Manggagawa MGA HAKBANG • Pagtatag ng isang makauring pagkakaisa at determinasyon upang isulong ang kanilang mga karapatan. • Pag-gapi sa patakarang mura o flexible labor. Flexible Labor-stratehiya ng mga namumuhunan upang palakihin ang kanilang kita sa pamamagitan ng pagpatutupad ng mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa. • Pagsulong sa ilang probisyon ng DO 18-A Mga Karapatan ng mga Manggagawa Ayon sa International Labor Organization (ILO) - ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa. - ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na mag-isa. - bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapang-aliping trabaho at trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bungang ng pamimilit o ‘duress’. - bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan. Samakatwi’d mayroong minimong edad at mga kalagayang pangtatrabaho para sa mga kabataan. -bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho: pantay na suweldo para sa parehong na trabaho. - ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas sa mga manggagawa. Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas. - ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa makataong pamumuhay.