nakadiskubre ng Pilipinas. - Nakikipagkalakalan ang mga ninuno sa labas ng bansa. - Ang isla ng Luzon at Visayas ang gumamit ng Alibata samantalang ang Sulu at Mindanao ay Sankristo. - Ipinag-utos ni Haring Felipe II (1594) na hatiin ang bansa sa apat ng pangkat ayon sa mga orden na naririto sa bansa. Ang kabisayaan ay nahati para sa Heswita at Agustinian, ang Pangasinan at Cagayan ay para sa mga Dominikano at ang Kabikulan ay para sa Fransiskano. IMPLUWENSYA NG ALPABETONG ROMANO - Mula sa tatlong patinig (a, i, at u)sa lumang sistema ng pagsusulat, nadagdagan ng dalawa pa ( e at o). - Naipakilala rin ang labing-isang banyagang letra (C, CH, F, J, LL, Ñ, Q, RR, V, X, Z) Ang mga tunog katinig na palasak sa Pilipinas na wala sa wikang Espanyol ay tinumbasan nila ng tunog. /k/ ay tinumbasan ng /c/ - kalesa – calesa. /w/ ay tinumbasan ng /iu/ - maliw - maliu ABAKADANG TAGALOG - Nabuo ito ng “Ama ng Balarilang Tagalog”, na si Lope K. Santos. - Naging basehan niya ang Alpabetong Romano sa pagkakabuo nito. - Ito ay binubuo ng dalawampung letra: lima ang patinig at labinlima naman ang katinig. - Hindi naibilang ang labing-isang banyagang letra ngunit tinumbasan ito ng letra ng ABAKADA. ABAKADANG TAGALOG /k/ ay katumbas ng /c/ - kalesa – calesa. /ts/ ay katumbas ng /ch/ - tsinels – chinelas /p/ ay katumbas ng /f/ - piyesta - fiesta /h/ ay katumbas ng /j/ - hota – jota. /ly/ ay katumbas ng /ll/ - bilyar - billar /ny/ ay katumbas ng /ñ/ - panyo – paño /k/ ay katumbas ng /qu/ - keso – queso /r/ ay katumbas ng /rr/ - barikada – barricada WIKANG PAMBANSA - Sa kapangyarihang ng Saligang Batas 1936, nabuksan ang landas ng pagtatatag at pagpapaunlad ng isang ganap na Wikang pambansa. - Sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 184, naatasan ang SWP upang gumawa ng pananaliksik, gabay, alituntunin sa pagpili ng wikang pambansa. - Nabuo ang pasya ng SWP na Tagalog ang magiging saligan ng wikang pambansa. - Dahil sa walang humpay na pagsubaybay at magandang pananaw ng Pangulong Quezon sa pagkakaroon ng pagkakakilalan ang Pilipinas, tinagurian siyang Ama ng Wikang Pambansa. - Ang SWP ay nakapglimbag ng kauna-unahang Balarilang Pilipino noong Disyembre 13, 1939. WIKANG PAMBANSA - Lalo pang sumigla ang pagpapaunlad ng wikang pambansa nang lagdaan ni MLQ ang Kautusang Tagapagpaganap blg. 263 na nagpapahintulot sa paglilimbag at paglathala ng Talatinigan Tagalog – Ingles at balarila sa Wikang Pambansa. - Sinimulang ituro ang wikang pambansa sa pampubliko at pampribadong paaralan sa buong bansa. PATAKARANG EDUKASYONG BILINGGWAL NG 1973 at 1987 - Kaalinsabay ng pagpapatibay ng Saligang Batas ng 1973, ipinatupad din ang Patakarang Bilinggwal na naglalayong makalikha ng isang pamayanang bilinggwal na may sapat na kakayahan at kaalaman sa mga wikang Filipino at Ingles. - Kaugnay nito, nagpatud ang DECS ng panuntunan sa pagpapatupad nito: magkahiwalay na paggamit ng wikang Filipino at Ingles bilang panturo sa baitang I; Pagtuturo ng Filipino at Ingles sa mga asignaturang pangwika sa elementarya at sekundarya; paggamit ng Filipino sa Araling Panlipunan, Edukasyong Pangkalusugan, Agham Panlipunan, Edukasyon sa Wastong Pag- uugali, at Edukasyong Pampalakasan. Iminungkahi rin ang pagkakaroon ng mga bagong sangguniang aklat na nasusulat sa Filipino. PATAKARANG EDUKASYONG BILINGGWAL NG 1973 at 1987 - Mula sa taong panuruang 1974 – 1975 hanggang taong panuruan 1977 – 1978, maaari nang gamitin ang Filipino bilang wikang panturo sa mga araling nabanggit sa mga lalawigan sa katagalugan. - Mula naman sa taong panuruan 1978 – 1979, magiging sapilitan na ang paggamit ng wikang Filipino bilang panturo mula sa mga asignaturang nabanggit. - Nabigyan naman ng laya ang Institusyong dalubhasa at gradwado ng kanilang sariling talatakdaan sa pagsubali sa pagdating ng taong panuruan 1984. - Higit na pinalakas ng Artikulo XIV, seksyon 7 ng Saligang Batas 1987 ang patakarang bilinggwalismo. - Pinagtibay higit lalo ng kautusang pangkagawaran blg. 52, s., 1987 ang patakarang bilinggwalismo. PATAKARANG EDUKASYONG BILINGGWAL NG 1973 at 1987 - “Palaganapin ang wikang Filipino bilang wika ng literasi, paglinang at pagpapayabong ng Filipino bilang linggwistikang sagisag ng pambansang pagkakaisa at pagkakakilanlan at patuloy na inteletwalisasyon ng wikang Filipino. Sa kabilang dako, pananatilihing wikang internasyonal para sa mga Pilipino ang wikang Ingles at bilang DI-EKSLUSIBONG wika ng agham at teknolohiya.”