Arabia at Persya.

Nagsasaad ng mga ugaling pampamahalaan, pangkabuhayan

at panlipunan ng mga Arabo ar Persyano.


MARAMING SALAMAT PO!

You might also like