Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 69

PANITIKANG

FILIPINO
I`toy mga akdang pasulat o
pasalita na may kagandahan
ng pamamahayag, kadakilaan
ng damdamin, katayuan, ng
pag-iisip at may katangiang
pandaigdigan
Anyo ng Panitikan
Tuluyan (prosa)- maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa
katutubong takbo ng pangungusap.
Halmbawa,anekdota,alamat,maikling katha,
kathambuhay,sanaysay,talambuhay,dula, at iba pa.
Patula- pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng salitang
binilang sa pantig (6,8,12,16, o 18 sa taludtod) at pinapagtugma-
tugma sa mga dulo ng mga taludtod sa loob ng isang estropa
(stanza). Halimbawa, liriko, oda, pastoral, kurido, tulang
pasalaysay, tulang padula, soneto, t iba pa.
Matandang Panitikan

Ang matandang panitikan ay inuuri sa dalawa:

Pasalita- kabilang sa panitikang hindi nakasulat ang mga pahayag


na binubuo ng maiikling taludturan tulad ng salawikain,
kasabahan, bugtong, mga talinghaga at mga awiting-bayan.
Pasulat- sa paglipas ng panahon, ang panitikang ito’y nagpasalin-
salin sa bibig ng mamamayan; ito ay napagyaman, hanggang sa
naging maunlad ang panulatan at palimbagan at napatala na sa
mga aklat- mga akdang kababakasan ng nakalipas na panahon.
Bago Dumating ang
mga Kastila
Alibata sa Luzon at Visayas
Sanskrito- Mindanao
matandang baybayin ng ating mga ninuno

17- titik
14- katinig
3- patinig
ALIBATA-ABAKADA-ALFABETO
Ang AWITING BAYAN ay bahagi na
ng katutubong pamumuhay sa kulturang
Pilipino.Lumitaw ang mga awitin sa
anyong patula na may sukat at tugma at
naaayon sa damdamin at kaugalian ng
mga Pilipino.
Awiting Bayan
Hal.
Oyayi o paghehele – pagpapatulog ng bata
suliranin o tambilang – pamamangka
diyana o tulinda – pagtatanim
kumintang o tikam – digmaan
dulayin o indulayin – lansangan
tagumpay – pagkaraan ng digmaan
dalit – paglalamay sa patay
tagayan – pag-iinuman ng alak
balitaw – may kasamang sayaw
diona-kasalan ng katutubo
kundiman-awit sa pag-ibig
Alamat/Kuwentong Bayan
Hal. “Ang Matalinong Pagong
at ang Hangal na
Unggoy”
Alamat ng Sansinukob
Pinagmulan ng Araw at Gabi
Alamat ng Ating Kulay
Si Malakas at si Maganda
Alamat ng Bigas
Alamat ng Bulkang Mayon
Ang Bobong Prinsipe
Karunungang Bayan
Bugtong /Palaisipan– Parirala o
kaya’y mga pangungusap na
Inihanay nang patula at
naglalarawan ng talinghaga
1. Uka na ang tiyan malakas pang sumigaw
2. Isang prinsesa nakaupo sa tasa.
3. Isda sa Mariveles , nasa loob ang kaliskis.
4. Isang butil ng palay, sikip ang isang
buong bahay.
Salawikain – butil ng
karunungang
kinapapalamanan ng mabuting
payo at paalaalang pawang hango
sa tunay na karanasan.
Epiko- mahabang tulang pasalaysay
tungkol sa kabayanihan ng
pangunahing tauhan na karaniwang may
katangiang mala-Diyos. Madalas, ang
paksa ng Epiko ay hango sa karaniwang
pangyayari.
Mga Epiko
Ibalon- Bicol
Biag ni Lam-ang –Ilokano-Pinakamahabang
Epiko sa Pilipinas
Kumintang-Tagalog
Bidasari- Moro
Tuwaang- Bagobo
Darangan-Muslim
Ifugao-Hudhud
Maragtas, Haraya, Lagda- Bisaya
Alim-pinakamatandang Epiko
Panahon ng Kastila
(1565-1872)
KASTILA
KALIGIRANG KASAYSAYAN :

Ang isinaalang-alang na unang pananakop ng


mga Kastila sa ating kapuluan ay ang pananatili
rito ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1565,
bilang kauna-unahang Kastilang gobernador-
heneral. At dito nagsimula ang panitikan ng mga
tao rito. Ang diwa ng pasimulang ito ay
nagpatuloy nang walang pagbabago hanggang sa
pagkakaroon ng digmaan sa Kabite noong 1872.
Higit sa tatlong dantaon din ang pananakop na
ito ng mga Kastila.
MGA PAGBABAGONG NAGANAP SA BUHAY
NG MGA PILIPINO:
** mapalaganap ang relihiyong Katolika Apostolika
Romana, pagpapalawak ng kanilang hanapbuhay na
pambansa at ng kanilang nasasakupang lupain
** si Villalobos ang nagpasya ng ngalang “Felipinas” o
“Felipenas” bilang parangal kay Haring Felipe II.
“Filipinas” na naging “Pilipinas”
** taong 1565 at 1873, nakilala ang mga pangalang
Lakandula, Magat Salamat, Tamblot, Dagohoy, Diego
Silang, Palaris, Manong Pule, atb.
** nagpalit sila ng pangalan at nagpabinyag
**Naging gobernador si Jose Basco (1778).
**Si Claveria (1849), binigyang ng apelyidong kastila ang
pamilyang Pilipino
**Instik, Hapon, Ingles nagtangkang lumusob at
umagaw sa Pilipinas
** umunlad ang kabuhayan dahil sa tuwirang
pakikipagkumersiyo ng Espanya at Europa. Nagkaroon
ng mga sasakyang tulad ng karwahe, tren at bapor
**nagbago ang anyo ng kanilang pamamahay;
nagkaroon ng mga bahay na tisa at bato
** magagandang kasangkapan tulad ng piyano,
muwebles at mga kagamitang pangkusina
** natuto silang magdiwang ng mga kapistahan bilang
parangal sa mga santo at Papa
** bilang libangan, nagkaroon ng mga sabong, karera ng
kabayo at teatro
1. Panitikang Pamaksang
Pananampalataya at Kabutihang-asal

2. Panitikang Rebolusyonaryo at
Sedisyoso
TATLONG KATANGIAN NG PANITIKAN:

1. May sari-saring kaanyuan at pamamaraan,


gaya ng mga tulang liriko, awit, kurido,
pasyon, duplo, karagatan, kumedya, senakulo,
sarsuwela, talambuhay, at mga pagsasaling-
wika.
2. Ang karaniwang paksain ay panrelihiyon.
3. Ang lalong nakararami ay huwad, tulad, o
halaw sa anyo, paksa, o tradisyong kastila.
MGA IMPLUWENSYA NG KASTILA
SA PANITIKANG FILIPINO
1. Ang “Alibata”na ipinagmamalaki kauna-unahang
abakadang Filipino na nahalinhan ng alpabetong
Romano.
2. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na
kinasasaligan ng mga gawang makarelihiyon.
3. Ang wikang Kastila na naging wika ng Pantikan
nang panahong yaon. Marami sa mga salitang ito
ang naging bahagi ng wikang Filipino.
4. Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at
tradisyong Europeo rito na naging bahagi ng
Panitikang Filipino tulad ng awit, kurido, moro-
moro at iba pa.
5. Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng
makalumang panitikan sa Tagalog at sa ibang
wikain.
6. Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat na
pambalarila sa wikaing Filipino tulad sa Tagalog,
Ilokano at Bisaya.
7. Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng
mga lathalain ng mga panahong yaon.
MGA AKDANG
PANRELIHIYON
DOCTRINA
CHRISTIANA
-kauna-unahang aklat na
nalimbag sa Pilipinas noon
1593, sa pamamagitan ng
silograpiko.
-Aklat ito nina Padre Juan
de Placencia at padre
Domingo Nieva. Nasusulat
ang aklat sa Tagalog at
Kastila.
-Naglalaman ng mga dasal,
sampung utos, pitong
sakramento, pitong
kasalanang mortal,
pangungumpisal at
katesismo.
-May 87 pahina lamang.
NUESTRA SENORA
DEL ROSARIO
-ikalawang aklat na nalimbag
sa Pilipinas. Akda ito ni Padre
Blancas de San Jose noong
1602 at nalimbag sa Imprenta
ng Pamantasan ng Sto. Tomas
sa tulong ni Juan de Vera,
isang mestisong Intsik.
Naglalaman ito ng mga
talambuhay ng mga santo,
nobena, at mga tanong at
sagot sa relihiyon.
BARLAAN AT
JOSAPHAT
“Aral na Tunay na
Totoong Pag-aacay
sa Tauo, nang manga
Cabanalang Gaua
nang manga
Malaoualhatiang
Barlaan at Josaphat
(1780) na batay sa
mga Sulat sa Griyego
ni San Juan
Damasceno.”
BARLAAN AT
JOSAPHAT
-ikatlong aklat na nalimbag
sa Pilipinas. Akda ito sa
Tagalog ni Padre Antonio de
Borja. Orihinal na nasa
wikang Griyego.
- Jacobo Biblio (Latin),
Baltazar de Santa Cruz
(Kastila)
- Ipinalalagay itong kauna-
unahang nobelang nalimbag
sa Pilipinas.
-isinalin sa salitang Iloko at
sa anyong patula ni Padre
Agustin Mejia.
URBANA AT
FELISA
-aklat na sinulat ni
Modesto de Castro, ang
tinaguriang “Ama ng
Klasikong Tuluyan sa
Tagalog”.Naglalaman ito ng
pagsusulatan ng
magkapatid na sina
Urbana at Felisa. Pawang
nauukol sa kabutihang-
asal ang nilalaman ng aklat
na ito, kaya’t malaki ang
nagawang impluwensya
nito sa kaugaliang
panlipunan ng mga
Pilipino.
PASYON
-aklat na nauukol sa buhay at
pagpapakasakit ni Kristo. Binabasa
ito tuwing Mahal na Araw.
Nagkaroon ng apat (4) na bersyon sa
Tagalog ang akdang ito, at ang
bawat bersyon ay ayon na rin sa
pangalan ng mga nagsisulat. Ang
mga ito ay ang Padre Mariano Pilapil
(1814) Gaspar Aquino de Belen
(1704); Aniceto dela Merced (1856);
at Don Luis de Guian (1750 ).
-Isinaalang-alang na pinakapopular
ang Version de Pilapil na may 8
pantig sa bawat taludtod, at 5
taludtod sa bawat saknong.
850
PASYON
Ang tauo hanggang mayaman
Marami ang kaibigan
Cung mahirap na, I ang buhay
Di batii’t, titigan
851
Gayon ngani itong mundo
Magdaraya, t, walang toto
Parang lihis na totoo
Pangimbolo, i, nanalo
Sa calolowa nang tauo.
MGA DULANG
PANRELIHIYON
PANUNULUYAN

•Dulang tinatanghal sa
lansangan
•Paghahanap ng
matutuluyan nina
Maria at Joseph sa
Bethlehem
•Ang mga bahay sa
paligid ang hinihingan
ng mag-asawa ng silid
na matutuluyan
DALIT

FLORES DE MAYO
• ang pag-aalay ng
bulaklak kasabay nang
pag-awit bilang handog
sa Birheng Maria.
• P. Mariano Sevilla
(Tondo, Nobyembre 12, 1832)
DALIT

FLORES DE MAYO
Matamis na Birheng pinaghahandugan,
Kami’y nangangako naman pong mag-
alay
Ng mga girnalda bawat araw
At ang magdudulot yaring murang
kamay.

Tuhog na mga bulaklak sadyang salit-


salit
Sa mahal mong noo’y aming ikakapit,
Lubos ang pag-asa’t sa iyo’y pananalig
Na tatanggapin mo handog ng pag-ibig.
SANTA CRUZAN

• ay isang prusisyon na
isinasagawa sa huling
bahagi ng pagdiriwang
ng Flores de Mayo.
Isinasalarawan nito ang
paghahanap sa Banal na
Krus ni Reyna Elena,
ang ina ni Constantino.
SENAKULO

• isang dulang
nagsasalaysay ng
buhay at
kamatayan ng
Poong
Hesuskristo.
• Kadalasan
ginaganap sa
lansangan o sa
bakuran ng
simbahan.
SALUBONG

• Pagtatanghal ng
pagtatagpo ng
muling nabuhay
na Panginoong
Hesus at ni
Maria.
TIBAG

• isang pagtatanghal
kung buwan ng
Mayo, ng
paghahanap ni
Santa Elena sa krus
na pinagpakuan kay
Kristo.
KOMEDYA/
MORO-MORO

• isang matandang
dulang Kastila na
naglalarawan ng
pakikipaglaban
ng Espanya sa
mga Muslim
noong unang
panahon.
KARILYO

• pagpapagalaw ng
mga anino ng mga
pira-pirasong
kartong hugis tao sa
likod ng isang
kumot na puti na
may ilaw.
SARSUWELA

• isang komedya o
melodramang may
kasamang awit at tugtog,
may tatlong (3)yugto, at
nauukol sa mga
masisidhing damdamin
tulad ng pag-ibig,
paghihiganti, panibugho,
pagkasuklam at iba pa.
• Severino Reyes o Lola
Basyang
DUNG-AW

• binibigkas nang
paawit ng isang
naulila sa piling ng
bangkay ng yumaong
asawa, magulang at
anak.
KARAGATAN

• Nanggaling sa alamat ng
prinsesang naghulog ng singsing
sa karagatan, tapos nangakong
papakasalan niya ang binatang
makakakuha nito.
• isang larong may paligsahan sa
tula ukol sa singsing ng isang
dalagang nahulog sa gitna ng
dagat at kung sinong binata ang
makakuha rito ay siyang
pagkakalooban ng pag-ibig ng
dalaga.
DUPLO

• larong paligsahan sa pagbigkas


ng tula na isinasagawa bilang
paglalamay sa patay.
• Isinasagawa sa ika-9 na araw ng
pagkamatay.
• Pagalingan ito sa pagbigkas at
pagdebate, pero kailangan may
tugma / sa paraang patula.
• Gumagamit ng mga biro,
kasabihan, salawikain at taludtod
galing sa banal na kasulatan.
• BILYAKA at BILYOKO =
DUPLERO
DUPLO vs. KARAGATAN

KARAGATAN DUPLO
Mas nauna Pinalitan ang karagatan
May matanda, babae at lalaki Madalas dalawang lalaki ang naglalaban

May isang paraan ng paglalaro Maraming iba’t ibang estilo


Parehong gumagamit ng kasabihan, parabula at makulay na lenguahe, at kumuha ng
taludtod galing sa panitikan.
Dahil dito, nakatulong sila sa pagunlad ng mga wikang Pilipino.
SAYNETE

• itinuturing na isa sa mga


dulang panlibangan nang
mga huling taon ng
pananakop ng mga Kastila.
Ang paksa ng dulang ito ay
nahihinggil sa paglalahad
ng kaugalian ng isang lahi
o katutubo.
PANGANGALULUWA

• Kilala bilang Todos Los


Santos

Kaluluwa kaming tambing


Sa purgatoryo nanggaling
Doon po’y ang gawa namin
Araw gabi’y manalangin
Dulang Pangtanghalan o
Entablado
Senakulo
Moro-moro Dulang Pantahanan
Komedya
Pamamanhikan
Karilyo
Patung/Panubong
Dulang Duplo
Panlansangan Karagatan
Juego de prenda
Pangangaluwa
Tibag
Panunuluyan
Salubong
AKDANG
PANGWIKA
Arte Y Regalas de la Lengua
Tagala

- sinulat ni Padre Blancas de


San Jose at isinalin sa
Tagalog ni Tomas Pinpin
noong 1610.
Compendio de la Lengua Tagala

- inakda ni Padre Gaspar


de San Agustin noong
1703.
Vocabulario de la Lengua Tagala

- kauna-unahang
talasalitaan sa
Tagalog na sinulat
ni Padre Pedro de
San Buenaventura
noong 1613.
Vocabulario de la Lengua
Pampango
- unang aklat na pangwika
sa Kapampangan na
sinulat ni Padre Diego
Bergano noong 1732.
Vocabulario de la Lengua
Bisaya

- pinakamahusay na
aklat pangwika
sa Bisaya na
sinulat ni Mateo
Sanchez noong
1711.
Arte de la Lengua Bicolana

- unang aklat
pangwika sa Bikol
na sinulat ni Padre
Marcos Lisboa
noong 1754.
Arte de la Iloka

- kauna-unahang balarilang
Iloko na sinulat ni
Francisco Lopez.
MGA URI NG PANITIKAN

A.PASYON – inaawit tuwing Kwaresma,


hinggil sa buhay , sakit at pagdurusa
ni Kristo.
B. KOMEDYA/MORO-MORO- isang
matandang dulang Kastila na
naglalarawan ng pakikipaglaban ng
Espanya sa mga Muslim noong unang
panahon.
C. DALIT – ang pag-aalay ng bulaklak
kasabay nang pag-awit bilang handog
sa Birheng Maria.
D. DUNG-AW –binibigkas nang paawit
ng isang naulila sa piling ng bangkay
ng yumaong asawa, magulang at anak.
E. KARAGATAN – isang larong may
paligsahan sa tula ukol sa singsing ng
isang dalagang nahulog sa gitna ng
dagat at kung sinong binata ang
makakuha rito ay siyang
pagkakalooban ng pag-ibig ng dalaga.
F. DUPLO –larong paligsahan sa
pagbigkas ng tula na isinasagawa
bilang paglalamay sa patay.
G. KARILYO – pagpapagalaw ng
mga anino ng mga pira-pirasong
kartong hugis tao sa likod ng isang
kumot na puti na may ilaw.
H. SENAKULO – isang dulang
nagsasalaysay ng buhay at
kamatayan ng Poong Hesuskristo.
I. TIBAG – isang pagtatanghal kung
buwan ng Mayo, ng paghahanap ni
Santa Elena sa krus na
pinagpakuan kay Kristo.
J. SARSUWELA- isang komedya o
melodramang may kasamang awit
at tugtog, may tatlong (3)yugto, at
nauukol sa mga masisidhing
damdamin tulad ng pag-ibig,
paghihiganti, panibugho,
pagkasuklam at iba pa.
K. KURIDO – galing sa salitang
Mehikanong “corrido” na ang ibig
sabihin ay “kasalukuyang pangyayari”
(current event). Ito ay tulang
pasalaysay na may sukat na walong (8)
pantig at pumapaksa sa katapangan,
kabayanihan at kababalaghan.
L. AWIT – tulang pasalaysay na may
sukat na labindalawang (12) pantig at
may mga pangyayaring hango sa tunay
na buhay.
M. PARABULA – kwentong hango sa Banal
na Kasulatan na maaaring umakay sa tao
sa matuwid na landas ng buhay.
N. KANTAHING-BAYAN – (Folk Songs) ang
nilalaman ay nagpapakilala ng iba’t ibang
pamumuhay at pag-uugali ng mga tao at
ng mga kaisipan at damdamin ng bayan.
O. SAYNETE – itinuturing na isa sa mga
dulang panlibangan nang mga huling taon
ng pananakop ng mga Kastila. Ang paksa
ng dulang ito ay nahihinggil sa paglalahad
ng kaugalian ng isang lahi o katutubo.
MGA KANTAHING-BAYAN

1. Leron-leron Sinta = Tagalog


2. Pamulinawen = Iloko
3. Dadansoy = Bisaya
4. Sarong Banggin =Bikol
5. Atin Cu Pung Singsing = Kapampangan
KAHALAGAHAN NG KANTAHING
BAYANG PILIPINO

• Ito ay nagpapakilala na ang ating diwang-


makata ay katutubo sa ating lupain.
• Ito ay nagpapahayag na tunay na kalinangan
ng Pilipino
• Ito ay bunga at bulaklak ng matulaing
damdaming galling sa puso at kaluluwa ng
bayan.

You might also like