Si Don Pedro at Ang Puno NG Piedras (Kabanata 3)

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 40

Si Don Pedro at

Ang Puno ng
Piedras Platas
(Mga Saknong Bilang 46-80)
046 Nang sa haring mapakinggan
Ang hatol na gamutan
Kapagdaka’y inutusan
Ang anak niyang panganay.
047 Si Don Pedro’y tumalima
sa utos ng haring ama,
iginayak kapagdaka
kabayong sinakyan niya.
048 Yuamao nang nasa hagap
kabundunkan ay matahak
kahit siya mapahamak
makuha lamang ang lunas.
049 Mahigit na talong buwang
binagtas ang kaparangan
hirap ay di ano lamang
sa hinaba ng nalakbay.
050 Isang landas ang nakita
mataas na pasalunga
inakyat na buong sigla
katawan man ay pata na.
051 Sa masamang kapalaran
hindi sukat na asahan
nang sumapit sa ibabaw
kabayo niya’y namatay.
052 Di ano ang gagawin pa’y
wala nang maskyan siya;
dala-dalaha’y kinuha’t
sa bundok ay naglakad na.
053 Sa masamang kapalaran
ang prinsipe’y nakatagal,
narating ding mahinusay
ang Tabor na kabundukan.
054 May namasdang punongkahoy,
mga sanga’y mayamungmong;
sa nagtubong naroroo’y
bukod-tangi yaong dahon.
055 Magaganda’t kumikinang
diyamante ang kabagay
pag hinahagkan ng araw
sa mata’y nakasisilaw.
056 Sa kanyang pagkabighani
sa sarili ay niyaring
doon na muna lumagi
nang ang pagod ay mapawi.
057 Habang siya’y naglilibang
biglang nasok sa isipang
baka yaon na ang bahay
ng Adarnang kanyang pakay.
058 Takipsilim nang sumapit
sa itaas ay namasid
daming ibong lumiligpit
kawan-kawa’t umawit.
059 Bawat ibong dumaraa’y
walang hindi tinatanaw
nais niya’y mahulaan
ang sa kahoy ay may-bahay.
060 Ngunit laking pagtataka
ni Don Pedro sa napuna
ang kahoy na pagkaganda
sa mga ibo’y ulila.
062 Walang isa mang dumapo
pagtapat ay lumayo
maano bang marahuyong
sa sanga muna’y maglaro.
063 Latag na ang kadiliman
ang langit kung masaya man
ang lungkot sa kabundukan
kay Don Pedro’y pumapatay.
064 Ngunit kahit anong lungkot
inaaliw rin ang loob
sa may puno ay nanubok
baka anya may matulog.
065 Patuloy ang paglalayag
ng buwan sa alapaap,
sa dahon ng Piedras Platas
ay lalong nagpapakintab.
066 Sisipat bawat sanga
kaunting galaw, tingala na’t
baka hindi napupuna’y
nakadapo ang Adarna.
067 Datapwat wala, walang ibon;
makita sa punongkahoy
kaluskos na umuugong
daho’t sanga’y umuugoy.
068 Pagkabigo’t pagtataka’y
kapwa nagbibigay-dusa
hanggang pati ang pag-asa
sa sarili’y nawala na.
069 Natira sa pamamanglaw
at inip ng kalooban,
yamang walang hinihintay
mamahinga ang mainam.
070 Magparaan ng magdamag
sa umaga na lumakad,
pagod kasi, kaya agad
nagulaylay nang panatag.
071 Tila namn isang tukso’t
kasawian ni Don Pedro
ang Adarnang may engkanto
dumating nang di naino.
072 Ibo’y marahang lumapg
sa sanga ng Piedras Platas,
balahibo’y pinangulag
nagbihis na nang magilas.
073 Sinimulan ang pagkanta
awit ay kaaya-aya;
kabundukang tahimik na
ay matalik sa ligaya.
074 Liwanag sa punongkahoy
nag-aalimpuyong apoy;
mawisikang daho’t usbong
nangagbiting mga parol.
075 At lalo pang tumatamis
ang sa adarnang pag-awit,
bawat kanta’y isang bihis
ng balahibong marikit.
076 Pitong kanta ang ginawa’t
pitong bihis na magara,
natapos na natuwang-tuwa’t
ang langit pa’y tiningala.
077 Ang lahat na’y di napansin
ng prinsesang nagupiling;
sa pagtulog na mahimbing,
patay wari ang kahambing.
078 Ugali nitong Adarna
matapos ang kanyang kanta,
ang siya’y magbawas muna
bago matulog sa sanga.
079 Sa masamang kapalaran
si Don Pedro’y napatakan,
bilang naging batong-buhay
sa punong kinasandalan.
080 Wala na nga si Don Pedro’t
sa Tabor ay naging bato;
at sa di pagdating nito,
ang Berbanya ay nagulo.
1. Ano ang pinatunayan ni
Don Pedro nang agad siyang
tumalima sa utos sa kanyang
hanapin at iuwi sa palasyo
ang ibong
makapagpapagaling sa sakit
ng ama?
2. Bakitkaya iniwasan ng iba pang
mga ibon ang dumapo o mapalapit
man lamang sa puno ng Pedras
Platas? Kung ikaw si don Pedro at
napansin mong walang ibong
dumadapo man lang sa
napakagandang puno, anong bagay
sana ang maaari mong ginawa para
makaiwas sa kapahamakan?
3. Bakit kaya
nabigo si Don
Pedro sa kanyang
misyon?
4. Kung ikaw ang nasa
kalagayan niya, ano ang
maaari mong gawin upang
higit mo pang
mapaghandaan ang
ganoong kalaki o kahirap
na misyon?
5. Nararapat bang kaawan
si Don Pedro sa kanyang
kinahantungan at sa
kabiguan niyang mahuli ang
Ibong Adarna? Patunayan
ang iyong sagot.

You might also like