Professional Documents
Culture Documents
JPLN01G Report
JPLN01G Report
Angkang Laurel
Gat Masungit – dito nagsimula ang
angkan ng mga Laurel. Isa sa
pinakamatandang anak ng sultan ng
Brunei.
Panay – dito unang napadpad ang
grupo ni Gat Masungit noong
ikalabinllimang siglo.
Batan – isang bayan na itinatag ni Gat
masungit sa Panay (ayon kay Nick
Joaquin).
Tananuan, Batangas – ikalawang lugar
na napuntahan ni Gat Masungit
matapos maniharan sa Panay
Gat Leynes – pangalan ng anak ni Gat
Masungit.
Miguel Dela Cruz – pangalan ng anak ni
Gat Leynes. Isang taong maharlika na
nakamana sa kanyang ninuno ng
matapang at hindi mapagtimpiang
katauhan. Naging tagapagtanggol ng
mga naaapi.
Gobernador Heneral Narciso Claveria –
nag-utos sa mga katutubo noong 1849
na magpalit ng pangalan. Maari silang
pumili ng apelyido maliban sa Dela cruz
at Santos.
Sa payo ng asawa ay kumunsulta sa pari
ng Tanauan, at napili ang apelyidong
Laurel na nangangahulugang dangal.
Mariano Laurel – isa sa mga naging
anak ni Miguel. Si Mariano ay lolo sa
ama ni Jose P. Laurel.
Abril 22, 1849 – kapanganakan ni Sotero
Laurel
Si Sotero at Ruperto ay mga apo ni
Miguel kay Mariano. Si Ruperto ay
naging gobernadorcillo, at lumagda ng
petisyon laban sa mga prayle sa Maynila
noong 1888.
Nag aral si Sotero ng sekundaryo sa
pamamatnubay ni Padre Valerio
Malabanan sa Tanauan.
San Juan De letran - paaralan ni Sotero
pagkatapos ng kanyang pag-aaral sa
sekundaryo
Unibersidad ng Santo Tomas – kumuha
dito si Sotero ng batas at nagtapos ng
siya ng “Licentiate sa Hurisprudensya”
noong 1881.
De los Cincos – ang lihim na sosyedad na
may layuning gisingin ang mga
mamamayan laban sa mga paring
Espanyol, na itinatag ng magkaibigang
Sotero at Marcelo del Pilar.
Sa paglisan ni del Pilar ng bansa ay
tinanggap naman ni Sotero ang
tungkuling Hukom Pamayapa ng Tanauan,
sa pagpayapa ng sitwasyon.
Si Sotero ay naging Pangalawang Kalihim
ng Interyor sa pagkapili ni Mabini, at hindi
naglaon ay naging miyembro ng
Kongreso ng Malolos na bumuo sa
Konstitusyon ng Unang Republika.
Ang pagpapakasal ni Sotero kay Jacoba
Garcia ay hindi naging hadlang na siya
ay patuloy na makipag-ugnayan kay
Marcelo del Pilar at naging bahagi siya ng
himagsikang Pilipino.
Sa pagsanib ni Aguinaldo sa grupo nina
Sotero at Miguel Malvar ay naging
puspusan ang pagtugis ni Hen. Nicolas
Jaramillo. Hindi naglaon ay namundok
sina Laurel at Malvar.
Sa pagkatagumpay ni Commodore
Dewey sa labanan sa Manila Bay ay higit
na sumidhi ang layunin ni Sotero na
ipagpatuloy ang pakikipaglaban.
Si Sotero ay isa sa mga lumagda ng
Saligang-Batas na unang
demokratikong konstitusyon sa Asya.
Makaraan na madakip si Aguinaldo ay
nadakip din si Sotero at nakulong. Siya
ay namatay sa sakit na disenterya
noong 1901. Siya ay inilibing sa Tanauan.
Naatang kay Doña Jacoba ang
pangangalaga sa kanilang limang anak,
kung saan ang kanyang pagtitimpi ay
nasubok sa pag-aalaga sa kanyang
anak na si Jose.
Ang Kabataan ni
Jose P. Laurel
Jose Paciano Laurel
Isinilang sa Tanauan, Batangas noong
Marso 9, 1891
Pangalawang anak sa limang
magkakapatid
“Jose”- galing kay San Jose na
tumayong ama ni Hesus pagkat isinilang
siya sa buwang naukol kay San Jose
“Paciano”- isinunod sa nakatatandang
kapatid ni Jose Rizal dahil magkaibigan
ang pamilya Rizal at Laurel
Doña Jacoba
Ang ina ni Jose P. Laurel
Gumabay sa anak na maagang naulila
sa ama.
Unang guro ng kanyang mga anak.
Walang sawang gumabay kay Jose P.
Laurel habang nag-aaral ito sa paaralan
ni Padre Valerio Malabanan.
Hinandugan si JPL ng kwintas na ginto
na may 18 karat na may palawit na krus,
nagpapakilala ng pagkalinga at
pagmamahal sa anak.
Ang pagmamahal ni Jose Laurel sa ina
ay nasasaad sa sanaysay na isinulat niya
noong 1950.
Nang maging senador si JPL ay
ipinapasyal niya ang kanyang ina sa
Dewey Boulevard.
Nang sumakabilang-buhay na si Doña
Jacoba ay namanata si JPL na
magsusuot ng itim na kurbata simbolo
ng kanyang paggalang sa kanyang
namayapang ina.
Reporters:
Talatala, Sharmaine S.
Urbanozo, Zharmaine S.
Valdez, Richard Anthony B.
Varela, Liwayway E.