Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

FAMILY

PATTERN
Sa lahat ng mga kultura, ang pamilya
ang pinakamahalagang yunit ng ng
lipunan. Sa pamamagitan ng pamilya,
natuto ang mga bata na kumilos at
maniwala ayon sa inaasahan sa
kanila. Bagama’t lahat ng kultura ay
umiikot sa pamilya, ang family
pattern ay nagkakaiba-iba sa bawat
kultura.
Ang pamilyang nukleyar ay binubuo ng
mag-asawa at ng kanilang mga anak.
Tipikal ito sa lipunang industriyal. Hindi
kailangan ang malaking bilang sa ganitong
pamilya upang matugunan ang mga
pangangailangang mabuhay. Kadalasan, ito
ang mga pamilyang nabubuhay sa mga
kalunsuran na nagtratabaho sa mga
industriya at negosyo. Nagagamit nila ang
teknolohiya upang mapadali ang mga
gawain sa araw-araw.
Sa extended na pamilya, iba’t ibang
henerasyon ang nakatira sa iisang
bubong. Binubuo ito ng mga lolo at lola,
mga magulang, mga anak at minsan pa
ay mga tiyo/tiya, at mga pinsan.
Kadalasan ang ganitong uri ng pamilya ay
matatagpuan sa mga agrikultural na
lugar kung saan ang mga lolo/lola ang
nag-aalaga sa mga apo habang
nagtratabaho ang mga magulang sa
bukid.
Sa lipunang may extended na
pamilya, mataas ang respeto
sa matatanda. Ipinapasa ng
matatanda ang kanilang
kaalaman sa mga bata.
Mataas ang pagtingin sa
pamilya sa parehong
extended at nukleyar.
Ang may hawak ng kapangyarihan sa
pamilya ay iba-iba depende sa kultura. Sa
maraming panahon, ang kapangyarihan
ay patriyarkal. Mas malaki ang awtoridad
ng kalalakihan kaysa sa kababaihan. Sa
tradisyonal na pamilya, ang panganay na
anak na lalaki ang nagbibigay ng
mahalagang desisyon. Sa ilang bahagi ng
sinaunang Africa at America, ang
kababaihan ang mas may awtoridad.
Nagbababago sa buong mundo ang pattern
ng pamilya sa kasalukuyang panahon. Marami
sa kababaihan ang naghahanapbuhay sa
labas ng tahanan. Sa ganitong pangyayari,
nagiging pantay ang kapangyarihan ng babae
at lalaki. Ang paglipat mula sa agrikultural na
pamumuhay tungo sa mga kalunsuran ay
nakaaapekto rin sa pagbabago. Ang
pamilyang nukleyar ay dumarami sa lahat ng
kultura. Ngunit nananatiling maigting ang
tradisyonal na tali sa mga pamilyang
extended.

You might also like