Fil 7 Q 3 Topkio

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

REBRYU:Topiko sa Kwarter III

Grade 7 kwarter III


I. Komiks
Ang komiks ay isang grapikong midyum na kung
saan ang mga salita at larawan ang ginagamit upang
ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring
maglaman ang komiks ng kaunti o walang salita, at
binubuo ng isa o higit pang mga larawan, na
maaaring maglarawan o maghambing ng
pagkakaiba ng teksto upang makaapekto ng higit sa
lalim. Bagaman palagiang paksang katatawanan ang
komiks sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng
anyo ng sining na kinabibilangan ang lahat ng mga
uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin
ang kanilang sariling ekspresyon.
KOMIKS
a. ) Kahon ng Salaysay
⇒ sinusulatan ng mga maikling salaysay tungkol sa tagpo.
b. ) Pamagat
⇒ Pamagat ng komiks , pangalan ng komiks
c. ) Lobo ng usapan / balloon
⇒ Kinasusulatan ng usapan ng mga tauhan. May Ibat't
ibang anyo ito batay sa inilalarawan ng dibuhista.
d. ) Kuwadro/frame
⇒ Naglalaman ng isang tagpo sa kwento (Frame)
e. ) Larawang guhit/panel ng mga tauhan sa kwento
⇒ mga guhit ng tauhan na binibigyan ng kwento .
f. ) onomatopea- mga tunog na isinusulat sa komiks na
nangangahulugan kilos.
g. ) Kartonist – gumuguhit at sumusulat ng ng komiks
II. Uri ng Tugmaan
Tugmaang ganap — ang mga taludtod ay
nagtatapos sa patinig o impit na tunog at sa gayon
ay mayroong ganap na pagkakatugmaan ang huling
pantig ng mga taludtod ng tula.

Pakinggan mo aking bunso itong mga sasabihin


Na sa aking katandaa’y parang huling habilin
Sa puso mo ay ingatan, at sa diwa’y kandilihin
Balang-araw ay tutubo’t parang utang na
singilin.
• Tugmaang di-ganap — ang mga taludtod ay
nagtatapos sa katinig bagamat may iisang uri
ng patinig sa loob ng pantig ang huli namang
titik ay magkakaiba.

May isang lupain sa dakong Silangan


Na nag-aalaga ay sikat ng araw
Kaya napatanyag ay sa kagandahan
At napabalita sa magandang asal.
• tugmang patinig na WALANG IMPIT
-Malalaman mong walang impit ang isang salita
kung kaya mo itong bigkasin nang may “h” sa
dulo.

siya
niya
ka
sinta
• Tugmang patinig na MAY IMPIT.

tugmâ
batà
walâ
• May impit ang isang salita kung hindi ito
mabibigkas nang may 'h' sa dulo.
Subukin mo: lahi, puso, bata.
• Tugmang KATINIG (consonant) na BKDGPST.

hubad
salat
paglingap
anak

isip
pag-ibig
titik
dibdib

Kung pakikinggan mo lang at hindi titingnan, magkatunog nga naman


ang mga salitang nagtatapos sa BKDGPST. Basta iisang patinig (vowel)
lang ang sinusundan.
• Tugmang Katinig na LMNNGRWY.
kapangyarihan
nasasaklaw
ninuman
lamang

mananalamin
pakendeng-kendeng
marahil
tikim
Tugmaang: AAAA,ABBA,AABB,ABAB
1. Tugmaang a-a-a-a magkakatugma ang huling pantig sa
apat na taludtod ng saknong.
2. Tugmaang a-b-a-b- magkatigma ang una at ikatlong
taludtod, at magkatugma ang ikalawa at ikaapat na taludtod
3. Tugmaang a-b-b-a magkatigma ang una at ikaapat na
taludtod, at magkatugma ang ikalawa at ikatlong taludtod
4. Tugmaang- a-a-b-b- magkatigma ang una at ikalawang
taludtod, at magkatugma ang ikatlo at ikaapat na taludtod Sa
mga salitang ang huling pantig ay may patinig,
ang magkakasintunog ay ang sumusunod:
- ab, ak, ad, ag, ap, as,
- ib, ik, id, ig, is, it –
- ob, ok, od, og, op, os, ot –
- an, al, am, ar, aw, ay,
Antas ng Tugmaan
1.karaniwang/payak tugmaan ang pag-uulit ng dulong tunog ng mga
pinatutugmang salita
2.tudlikan ang tugmaan ng mga salita sa isang saknong kapag parehas
din ng bigkas(hal: kasama-harana)
3.Pantigan naman ang tugmaan ng mga salita kapag magkapareho ng
dulong katinig-patinig, o patinig-katinig ang mga pinatutugmang salita.
(hal:muta-bata,palikpik-halik)
4.dalisay dahil kailangang
a) parehos ang bigkas ng mga dulong pantig
b) parehas din ang dulong katinig-patinig.patinig-katinig
c) parehos din ang patinig ng mga pinagtutugmang salita bago ang
kanilang huling patinig
(tula-dula,mithi-sidhi,balo-salo)
III. Awiting Bayan
• Ang mga ito'y ritmo na pasalin-salin / salin lahi
at patuloy na inaawit ng mga Pilipino na hindi
alam kung sino ang nakasulat, nagdudulot ito
ng kasiyahan nagbibigay aliw at libangan ng
mga kabataan.
Uri ng Awiting Bayan
* Kundiman - awit ng pag-ibig.
* Kumintang - awit ng pakikidigma.
* Dalit o Imno - awit sa mga diyos- dyosan ng
mga bisaya.
*Oyayi o Hele - awit sa pagpaptulog ng bata.
* Diona - awit sa kasal.
* Soliranin - awit ng mga manggagawa.
* Talindaw - awit ng pamamangka.
* Dungaw - awit sa patay
• Sambotani- awit ng tagumpay
• Maluway – awit sa sama-samang paggawa
• pangangaluwa- awit sa araw ng mga patay
• Balitaw- paghaharana sa bisaya
• Pananapatan- paghaharana sa tagalog
• Kutang-kutang – awiting panlansangan
TUGMAANG DE GULONG
Ito ay mga simpleng paalala sa mga pasahero na maaari
nating matagpuan sa mga pampublikong sasakyan tulad
ng jeepney, bus at traysikel. -maaari itong nasa anyo ng
salawikain, maikling tula o kasabihan
Hal.
1.Ang ‘di magbayad sa pinanggalingan, di makakarating sa
paroroonan.
2.Ms. na sexy, kung gusto mo'y libre sa drayber ka
tumabi.
3.Ang 'di magbayad walang problema, sa karma palang
bayad kana
TULANG PANUDYO
Ito ay isang uri ng karunungang bayan na ang
kayarian ay may sukat at tugma. Ang layunin
nito ay mambuska o manudyo. Nagpapakilala ito
na ang ating mga ninuno ay may makulay na
kamusmusan.
HALIMBAWA
1.Bata batuta! Isang perang muta!
2.May dumi sa ulo, Ikakasal sa Linggo Inalis,
inalis, Ikakasal sa Lunes.
BUGTONG
Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang
pangungusap o tanong na may doble o nakatagong
kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag
ding palaisipanang bugtong).
• 13. BUGTONG May dalawang uri ang bugtong: mga
talinghaga o enigma, bagaman tinatawag ding enigma
ang bugtong, mga suliraning ipinapahayag sa isang
metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan
ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa
kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga
tanong na umaasa sa dulot ng patudyong gamit sa
tanong o sa sagot
Dalawang uri ang bugtong
1. talinghaga o enigma
mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o
ma-alegoryang wika na nangangailangan ng
katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa
kalutasan.
2. mga palaisipan (o konumdrum)
- mga tanong na umaasa sa dulot ng patudyong
gamit sa tanong o sa sagot. Ito ay isang suliranin uri
ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng
lumulutas nito.
Hal
Anong meron sa aso na meron din sa pusa, na
wala sa ibon, ngunit meron sa manok na dalawa
sa buwaya, at kabayo na tatlo sa palaka?

You might also like