Bio Note

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Bionote

Atienza, Joanna Paula


David, Jeffrey
Pineda, Krisel
Sula, Ronalyn
Ano ang Bionote?

• Isang sulating nagbibigay ng mga


impormasyong ukol sa isang indibidwal upang
maipakilala siya sa mga tagapakinig o
mambabasa.
• Binibigyang diin nito ang edukasyon at
parangal o nakamit ng isang inidibidwal.
• Itinuturing na VOLATILE ang sulating ito.
Kahalagahan ng isang bionote ayon sa
pagtalakay ni Levy (2015)

1. Aplikasyon sa trabaho;

2. paglilimbag ng mga artikulo, aklat, o blog;

3. pagsasalita sa mga pagtitipon; at

4. pagpapalawak ng network propesyonal.


MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG
BIONOTE

1. Balangkas sa pagsulat
2. Haba ng bionote
3. Kaangkupan ng nilalaman
4. Antas ng pormalidad ng sulatin
5. Larawan
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG
BIONOTE
1. Tiyakin ang layunin
2. Pagdesisyonan ang haba ng susulating
bionote
3. Gamitin ang ikatlong panauhang perspektib
4. Simulan sa pangalan
5. Ilahad ang propesyong kinabibilangan
6. Isa-isahin ang mahahalagang tagumpay
7. Idagdag ang ilang di-inaasahang detalye
8. Isama ang contact information
Micro-bionote

Jose P. Rizal: nobelista,


makata, sundalo ng kasarinlan,
manggagamot, dalubhasa sa
agham, lingguwista, isang tunay
na Pilipino.
Maikling Bionote

Si Mark Lyndon Guiang ay isang batikang


programmer na nakapagtrabaho para sa
Microsoft Corporation. Bilang isang praktisyoner,
naging systems administrator siya at chief
database officer ng Microsoft Phils. Awtor siya
ng mga aklat na " Database Structure and
Algorithm" (2015) at " Automata and Complexity
Theory (2013) mula sa Prentice Publications, Inc.
Suki rin siyang tagapagsalita sa mga nasyonal na
kumbensyon at pagtitipon na may kinalaman sa
information technology at theoretical computer
science. Sa kasalukuyan, konsultant siya mg Oracle
Philippines at kasalukuyan din niyang tinatapos ang
kanyang digring doktorado sa computer science sa
Unbersidad ng Pilipinas.
Mahabang Bionote
Si ROLANDO ALDACA BERNALES
ay isinilang sa Dolores, Abra.
Lumaki at nagkamalay siya sa
Lungsod ng Makati. Produkto si
RAB ng mga paaralang
pampubliko mula elementarya
hanggang antas-gradwado. Ang
kanyang elementarya ay natapos
niya sa Guadalupe Elementary
School-Makati at ang hayskul sa
Makati Polytechnic Community
Nagtapos naman siya ng BSE-Filipino, cum laude,
at ng Graduate Certcate (katumbas ng Master of
Arts in Teaching sa linggwistikang Filipino, kapwa
sa Philippine Normal University (PNU). Nakamit
niya ang digring EdD sa Educational Management
sa Unibersidad ng Makati (UMak).
Ilan sa mga karangalan at komendasyong
kanyang tinanggap ay ang sumusunod: Ten
Outstanding Students of the Philippines Award
mula sa Rotary Club of Makati Central, RFM
Corporation at DECS 1989;
SALAMIN Drama Guild Award mula sa PNU,
1989; Salute to Excellence Award mula sa PNU,
1991; Ikatlong Gantimpala sa pagsulat ng
maikling katha sa Don Carlos Palanca Memorial
Awards for Literature, 1995; Most Outstanding
Teacher ng UMak, 2000; Outstanding High
School Alumnus ng UMak Alumni Association,
Inc., 2000; Award for Exemplary Performance as
a Public Servant mula sa Pamahalaang Lungsod
ng Makati. 2000; featured personality sa Unang
Hirit ng GMA 7, Enero 2000; at Gawad ng
Pagkilala mula sa Komisyon sa Wikang Filipino,
Agosto 2002.
Si RAB ay awtor, ko-awtor, editor at/o
konsultant ng mga aklat sa wika at panitikan sa
antas pre-school, elementarya, sekundarya at
tersyarya, maging ng kalakip na
Manwal/Patnubay ng Guro ng ilan sa mga aldat
na iyon. Sa kasalukuyan, may higit na sa
limampung aklat at manwal na ang kanyang
naipapalimbag. Akademik-konsultant din siya ng
Mutya Publishing House, Inc.
Aktibo sa larangan ng patuloy na
pagpapaunlad ng pagtuturo-pagkatuto ng
Filipino, si RAB ay kasalukuyang halal na PRO at
panghabambuhay na kasapi ng Pambansang
Myembro rin siya ng Sanggunian sa Filipino
(SANGFIL) at Katipunan ng mga Guro sa Filipino
(KAGURO)
Maglalabinwalong taon nang nagtuturo si RAB
sa UMak. Nakapagturo rin siya, part-time, sa PNU,
Pamantasang De La Salle-Manila, Kolehiyo ng St.
Benilde, Pamantasan ng Lungsod ng Pasig at iba
pang kolehiyo/pamantasan. Sa Umak, limang taon
siyang nanungkulan bilang Puno ng Departamento
ng Filipino at isang taon bilang Puno ng
Departamento ng mga Lenggwahe at Literatura
Sa kasalukuyan, siya ay may
akademik na ranggong Associate
Professor III at designasyong
Executive Director ng Center for
Innovative Education and
Sciences sa Kolehiyo ng mga
Arte, Syensya at Edukasyon ng
UMak. (2006)

You might also like