Hemophilia

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

HEMOPHILIA

ANO ANG HEMOPHILIA?

Ang hemophilia ay isang bihirang sakit o karamdaman kung saan ang dugo ay hindi normal
na namumuo dahil sa kakulangan ng sapat na blood-clotting proteins (clotting factors).

Ang mga tao na may hemophilia ay may mababang lebel ng factor VIII (8) o factor IX (9).

Ang tindi ng hemophilia sa isang tao ay nalalaman sa dami ng factor sa dugo. Kapag mababa
ang dami ng factor, malamang na mas malaki ang pagdurugo na mangyayari na hahantong sa
mga seryosong problemang pangkalusugan.
URI NG HEMOPHILIA

Meron iba’t ibang uri o tipo ng hemophilia subalit dalawa lamang


dito ang maituturing na pinaka-karaniwan at ito ay ang:

• Hemophilia A (Classic Hemophilia)


Ito ang tipo na bunga ng kawalan o kakulangan sa clotting factor VIII.
• Hemophilia B (Christmas Disease)
Ang tipo na ito ay bunga ng kawalan o kakulangan sa clotting factor IX.

Ang hemophilia A ay apat na beses na mas karaniwan sa hemophilia B at kalahati ng


mga apektado nito ay mayroong matinding anyo nito.
MGA SENYALES AT SINTOMAS NG HEMOPHILIA

• Pagdurugo ng kasukasuan. Ito ay nagiging dahilan ng pamamaga at pananakit


o paninikip ng kasukasuan at kadalasan ay naapektuhan din ang tuhod, siko
at bukong-bukong.
• Pagdurugo sa balat (bunga ng pagkakaroon ng mga pasa) o kalamnan at
malambot na tisyu na nagiging dahilan ng pagbubuo ng dugo sa lugar o
’yung tinatawag na hematoma.
• Pagdurugo ng bibig at gilagid at ang mahirap pigilin na pagdurugo matapos
mawalan ng ngipin.
MGA SENYALES AT SINTOMAS NG HEMOPHILIA

• Pagdurugo matapos ang pagtuli.


• Pagdurugo matapos maturukan tulad ng pagbabakuna.
• Pagdurugo sa ulo ng isang bagong silang na sanggol matapos ang mahirap na panga-
nganak.
• Dugo sa pag-ihi o pagtae.
MGA SENYALES AT SINTOMAS NG HEMOPHILIA

• Madalas at mahirap mapigilan na pagdurugo ng ilong.


• Pagdurugo sa ulo at kung minsan ay sa utak na nagiging dahilan ng
matagalang problema tulad ng kumbulsyon at pagkalumpo.
• Ang kamatayan ay nangyayari kapag ang pagdurugo ay hindi napipigilan o
kung ito ay nangyari sa isang vital organ tulad ng utak.
DIAGNOSIS NG HEMOPHILIA

• Para makagawa ng diagnosis, ang mga doktor ay nagsasagawa ng ilang


blood test para makita kung maayos na namumuo ang dugo. Kung hindi ito
maayos, gumagawa sila ng clotting factor test o factor assays para ma
diagnose ang dahilan ng bleeding disorder. Ang mga blood test na ito ang
nagpapakita kung ano ang uri ng hemophilia na meron ka at kung gaano ito
katindi.
PAANO GINAGAMOT ANG HEMOPHILIA?

• Ang pinakamabisang paraan para gamutin ang hemophilia ay ang pagpapalit


ng nawawalang blood clotting factor para maging maayos ang pamumuo ng
dugo. Isinasagawa ito sa pama-magitan ng ‘infusion’ o pagsasalin ng factor
concentrates sa ugat.
MGA ILANG HEALTH TIPS PARA LABANAN ANG
HEMOPHILIA

• Magkaroon ng taunan at komprehensibong checkup sa isang hemophilia


treatment center.
Magpabakuna para makaiwas.
• Gamutin ang pagdurugo ng maaga at maayos.
• Mag-ehersisyo at panatiliin ang malusog na timbang para maprotektahan
ang mga kasukasuan.
Magpasuri ng madalas para malaman kung may impeksiyon sa dugo.

You might also like