Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 75

Aralin 3:

Tugon sa
Isyu ng
Kasarian

PAKSA: MGA PRINSIPYO NG YOGYAKARTA


 Nakikilala ang iba’t ibang prinsipyo ng
Yogyakarta
 Naipaliliwanag ang bawat prinsipyo sa
pamamagitan ng news casting
 Napapahalagahan ang prinsipyo ng mga
babae, lalaki at LGBT
Sa nakalipas na aralin, nasuri ninyo ang mga isyu
at hamong may kaugnayan sa Kasarian at Lipunan
na nararanasan hindi lamang sa Pilipinas maging
sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Sa araling ito,
pagtutuunan ng pansin ang mga hakbang na
ginagawa ng pamahalaan upang matugunan ang
mga isyu at hamon sa Kasarian at Lipunan.
HANDA KA NA BA?”
Sa patuloy na hayagang pakikilahok ng
mga LGBT sa lipunan, patuloy ring
lumalakas ang kanilang boses upang
tugunan ang kanilang mga hinaing tungkol
sa di-pantay na pagtingin at karapatan.
Nasa 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian (sexual
orientation at gender identity o SOGI) na
nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang
nagtipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia noong
ika-6 hanggang ika-9 ng Nobyembre, 2006 upang
pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa
pagkakapantay-pantay ng mga LGBT.
Ito ay binubuo ng 29 na prinsipyong
nakaayon sa Pandaigdigang Batas ng mga
Karapatang Pantao (Universal
Declaration of Human Rights o UDHR)
at ilang mga rekomendasiyon.
LGBT RIGHTS ARE
HUMAN RIGHTS
Ito ang mga katagang winika ni
dating UN Secretary General
Ban Ki-Moon upang hikayatin
ang mga miyembrong estado na
wakasan na ang mga pang- aapi
at pang- aabuso laban sa mga
LGBT.
LGBT RIGHTS
ARE HUMAN
RIGHTS
Sa discussion web sa
kaliwa, ipasulat kung
sila ay sumasang-ayon
o hindi sa nasabing
pahayag.
Bumuo ng isang awit na nagpapakita
ng tugon nyo sa mga isyu ng kasarian sa
ating bansa. Ang awit na mabubuo ay
batay sa pagkakaunawa sa karapatan
ng mga miyembro ng LGBT.
Ang presentasyon ng awit ay
mamarkahan sa mga sumusunod na
rubrics:
Nilalaman – 10 pts
Presentason – 10 pts
Kaayusan- 5 pts
Kabuuan – 25 pts
Aralin 3:
Ang
Yogyakarta

PAKSA: MGA PRINSIPYO NG YOGYAKARTA


 Naipaliliwanag ang bawat prinsipyo ng
Yogyakarta
 Napapahalagahan ang prinsipyo ng mga
babae, lalaki at LGBT
Nasa 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian (sexual
orientation at gender identity o SOGI) na
nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang
nagtipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia noong
ika-6 hanggang ika-9 ng Nobyembre, 2006 upang
pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa
pagkakapantay-pantay ng mga LGBT.
Ito ay binubuo ng 29 na prinsipyong
nakaayon sa Pandaigdigang Batas ng mga
Karapatang Pantao (Universal
Declaration of Human Rights o UDHR)
at ilang mga rekomendasiyon.
Prinsipyo 1 Prinsipyo 10

Prinsipyo 2 Prinsipyo 12

Prinsipyo 4 Prinsipyo 16

Prinsipyo 25
ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA
PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG
PANTAO
Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay
sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa,
anuman ang oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian ay nararapat
na ganap na magtamasa ng lahat ng
karapatang pantao.
ANG MGA KARAPATAN SA
PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT
KALAYAAN SA DISKRIMINASYON
Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng
lahat ng karapatang pantao nang
walang diskriminasiyong nag-uugat sa
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian.
ANG MGA KARAPATAN SA
PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT
KALAYAAN SA DISKRIMINASYON
Dapat kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa
batas at sa proteksiyon nito, nang walang anumang
diskriminasiyon, kahit may nasasangkot na iba pang
karapatang pantao. Ipagbabawal sa batas ang
ganoong diskriminasiyon at titiyakin, para sa lahat.
ANG KARAPATAN SA BUHAY
Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman
ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay
sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan
sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian
ANG KARAPATAN SA BUHAY
Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa
sinuman dahil sa consensual sexual activity ng
mga taong nasa wastong gulang o batay sa
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian.
ANG KARAPATAN LABAN SA TORTURE AT
SA MALUPIT, MAKAHAYOP O
MAPANGHIYANG PAGTRATO SA TAO
ANG KARAPATAN SA TRABAHO
Ang lahat ay may karapatan sa disente at
produktibong trabaho, sa makatarungan
at paborableng mga kondisyon sa
paggawa, at sa proteksyon laban sa
disempleyo at diskriminasiyong nag-
uugat sa oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian.
ANG KARAPATAN SA EDUKASYON
Ang lahat ay may karapatan sa
edukasyon nang walang
diskriminasiyong nag-uugat at
sanhi ng oryentasyong seksuwal
at pagkakakilanlang pangkasarian.
ANG KARAPATANG LUMAHOK SA
BUHAY-PAMPUBLIKO
Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga
usaping publiko, kabilang ang karapatang mahalal, lumahok
sa pagbubuo ng mga patakarang may kinalaman sa
kaniyang kapakanan; at upang mabigyan ng pantay na
serbisyo-publiko at trabaho sa mga pampublikong ahensiya,
kabilang ang pagseserbisyo sa pulisya at militar, nang
walang diskriminasiyong sanhi ng oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian.
Basahing mabutin ang mga
sumusunod na pahayag. Isulat
lamang ang letra ng tamang
sagot.
A. Prinsipyo 1 B. Prinsipyo 2
C. Prinsipyo 4 D. Prinsipyo 10
E. Prinsipyo 12 F. Prinsipyo 12
G. Prinsipyo16 H. Prinsipyo 25

1. Karapatan ng lahat ang


mabuhay.
A. Prinsipyo 1 B. Prinsipyo 2
C. Prinsipyo 4 D. Prinsipyo 10
E. Prinsipyo 12 F. Prinsipyo 12
G. Prinsipyo16 H. Prinsipyo 25

2. Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon


nang walang diskriminasiyong nag-uugat at
sanhi ng oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian.
A. Prinsipyo 1 B. Prinsipyo 2
C. Prinsipyo 4 D. Prinsipyo 10
E. Prinsipyo 12 F. Prinsipyo 12
G. Prinsipyo16 H. Prinsipyo 25

3. Bawat isa ay may karapatang magtamasa


ng lahat ng karapatang pantao nang
walang diskriminasiyong nag-uugat sa
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian.
A. Prinsipyo 1 B. Prinsipyo 2
C. Prinsipyo 4 D. Prinsipyo 10
E. Prinsipyo 12 F. Prinsipyo 12
G. Prinsipyo16 H. Prinsipyo 25

4. Lahat ng tao ay isinilang na malaya at


pantay sa dignidad at mga karapatan.
A. Prinsipyo 1 B. Prinsipyo 2
C. Prinsipyo 4 D. Prinsipyo 10
E. Prinsipyo 12 F. Prinsipyo 12
G. Prinsipyo16 H. Prinsipyo 25

5. Bawat mamamayan ay may


karapatang sumali sa mga usapin
publiko.
MGA SAGOT
A. Prinsipyo 1 B. Prinsipyo 2
C. Prinsipyo 4
E. Prinsipyo 12
G. Prinsipyo16
D. Prinsipyo 10
F. Prinsipyo 12
H. Prinsipyo 25 C
1. Karapatan ng lahat ang mabuh
A. Prinsipyo 1 B. Prinsipyo 2
C. Prinsipyo 4
E. Prinsipyo 12
G. Prinsipyo16
D. Prinsipyo 10
F. Prinsipyo 12
H. Prinsipyo 25 G
2. Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon
walang diskriminasiyong nag-uugat at sanhi
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlan
pangkasarian.
A. Prinsipyo 1 B. Prinsipyo 2
C. Prinsipyo 4
E. Prinsipyo 12
G. Prinsipyo16
D. Prinsipyo 10
F. Prinsipyo 12
H. Prinsipyo 25 B
3. Bawat isa ay may karapatang magtamasa
lahat ng karapatang pantao nang walang
diskriminasiyong nag-uugat sa oryentasyon
seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian
A. Prinsipyo 1 B. Prinsipyo 2
C. Prinsipyo 4
E. Prinsipyo 12
G. Prinsipyo16
D. Prinsipyo 10
F. Prinsipyo 12
H. Prinsipyo 25 A
4. Lahat ng tao ay isinilang na malaya
pantay sa dignidad at mga karapatan.
A. Prinsipyo 1 B. Prinsipyo 2
C. Prinsipyo 4
E. Prinsipyo 12
G. Prinsipyo16
D. Prinsipyo 10
F. Prinsipyo 12
H. Prinsipyo 25 H
5. Bawat mamamayan ay may
karapatang sumali sa mga usapin
publiko.
Aralin 3:
CEDAW

PAKSA: Convention on the Elimination of All


Forms of Discrimination Against Women
 Nakikila ang CEDAW o Convention on the
Elimination of All Forms of Discrimination
Against Women
 Nasusuri ang mga layunin ng CEDAW
laban sa diskriminasyon ng mga
kababaihan
Ang CEDAW ay ang Convention on the
Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women.
Karaniwang inilalarawan bilang
International Bill for Women, kilala din
ito bilang The Women’s Convention o
ang United Nations Treaty for the Rights
of Women.
Ito ang kauna-unahan at tanging
internasyunal na kasunduan na
komprehensibong tumatalakay sa
karapatan ng kababaihan hindi lamang
sa sibil at politikal na larangan kundi
gayundin sa aspetong kultural, pang-
ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
Inaprubahan ng United Nations General
Assembly ang CEDAW noong Disyembre
18,1979 noong UN Decade for Women.
Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noong
Hulyo 15, 1980, at niratipika ito noong
Agosto 5, 1981.
Kasunod sa Convention of the Rights of the
Child, ang CEDAW ang pangalawang
kasunduan na may pinakamaraming bansang
nagratipika. Umaabot na sa 180 bansa mula
sa 191 na lumagda o State parties noong
Marso 2005. Unang ipinatupad ang
kasunduan noong Setyembre 3, 1981 o 25
taon na ang nakakaraan noong 2006, pero
kaunti pa lang ang nakakaalam nito.
1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay
na pagkakapantay-pantay sa
kababaihan. Inaatasan nito ang mga
estado na magdala ng konkretong
resulta sa buhay ng kababaihan.
2. Kasama rito ang prinsipyo ng
obligasyon ng estado. Ibig sabihin, may
mga responsibilidad ang estado sa
kababaihan na kailanma’y hindi nito
maaring bawiin.
3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng
aksiyon o patakarang umaagrabyado sa
kababaihan, anumang layunin ng mga
ito.
4. Inaatasan nito ang mga state parties
na sugpuin ang anumang paglabag sa
karapatan ng kababaihan hindi lamang
ng mga institusyon at opisyal sa
gobyerno, kundi gayundin ng mga
pribadong indibidwal o grupo.
5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng
kultura at tradisyon sa pagpigil ng
karapatan ng babae, at hinahamon nito
ang State parties na baguhin ang mga
stereotype, kostumbre at mga gawi na
nagdidiskrimina sa babae.
Bilang state party sa CEDAW, kinikilala
ng Pilipinas na laganap pa rin ang
diskriminasyon at di-pagkakapantay-
pantay sa karapatan ng babae, at may
tungkulin ang estado na solusyunan ito.
May tungkulin ang State parties na
igalang, ipagtanggol at itaguyod ang
karapatan ng kababaihan.
1. Ipawalang-bisa ang lahat ng batas
at mga nakagawiang
nagdidiskrimina;
2. ipatupad ang lahat ng patakaran para
wakasan ang diskriminasyon at
maglagay ng mga epektibong
mekanismo at sistema kung saan
maaring humingi ng hustisya ang babae
sa paglabag ng kanilan karapatan;
3.itaguyod ang pagkakapantay-pantay
sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang
kondisyon at karampatang aksiyon; at
4. gumawa ng pambansang ulat kada
apat (4) na taon tungkol sa mga
isinagawang hakbang para matupad
ang mga tungkulin sa kasunduan.
Basahing mabutin ang mga
sumusunod na pahayag. Isulat
ang tamang sagot sa inyong
cattleya.
1. Ibigay ang kahulugan ng
CEDAW.
2. Kailan pumirma ang
Pilipinas sa CEDAW?
A. Disyembre 18,1979
B. Setyembre 3, 1981
C. Hulyo 15, 1980
D. Agosto 5, 1981
3. Kilala ang CEDAW sa mga sumusunod
na tawag maliban sa isa. Ano ito?
A. International Bill for Women
B. United Nations Treaty for the Rights of Women
C. United Nations General Assembly
D. United Nations Treaty for the Rights of Women

4. Magbigay ng isang layunin ng CEDAW.


5. May tungkulin ang State parties na
igalang, ipagtanggol at itaguyod ang
karapatan ng kababaihan. Ano ang
inaasahan sa mga State Parties?
Aralin 3:
RA 9710

PAKSA: Anti-Violence Against Women and Their


Children Act At Magna Carta for Women
 Nakikila ang RA 9710 o Magna Carta for
Women
 Nasusuri ang mga layunin ng RA
9710 laban sa diskriminasyon ng
mga
kababaihan
Ang Anti-Violence Against Women and Their
Children Act ay isang batas na nagsasaad ng
mga karahasan laban sa kababaihan at
kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at
proteksiyon sa mga biktima nito, at
nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa
mga lumalabag dito.
Ang mabibigyan ng
proteksiyon ng batas na ito ay
ang kababaihan at kanilang
mga anak.
Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas
na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan
o dating asawang babae, babaeng
may kasalukuyan o nakaraang
relasyon sa isang lalaki, at babaeng
nagkaroon ng anak sa isang
karelasyon.
Ang “mga anak” naman ay tumutukoy sa mga anak
ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang
labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man o
hindi at mga anak na may edad na labing-walong
(18) taon at pataas na wala pang kakayahang
alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin
ang mga hindi tunay na anak ng isang babae
ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.
Ang mga maaring magsagawa ng krimeng ito at
maaring managot sa ilalim ng batas na ito ay ang
mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga
kasalukuyan at dating kasintahan at live-in
partners na lalaki, mga lalaking nagkaroon ng
anak sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng
“sexual or dating relationship” sa babae.
Sagutan Mo! Punan ang graphic organizer na nasa
baba habang nakikinig sa diskusyon ng klase.
Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong
Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng
diskriminasiyon laban sa kababaihan at sa halip
ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga
babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa
mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang
instrumento, lalo na ang Convention on the
Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women o CEDAW.
Itinalaga ng Magna Carta for Women ang
Pamahalaan bilang pangunahing
tagapagpatupad (“primary duty bearer”) ng
komprehensibong batas na ito.Ginawa na
tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na
proteksyunan ang kababaihan sa lahat ng
uri ng diskriminasiyon at ipagtanggol ang
kanilang mga karapatan.
Ang isa pang hamon ng batas sa
pamahalaan ay ang basagin ang mga
stereotype at tanggalin ang mga
istrukturang panlipunan tulad ng kostumbre,
tradisyon, paniniwala, salita at gawi na
nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga
babae at lalaki.
*Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang
mga babaeng mahirap o nasa di panatag na
kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong
kakayahan namatamo ang mga batayang
pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang
mga kababaihang manggagawa, maralitang
tagalungsod, magsasaka at manggagawang
bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang
Moro at katutubo.
**Ang tinatawag namang Women in Especially
Difficult Circumstances ay ang mga babaeng nasa
mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan
tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at
armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon,
“illegal recruitment”, “human trafficking” at mga
babaeng nakakulong.
Panoorin ang maikling video
tungkol sa Magna Carta for
Women at sagutan ang tanong :
Sa iyong palagay ano ang
pinakamahalagang
nagagawa ng Magna Carta
para sa kababaihan?

You might also like