Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

ANG UNANG

PAGBABALIK NI
RIZAL SA PILIPINAS
GROUP 3
BSA 3A
Mga Tumangging magbalik si Rizal sa Pilipinas
a. Paciano Rizal
b. Silvestre Ubaldo
c. Jose Cecilio (Chengoy)
Mga Dahilan ng Pagbabalik
a. Tistisin ang mata ng kanyang ina
b. Paglingkuran ang kanyang mga kababayan
c. Makita ang epekto ng kanyang nobelang Noli sa bayan
at sa pamahalaang kastila.
d. Upang alamin ang dahilan nang hindi pagsulat ni
Leonora Rivera.
Hunyo 29, 1887 - tumelegrama si Rizal sa kaniyang ama
ukol sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas
Hulyo 3 ,1887 - lumulan si Rizal sa barkong Diemnah ang
barkong kanyang sinakyan noong siya ay magtungo ng
Europa limang taon na ang nakakaraan.
Hulyo 30, 1887 - nakarating si Rizal sa Saigon at sumakay
ng barkong Haipong.
Agosto 5, 1887 - nakarating ang Haipong sa Maynila.
Agosto 8, 1887 - petsa ng makarating si Rizal sa Calamba.
Mga nagawa ni Rizal sa Calamba, 1887
1. Tinistis niya ang katarata sa mata ng ina. Ang
matagumpay na operasyon sa kanyang ina ay kumalat sa
buong lalawigan at siya’y tinawag na Dr. Uliman – tawag
sa kanya dahil galing siya sa Alemanya.
2. Nagtatag siya ng klinika sa Calamba. Ang mga
mahihirap ay ginamot niya nang walang bayad ngunit may
mga mayayamang nagpapagamot sa kanya at siya ay
kumita ng P900.00 sa loob lamang ng isang buwan at
noong Pebrero 1888 ang halaga ay umabot ng P5,000.
3. Nagbukas ng bahay palakasan upang maturuan
ang mga kabataan ng larong pampalakas.
4.Gumawa ng sulpukang yari sa kawayan.
5. Tinulungan ang kababayan sa suliraning pambukid.
6. Sinulat ang HIMNO AL TRABAJO (Awit sa Paggawa)
na inihandog sa mga masisipag na magsasaka ng Lipa, Batangas.

Ang pagdating ni Rizal sa Calamba ay lumikha ng iba’t ibang


damdamin sa kanyang mga kababayan. Mayroong mga
umiwas sa kanya sa daan ngunit palihim na dumadalaw sa
kanya. Mayroong mga humahanga sa kanya at mayroon
naming mga natatakot sa kanyang paniniwalang
makapagbabago sa relihiyon ngunit ang marami ay matabang
sa kanya.
Ninais nyang pumunta sa Dagupan upang makipagkita kay
Leonor Rivera ngunit sya ay pinigilan ng kanyang mga
magulang sapagkat batid nila na ang ina ni Leonor ay tutol sa
pag-iibigan nila.
Isang araw ay tumanggap siya ng liham mula kay Gob. Hen.
Emilio Terrero upang pumunta sa Malacañang. Siya ay
hiningan ng isang sipi ng Noli at ito ay kanyang ibinigay kay
Pedro Payo, Dominikanong Arsopispo ng Maynila at ibinigay
naman ito kay Gregorio Echaveria ng UST upang suriin ng
Lupon ng Tagapsuri
Mga Lupon ng Tagapagsuri:
a. Matias Gomez
b. Norberto Del Prado
c. Fernandez Osias
Resulta ng Noli na iniulat kay Gob. Hen. Terrero :
a. erehe- laban sa relihiyon
b. mapanghimagsik
c. nakakapinsala sa pamahalaan ng Espanya
Hindi nasiyahan si Gob. Hen. Terrero kaya ibinigay sa
Palagiang Komisyon ng sensura na pinamumunuan ni Padre
Salvador Font, Agustinong kura paroko ng Tondo.
Iminungkahi ni Padre Font ang pagbabawal ng pag-aangkat,
paggawa at pagbibili ng mapanirang nobela.
Payo ng Komisyon
- Ipinagbabawal ang pagbasa, pagpapalimbag,
at pagpapalaganap ng nobelang Noli dahil ang may akda ay
mangmang at walang dangal.
Ipinagbabawal ng Komisyon ang nobela dahil sa mga
sumusunod:
1.Ito’y kumakalaban sa pananampalataya ng estado.
2. Ito’y kumakalaban sa pamahalaan, laban sa mga
Kastilang kawani ng pamahalaan at katarungan.
3. Ito’y kumakalaban sa mga guwardiya sibil.
4. Ito’y kumakalaban sa karangalan ng Espanya.
Jose Taviel De Andrade - isang tenyente ng hukbong Espanyol
na inatasan ni Gobernador Heneral Terrero upang magsilbing
tagabantay ni Rizal laban sa mga lihim niyang kaaway.
Bunga ng pagbabawal ng aklat, mas dumami ang naghahanap at
bumibili nito.
Mga Tagapaglaban ng Noli
1. Jose Rodriguez
a. CAIINGAT CAYO (Beware)- dito ipinagbawal ang pagbasa
ng Noli at sinabing magkakasala ang babasa nito dahil ang aklat
ay punong-puno ng erehiya.
b. Walong polyeto na may pamagat na QUESTIONES DE
SUMO INTERES (Katanungan ng Dakilang Interes). Lahat ng
polyeto ay laban sa Noli.
2. Hen. Jose de Salamanca mga senador ng Espanya na
3. Hen. Luis M. de Pando bumabatikos sa Noli Me Tangere
4. Fernando Vida
5. Vicente Barrantes – dating may mataas na posisyon sa
pamahalaan ng Pilipinas. Naglathala ng akda sa pahayagang
La España Moderna at siniraan ang Noli.
Mga Tagapagtanggol ng Noli
1. Marcelo H. del Pilar
– CAIIGAT CAYO (Be Slippery as an Eel) na pinupuri ang
Noli. Ang kanyang sagisag sa panulat na ginamit ay Dolores
Manapat. Ang mga ibang sagissag panulat ay Pudpoh, Plaridel,
Piping Dilat.
2. Vicente Garcia – Pilipino, paring katoliko. Ang sagisag ay
Justo Desiderio Magalang. Ayon sa kanya:
a. Kulang sa kabatiran si Padre Rodriguez, hindi
mangmang si Rizal dahil siya’y prudokto ng pamantasan ng
Espanya at isang iskolar.
b. Hindi kinalaban ang simbahan at Espanya , ang
kinalaban ay mga masasamang kastilang pinuno at mga pari.
c. Nagbabala si Rodriguez na kung babasahin ang
Noli ay magkakasala ang mortal. Ito’y kanyang binasa , kung
gayo’y siya’y nagkasala ng mortal?
3. Padre Francisco Sanchez – pinuri ang nobelang Noli sa
publiko.
4. Segismundo Moret - isang Espanyol na dating Ministro ng
hari ng Espanya at tagapagtanggol ng Noli Me Tangere.
5. Miguel Morayta - propesor ng kasaysayan sa Unibersidad
Central de Madrid
6. Antonio Ma. Regidor
7. Graciano Lopez Jaena
8. Mariano Ponce
9. Ferdinand Blumentritt
Tinawag ni Gob. Hen E. Terrero si Rizal at pinayuhang
mangibang bansa dahil mapanganib ang kanyang buhay.
Oktubre 1887- sinimulan ni Rizal ang pgsusulat ng EL
FILIBUSTERO sa Calamba.
Disyembre 30 1887- nag-utos ang Gob. Hen. Na suriin ang
kalagayan ng mga magsasakang Pilipino na nasa Calamba.
Enero 8, 1888 – pagkaraan ng masusing pagsusuri at pag-
aaral , gumawa ng kasulatang sinang-ayunan at pinirmahan
ang mga kasama at 3 opisyal sa asyenda.
Mga Karaingan ng mga Mamamayan
1. Ang asyenda ng ordeng Dominikano ay hindi lamang sa
paligid ng Calamba kundi buong Calamba.
2. Ang mga may-ari ng asyenda ay hindi nagbabayad ng abuloy
sa pagdiriwang at pagpapaunlad ng agrikultura.
3. Masyadong mataas ang upa ng lupa.
4. Labis na makapangyarihan ang mga pari.
5. Mataas ang interes ng ipinapataw sa mga Calambenyong
hindi nagbabayad ng upa sa takdang oras.

You might also like