Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

ANG PAG-

AALSANG
AGRARYO
NOONG 1745
Naganap ang pag-aalsa sa mga
Tagalog na probinsya noong 1745.
Dulot ng mga pang-aabuso sa
agraryo at pangangamkam ng mga
prayle ng lupa mula sa mga
katutubo.
Ang mga paring relihiyoso tulad ng
Dominicano at Agustino ay nang-
agaw ng mga lupain. Tinanggalan
nila ng karapatan ang mga
katutubo sa sarili nilang lupa.
Isang pag-aalsa ang sumiklab sa
pangnguna ng bayan ng Lian at
Nasugbu sa Batangas na umabot sa
mga karatig lalawigan ng Laguna at
Cavite maging sa Bulacan.
Ito ay nakilala na
PAG-AALSANG AGRARYO NG 1745.
Ang pag-aalsang ito ay isang
pagkilos upang tubusin o bawiin sa
mga prayle at mga orden ang mga
lupang pamana sa kanila ng
kanilang mga ninuno o Ancestral
Domain.
Lumaganap ang kaguluhan at
naging talamak ang pagnanakaw sa
mga kumbento. Ang ilang simbahan,
maging mga kabukiran ay winasak
at sinunog ng mga katutubo.
Natuklasan ni Don Pedro Enriquez
Calderon na ang mga lupain at lahat ng kita
nito ay napupunta sa mga relihiyosong
pari.

-> Si Don Pedro Enriquez ay nagsumite ng


ulat sa hari hinggil sa kanyang natuklasan.
Dagliang ipinag-utos ni Haring
Ferdinand VI na ibalik na ng mga
prayle ang lupang pamana sa
mga katutubo.
Nag apila ang mga prayle kung
kaya’t walang lupaing naibalik sa
mga katutubo.

You might also like