1 - Aralin BLG 1 - Kahulugan at Kahalagahan NG Ekonomiks - 2018

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 58

Aralin 1:

KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN
NG EKONOMIKS
Pinagmulan ng Salitang Ekonomiks
EKONOMIKS
(Economics)
OIKONOMIA
(salitang Griyego)

OIKOS NOMOS
(tahanan/ (pamamahala/
home) management)

PAMAMAHALA ng
TAHANAN/SAMBAHAYAN
(home/household management)
Kahulugan ng Ekonomiks
EKONOMIKS
Isang pag-aaral kung paano tutugunan ang
walang katapusang KAGUSTUHAN (wants) at
PANGANGAILANGAN (needs) ng tao sa
pinakamahusay na paggamit ng
PINAGKUKUNANG-YAMAN (resources).
TANONG:
MAITUTURING
BANG ISANG
AGHAM (SCIENCE)
ANG EKONOMIKS?
Ang EKONOMIKS
ay isang sangay/disiplina ng
AGHAM PANLIPUNAN
(social science).
ANO ANG AGHAM PANLIPUNAN
(SOCIAL SCIENCE)?
Ang AGHAM PANLIPUNAN (social science) ay
isang sangay ng kaalaman kung saan pinag-
aaralan ang mga pag-uugali ng tao habang siya
ay nakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa at
kapaligiran.
Ang Pamamaraang Siyentipiko
(Scientific Method)
Paglalahad
ng Suliranin
Pagbuo ng hinuha
(hypothesis)
Aktwal na
pagpapatunay o
pagsubok Pagbibigay ng
kongklusyon

PAGLALAPAT
Isang sangay/disiplina ng
agham panlipunan ang
EKONOMIKS.
Nakatuon ang ekonomiks sa
pagsasagawa ng tao ng mga
desisyon bilang pagtugon sa
suliranin ng kakapusan.
Mga Konsepto ng Ekonomiks na
Makatutulong sa Paggawa ng
Matalinong Desisyon
OPPORTUNITY MARGINAL
COST THINKING

TRADE-OFF INCENTIVES

MATALINONG
PAGDEDESISYON
TRADE-OFF
PAGPILI NG ISANG BAGAY KAPALIT NG
IBA PANG BAGAY. Mahalaga ito sapagkat
dito ay MAAARING MASURI ang mga
pagpipilian sa pagbuo ng pinakamainam
na pasya.
TRADE-OFF
Halimbawa:
Mag – aaral ba ako sa bahay o maglalaro
ng online game sa internet shop?
OPPORTUNITY COST

Tumutukoy sa HALAGA NG BAGAY o best


alternative na handang ipagpalit sa
paggawa ng desisyon.
OPPORTUNITY COST

Halimbawa:
Ang opportunity cost ng paglalaro ng
online game sa internet shop ay ang
HALAGA NG PAG-AARAL na
ipinagpalibang gawin.
MARGINAL THINKING

PARAAN NG PAG-AANALISA O PAGSUSURI


sa kung paanong ang isang desisyon ay mas
makakapagbigay ng pakinabang o
pinakamalaking potensyal na balik kaysa sa
gastos.
MARGINAL THINKING

Halimbawa:
Sa pagitan ng
pag-aaral o paglalaro sa internet shop
--saan ako higit na makikinabang?
INCENTIVES

PAKINABANG O BENEPISYONG NAKUKUHA


mula sa isang napagdesisyunang bagay.
INCENTIVES

Halimbawa:
Mataas na marka at karagdagang
allowance ang makukuha ko mula sa
aking mga magulang kapag nag-aral
akong mabuti.
Ang kaalaman sa mga
konsepto ng TRADE-OFF,
OPPORTUNITY COST,
MARGINAL THINKING at
INCENTIVES ay makatutulong
sa paggawa ng
MATALINONG DESISYON.
Kahalagahan ng Ekonomiks
Makatutulong sa mabuting
pamahahala at pagbuo ng
matalinong desisyon
Makatutulong upang
maunawaan ang mga
napapanahong isyung
pang-ekonomiya
Makatutulong upang
makapagbigay ng
makatuwirang opinyon
tungkol sa mahahalagang
pagdedesisyon ng pamilya
Makatutulong upang maging
higit na matalino, mapanuri at
mapagtanong sa mga
nangyayari sa kapaligiran
Maaaring humubog sa
pag-unawa, ugali, at gawi sa
pamamaraang makatutulong
sa pagdedesisyon para sa
kinabukasan at
paghahanapbuhay sa
hinaharap.
PAGSASANAY SA KUWADERNO:
Tukuyin ang mga sumusunod.
1. Isang pag-aaral kung paano
tutugunan ang walang
katapusang kagustuhan at
pangangailangan ng tao sa
pinakamahusay na paggamit ng
pinagkukunang-yaman

Sagot:
EKONOMIKS
2. Salitang Griego na pinagmulan
ng salitang ekonomiks na ang ibig
sabihin ay pamamahala ng
sambahayan

SAGOT:
oikonomia
3. Sangay ng kaalaman na
kinabibilangan ng Ekonomiks

SAGOT:
agham panlipunan
Tukuyin kung TAMA o MALI ang
mga sumusunod na pahayag.
Ang mga pangangailangan at
kagustuhan ng tao ay may
hangganan.

SAGOT:
MALI
Ang mga pinagkukunang-
yamang tumutugon sa mga
pangangailangan ng tao ay
walang katapusan.

SAGOT:
MALI
Mahalaga ang matalinong
pagpapasya sa paggamit ng
limitadong mga
pinagkukunang-yaman.

SAGOT:
TAMA
Sabihin kung anong konsepto
ng Ekonomiks sa paggawa ng
matalinong desisyon ang
inilalarawan ng mga sumusunod
na tanong o pahayag.
MGA PAGPIPILIAN

TRADE-OFF

OPPORTUNITY
COST

MARGINAL
THINKING

INCENTIVES
“Kikita ba ako nang malaki sa
pagiging empleyado o
sa pagtatayo ng negosyo?”

MARGINAL THINKING
“Mamasukan ba ako o
magtatayo ako ng negosyo?”

TRADE-OFF
“Mas malaki ang kikitain ko sa
negosyo lalo na kung magiging
masipag ako. ”

INCENTIVES
“Handa akong ipagpaliban ang
pamamasukan upang makapagtayo
ako ng negosyo. ”

OPPORTUNITY
COST
PAGPAPAHALAGA

• Mahalaga ba para sa mga


kabataan ang pag-aaral ng
ekonomiks? Bakit?
Mga Sanggunian:

• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral


Unang Edisyon 2015
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan
(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at
Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at
Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto,
Applikasyon at Isyu, VPHI
Pagsusulit blg. 1
(Hunyo __, 2017)
MAGHANDA NG IKAAPAT
NA BAHAGI NG PAPEL
(1/4 SHEET OF PAPER).
Buong pangalan Petsa
Baitang at Seksyon Pagsusulit blg. 1

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
Isulat ang salitang TAMA kung ang
pangungusap ay nagsasaad ng
katotohanan at MALI kung hindi.
1.) Ang Ekonomiks ay pag-aaral
kung paano tutugunan ang suliranin
ng kakapusan sa pamamagitan ng
pinakamahusay na paggamit ng
pinagkukunang-yaman.
2.) Ang Ekonomiks ay nagmula sa
salitang Griyego na “oikonomia” na
nangangahulugang “pamamahala
ng mga pinagkukunang-yaman”.
3.) Tulad ng Kasaysayan
(History), ang Ekonomiks ay
isang sangay ng agham
panlipunan.
4.) Limitado ang mga
pinagkukunang-yaman ng tao.
5.) May hangganan ang mga
pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
Tukuyin ang mga sumusunod.
Isulat lamang ang titik ng
tamang sagot.
6.) “Ipagpapaliban ko ang panonood ng
sine upang magawa ko ang aking
takdang-aralin sa bahay.”
A. incentives

B. marginal thinking

C. opportunity cost

D. trade-off
7.) “Makakamit ko ang gintong medalya sa
Olympics kung pagbubutihin ko ang
training ko sa boksing.”
A. incentives

B. marginal thinking

C. opportunity cost

D. trade-off
8.) “Mamasyal ba ako sa mall kasama ng
aking mga kabarkada o tutulong ako sa
mga kagrupo ko sa paggawa ng proyekto?”
A. incentives

B. marginal thinking

C. opportunity cost

D. trade-off
9.) Higit ba akong makikinabang sa
pagsama ko sa mga kabarkada ko o
sa mga kagrupo ko?”
incentives

marginal thinking

opportunity cost

trade-off
10.) Mahalagang pag-aralan ang Ekonomiks
dahil _________________.

You might also like