likahang –isip na guhit na 2, 193 mga kilometro papunta sa kanluran ng kapuluan ng Kabo Berde at ibinigay niya sa Portugal ang mga lupain na nasa silangan ng guhit na ito; at ibinigay naman niya sa Espanya ang mga lupain na nasa kanluran ng guhit na ito. Ang batas ni Alexander, at ang iba pang katulad nito, ay ginamit ng Espanya para lubusan nitong maangkin ang mga bagong-tuklas na lupain.
Sa loob ng mga siglo, naglaban-laban ang mga
bansa sa Europa para ipagtanggol o kuwestiyunin ang legalidad ng pag-aangkin sa mga teritoryo na awtorisado ng papa.
Hinimok ng sumunod na mga papa ang Espanya
at Portugal na gawing Kristiyano ang sinumang paganong madatnan nila sa kanilang mga panggagalugad. “Ang ideyang ito, na hahatiin ng isang papa sa Roma ang mga kontinente para lang sa kapakinabangan ng dalawang maliliit na kaharian sa Europa, ay parang hindi na kapani-paniwala sa ngayon, isa ngang kilaláng kaso ng pagiging arogante ng Kanluran,” ang sabi ng awtor na si Barnaby Rogerson. Ang batas na ito ng papa ay “maituturing na mitsa ng kalupitan ng lahat ng sumunod na mananakop na imperyo,” ang sabi pa ni Rogerson.