Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Ang Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro


Kolehiyo ng Pagpapaunlad Pangguro
FAKULTI NG MGA SINING AT WIKA
Yunit ng Filipino

Sining:
TUKLAS, LIPAT AT LAPAT NG
SISTEMATIKONG PAGTUTURO SA
PAGTATAMO NG MALIKHAING KAISIPAN

Isang Modyul sa P-Fil 08 – Pagtuturo ng Filipino Sining Pantanghalan para sa Bata


Inihanda ni Prop. Estrella Pena
Deskripsyon ng
Kurso
Sumasaklaw sa pag-aaral ang mga batayang kaalaman
at pangkasaysayang pag-unlad ng sining pantanghalan
tulad ng kuwentong pambata, pagsasatao, isahang
pagbasa/pagbigkas at masining na pagbasa ng tula at
iba pa sa antas elementarya. Binigyang-diin ang mga
sangkap ng mga sining pantanghalan sa pamamagitan ng
pagsusuri sa ilang halimbawang kumakatawan sa bawat
sining. Nakasentri sa pag-aaral ang kuwentong pambata,
pagsasatao, isahang pagbasa/pagbigkas at masining na
pagbasa ng tula at iba pa sa antas elementarya bilang
paglalarawan ng sining, isip, buhay at damdamin ng iba’t
ibang tao sa lipunan. Nagbibigay kasanayan sa
produksyon ng mga maikling likha ng mga mag-aaral at
iba’t ibang midyum ng interpretasyon.
Magtatapos ang modyul na ito sa pagbubuo at pagtataya
ng mga kagamitang pampagtuturo ng wika gamit ang
makabagong teknolohiya sa pagtuturo tulad ng
instructional video, modyul at banghay-aralin. Ito ang
magiging awtput sa pagtuturo ng Filipino bilang una at
pangalawang wika.
Layunin ng Modyul
Ang modyul na ito ay sadyang idinisenyo para sa mga
mag-aaral na kumukuha sa larangan ng pagtuturo ng/sa
Filipino (Sining Pantanghalan para sa bata) Ito ay
naglalayong magkaroon ng kabatiran ang mga mag-aaral
sa batayang konseptuwal, teoretikal at pedagohikal sa
pagtuturo ng/sa Filipino.

Bakit pinamagatang “SINING: TUKLAS, LIPAT AT LAPAT NG


SISTEMATIKONG PAGTUTURO SA PAGTATAMO NG
MALIKHAING KAISIPAN” ang modyul na ito?

Tuwirang kadikit ng pamagat ang SINING na salita. Dahil


ang asignaturang ito ay may kinalaman sa sining
pantanghalan. Pinalutang ng may akda na palakasin ang
sining na magiging kadikit ng guro sa pagtuturo. Sa
konseopto ng TUKLAS, LIPAT at LAPAT ay maituturing na
proseso ng pagtuturo ng guro. Mahalaga ang
sistematikong proseso upang matamo ang epektibong
pagkatuto, ito ang pinapalakas ng modyul na ito. Ang
kakayahan ng mag-aaral na matutong makinig, tumindig
at pumanig.
Kasanayan at
Kaalaman
Sa Kabuoan, naririto ang talaan ng mga kasanayang
malilinang sa modyul na ito bilangguro sa hinaharap ng/sa
Filipino:
o Naipakikita ang lubos na pagunawa sa kalikasan ng
sining pantanghalan, batayang konseptwal sa
pagtuturo, at teorya sa pagkatuto.
o Napag-uugnay ang asimilasyon ng kultura sa pagtuturo
ng sining pantanghalan.
o Naihahawan ang mga balakid, sagabal at hamon sa
pagtuturo ng sining pantanghalan dahil na rin sa kritikal
na pag-aanalisa rito.
o Nauunawaan ang mahahalagang teorya at simulating
pinagbabatayan ng mga lapit at pagdulog sa
pagtuturo ng sining pantanghalan.
o Napipili at nagagamit ang mga angkop na estratehiya
sa pagtuturo at sa pagtatay sa pagkatuto ng sining
pantanghalan.
o Nakapaghahanda at nakapgtatay ng kagamitang
pampagtuturo sa pagtuturo ng Filipino.;
Bahagi ng Modyul
ALAMIN- Sa bahagi ito ay tumutuklas ng mga bagong
kaalaman at iuugnay sa dating kaalaman ng mga mag-
aaral.

UNAWAIN- Ito ang bahagi na kung saan binabasa at


inaalam ang isang tiyak na aralin.

TALAKAYIN- Talakayin ang tekstong nabasa mula sa literal


patungong interpretatibong lebel ng pagbasa at pagsuri

PALALIMIN- Hatid ng mga gawain na pagnilayan ng mga


mag-aaral ang implikasyon ng teksto.

DALUMATIN- Mga gawaing isahan at pangkatan na


naglalayong bigyan ng kritikal na pagsusuri ang aralin
upang makapagluwal ng produktong pampagkatuto.

LAGUMIN- Paglalagom sa pamamagitan ng pag-=uugnay


ng kasalaukuyan tungo sa hinaharap.
Yunit 1
Sining
Pantanghalan
LAYUNIN
• Matukoy ang Kahulugan, kahalagahan at uri ng Sining
Pantanghalan
• Mapagyaman ang pang-unawa sa kasaysayan ng sining
ARALIN 1: KAHULUGAN, KAHALAGAHAN, AT URI NG SINING

ALAMIN

Pamagat ng Gawain: WIKARAMBOLA


Panuto:

• Igrugrupo ang mga mag-aaral sa limang pangkat.


• Ang pangkat ay mayroong mga dalang Flashcards o metacards
• Naghanda ang guro ng mga salita na ipapaskil sa pisara.
• Ang mga salitang napili ng guro at guro-guro ang letra.
• Kailangan ng mga mag-aaral na alamin kung ano ang tumpak
na salita na inilalarawan ng salita na nakasulat sa pisara.
• Kung sino ang unang grupo na maayos ang salita kailangan
nilang ipaliwanag ito sa isang pangungusap.
• Kapag hindi nasagot ng grupo ang salita, ipapasa ito sa kabilang
pangkat at pag nasagot nila iyon sila ang makakakuha ng
puntos.

UNAWAIN

KAHULUGAN

Sining- bagaman kadalasang tumutukoy ang salitang ito sa sining


biswal, ay patuloy na nagbabago ang kaisipan na kung ano ang
sining.
Pantanghalan- Sinasabing ito’y nagpapakita ng isang kaganapan o
palabas kung saan ang isang pangkat ng mga tao ( ang mga
tagapagtanghal, tagatanghal, o mananahal; maaari ring
tagapagpalabas) ay nag-aasal na isang particular na paraan para sa isa
pang pangkat ng mga tao ( ang tagapanuod, tagapakinig, o mga
tagapagtangkilik.)

Ang sining ng pagtatanghal, na tinatawag ding sining ng


pagganap o sining ng pagpapalabas, ay isang pagtatanghal,
pagsasagawa, pagganap, pagsasakatuparan, o pagpapalabas na
inihaharap sa madla o kapulungan ng mga tagapanood at takapakinig,
na nakaugaliang interdisiplinaryo. Ang pagtatanghal ay maaaring ayon sa
inihandang panitik o script sa Ingles, o kaya ay kusa at hindi pinaghandaan,
o kaya ay maingat na pinaghandaan at binalak na maaaring mayroon o
walang paglahok ng madla. Ang pagtatanghal ay maaaaring
isinasakatuparan sa oras mismo ng pagtatanghal (iyong tinatawag na live,
literal na "buhay") o kaya ay sa pamamagitan ng midya; at ang
tagapagtanghal ay maaaring naroroon sa oras ng pagtatanghal o wala
dahil, bilang halimbawa, ay nairekord na ("hindi buhay" ang palabas).

Plastikong sining
Pinong sining, isang pagpapadama sa pamamagitan
ng pagpapaganda o upang maging kaakit-akit o kahali-halina ng
isang bagay sa mga emosyon o damdamin sa pamamagitan ng
mga paraang mapagmamasdan o biswal: katulad ng pagguhit,
pagpipinta, pagbabakat at pagtatatak ng disenyo, at paglililok
Panitikan: panulaan, malikhaing pagsusulat (sining sa malikhaing
pagsulat)
Isinasagawa o itinatanghal na sining
Isinasakatuparang sining na kinabibilangan ng drama, na
pagpapadamang ginagamit ang katawan: sayaw, pag-arte, pag-
awit
Nadidinig na sining, na naipapadama sa pamamagitan ng paglikha
ng mga tunog: musika, pagkanta
Praktikal na sining
Kulinaryong sining, pagpapadama ng mga pampalasa at
mga lasa: pagluluto
Ang praktikal na sining na nagpapadama sa pamamagitan ng
paggawa ng mga bagay at mga
kayarian: arkitektura, pelikula, moda, potograpiya, mga larong bidyo
Talakayin

Tatluhan-Dalawahan-Isahan

Sa isang buong papel ay bumuo ng isang grapikong pantulong na


magtatalakay ng aralin sa simpleng pamamaraan. Kinakailangang lamanin
ng grapikong pantulong ang mga sumusunod: 3 bagay na natutuhan, 2
bagay na nakapukaw ng inyong interes, at 1 tanong na nais pang tanungin
o malaman. Mula rito ay pipili ang guro ng tatlong masusing grapikong
pantulong na ibabahagi sa klase.

Palalimin

Sariling Museo

Ang mga mag-aaral ay kailangang makabuo ng isang scrapbook kung saan


makikita ang iba’t ibang uri ng sining na mayroon sa pilipinas. Kinakailangan
ay magmukha itong museo. Maliban sa paglalagay ng larawan,
kinakailangan ay punong-puno ito ng impormasyon tungkol sa mga kilalang
sining na mayroon ang Pilipinas.

Orihinalidad 25 puntos
Nilalaman 25 puntos
Pagkamalikhain 20 puntos
Estilo 15 puntos
Paggamit ng Recycled materials 15 puntos
Kabuoan 100 puntos
Dalumatin

TUGON-SINING
Ang bawat mag-aaral ay gagawa ng isang sining. Maaaring pagpipinta,
pagtatanghal o iba pa na may kinalaman sa sining. Mahalaga na kadikit ng
sining na kanilang ipapakita ay ang isyung panlipunan na umiiral sa panahaon
natin ngayon. Kinakailangan ay napapanahon ang kanilang pipiliin. Ayos lang
na magkapareho ng isyu at sining basta mayroong ibang atake ang bawat
isa.

Orihinalidad 25 puntos
Nilalaman 25 puntos
Gamit ng Wika 20 puntos
Estilo 15 puntos
Kalinawan at Kaayusan 15 puntos
Kabuooan 100 puntos

Lagumin

PAGSALASIKSIK

Sining
Sining Panlipunan Panlipunan

Mula sa mga salitang ito kailangang umisip ang mga mag-


aaral ng direktang kahulugan ng Sining batay sa kanilang
pagkaunawa sa ginawang pagtalakay. Kailangan ay isang
pangungusap lamang ang kanilang bubuoin.
ARALIN 2: ANG TEATRO O TANGHALAN

ALAMIN

Pamagat ng Gawain: Magsaliksik, Magpares, at Magbahagi


Panuto:
Magsasagawa ng pananaliksik sa silid-aklatan o sa internet ng mga
sumusunod na paksa o salita na nakalahad sa ibaba. Hanapin ang
tatlong “K” ng salitang sasaliksikin, ang Kahulugan, katangian at
kaugnayan ng salitan o paksa. Kinakailangang maghanap ng
kapares ang bawat mag-aaral at kanilang babahagian ang bawat
isa ng kanilang impormasyong naisaliksik.

Mga salitang Sasaliksikin:


• Teatro
• Tanghalan
• Theater Space

UNAWAIN

KAHULUGAN
Ang bulwagan, dulaan , tanghalan o teatro ay ang sangay
ng ginaganap na sining na may kinalaman sa pag-arte ng mga
kuwento sa harap ng mga nakikinig na ginagamit ang
magkahalong salita, galaw, musika, sayaw, tunog at panooring
kahangahanga—tunay nga na isa o higit pa na sangkap ng ibang
gumaganap na sining.
KATUTURAN
• Entertainment o libangan
• Pagkukuwento/Pagsasalaysay
• Pagbibigay mensahe
• Pagpupukaw ng interes
• Estratehiya sa Pagtuturo
• Ito’y nagbibigay ng kasagutan na isang malalim na suliraning
naglalarawan ng kalikasan ng tao, at nagtatanghal ng
tunggalian ng mga kalooban at damdamin ng mga
nagsisiganap.
• Isang katha na ang layunin ay ilarawan sa tanghalan sa
pamamagitan ng kilos at galaw ang isang kapana-panabik na
bahagi ng buhay.
• Ito ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang
dulang likha ng malikhain at mayang isipan.

KAHALAGAHAN

• Pagtataguyod at pagbibigay buhay sa kultura.


• Pagpapahayag ng sarili o self-expression.
• Pagbabagtas ng kasaysayan
• Pagbibigay ng bagong timpla bilang estratehiya sa
pagkatuto ng mga mag-aaral.
Uri ng Tanghalan

ARENA STAGE

• Uri ng teatro o tanghalan kung saan ang mga manonood


ay nakapalibot sa entablado.
• Ang mga manonood ay nakaupo nang paikot sa
entabladong ginaganapan ng pagtatanghal. Ito ay kilala
rin sa tawag na “theater in a round” at “central staging.”
• Dinala ito ni Severino Reyes sa Pilipinas, particular sa
Pamantasang Normal ng Pilipinas
• Ang “Glenn Hughes Penthouse Theatre” ang kauna-
unahang arena stage na naitayo. Ito ay itinatag sa
University of Washington, Seattle, Texas noong Mayo 16,
1940
Uri ng Tanghalan

THRUST STAGE

• Tinatawag din bilang platform stage o open stage


• Isang halimbawa ng tanghalan kung saan ang mga
manunuod ay nakapwesto nang nakapalibot sa tatlong
bahagi ng entablado.
• Gaya ng arena stage, malapit din sa tao ang mga
nagtatanghal kung kaya nagiging mahirap sundin ang
“fourth wall” rule sa pagtatanghal o particular sa dula.
• Ang likurang bahagi ng entablado ay ginagawang
“backstage” kung saan nagaganap lahat ng pagpapalit
ng disenyo ng entablado, pagpapalit ng damit ng mga
nagtatanghal, pagdaragdag at pagbabawas ng
tinatawag na “set design”
Uri ng Tanghalan

THRUST STAGE

• Uri ng teatro o tanghalan kung saan ang mga manonood


ay nakapalibot sa entablado.
• Ang mga manonood ay nakaupo nang paikot sa
entabladong ginaganapan ng pagtatanghal. Ito ay kilala
rin sa tawag na “theater in a round” at “central staging.”
• Dinala ito ni Severino Reyes sa Pilipinas, particular sa
Pamantasang Normal ng Pilipinas
• Ang “Glenn Hughes Penthouse Theatre” ang kauna-
unahang arena stage na naitayo. Ito ay itinatag sa
University of Washington, Seattle, Texas noong Mayo 16,
1940
Uri ng Tanghalan

End Stage
• Tinatawag din bilang platform o open stage
• Isang halimbawa ng tanghalan kung saan ang mga
manonood ay nakapuwesto nang nakapalibot sa tatlong
bahagi ng entablado.
• Ang ganitong uri ng tanghalan ay maituturing na isa sa
mga pangkaraniwan sapagkat ganito kadalasan ang uri ng
teatro sa mga paaralan, Pamantasan, maging sa iba’t
ibang institusyon o organisasyong pantanghalan.
Uri ng Tanghalan

Flexible Theater
• Ang Flexible Theater ay tumutukoy sa uri ng teatro kung
saan ang pagtatanghal ay maaaring maganap sa
anomang lugar na pinagpasyahang pagtatanghalan.
• Ito ay maaaring maganap sa kalye, sa parke, studio o sa
anomang lugar na piniling pagtatanghalan.
• Marami ring uri ang flexible theater. Ito ay ang mga:
• Environmental Theater
• Promenade Theater
• Black Box Theater
• Studio Theater
Tanghalan o
Theater Space
Ano ba ang Theater Space?
a space where a performance takes place, in effect a large
machine in the form of a building that is specialized for presenting
performances.
Ano ang kahalagahan ng Sining Pantanghalan?
Mahalaga ang sining pantanghalan dahil nalilinang nito ang
komunikasyon at pakikihalubilo sa pagitan ng mga
estudyante/tagaganap, guro/director at mga tagapanood o
tagapagtangkilik. Nagkakaroon din ng malalim na pagtingin sa
mundo dahil na rin sa napapaisip at nagkakaroon ng repleksyon
ang mga tagaganap at tagapanuod base sa kanilang mga
natunghayan at ginanapan. Pinapahalagahan din sila ang kritikal
na fidbak sa paraan ng pagtanggap sa mga puna. May
tinatawag ding ‘creative expression’ o pagdiskubre sa sariling
kakayahan at boses.

Sinasabing karamihan sa mga nasa teatro ay introvert, dahil dito


mas naipakikilala at naipakikita nila ang kanilang galing. Karaniwan
pang kinakakakitaan sila ng pagiging lider base sa kanilang mga
nagagawa. Kasabay ng mga ito ang sining pantanghalan ay
nangngailangan nang malawak na imahinasyon mula sa
pagbubuo hanggng sa mismong produkto.
Talakayin

TEATROlympics
• Ang mga mag-aaral ay igrugrupo sa tatlo.
• Bawat grupo ay kailangang makabuo ng isang maikling play
o script.
• Pagkatapos nito ay kailangan nilang bumuo ng konseptong
papel patungkol sa kanilang gagawing play o pagtatanghal.

• Pamantayan ng Pagganap:
Kaangkupan ng tema 25%
Pagkamalikhain 25%
Nilalaman 25%
Orihinalidad 25%
Kabuoan 100%

Palalimin

Who wants to be a Millionaire?

• Ang guro ay maghahanda ng isang game show sa mga


mag-aaral. Sa bawat yugot ng gameshow ay bubunot ang
guro ng pangalan ng mag-aaral na uupo at sasagot ng
tanong ng guro.
• Ang bawat mag-aaral na makakakuha ng tamang sagot
ang siyang makakakuha ng puntos.
• Ang mga tanong na inihanda ng guro ay nagmula sa
kanyang ginawang pagtatalakay.
Dalumatin

PAGSALASIKSIK
Magsasaliksik ng mga datos at impormasyon hinggil sa lohika ng
pagkakatatag ng wikang Pambansa. Bumuo ng isang pahinang posisyong
papel hinggil rito at isang papel na naglalaman ng mga sanggunian ng
papel. Ang gawain ay mamarkahan ng sumusunod na pamantayan.

Orihinalidad 25%
Nilalaman 25%
Gamit ng Wika 20%
Estilo 15%
Kalinawan at Kaayusan 15%
Kabuoan 100%

Lagumin

Bintana ng Karunungan
Gamit ang grapikong pantulong na bintana ay ilahad ang mga
hinihinging mga ideya o konsepto hinggil sa araling naitalakay.

Bentahe ng Kahinaan ng
talakayan Talakayan

Opportunidad ng Mungkahi/
talakayan Rekomendasyon
ARALIN 3: PAGKILALA BILANG LIKHA NG SINING

ALAMIN

Pamagat ng Gawain: MASID-TINDIG-PANIG


Panuto:
Magpapanuod ang guro ng isang maikling documentary film
tungkol sa mga katutubo. Mula sa pagpapanuod ay magtatanong
ang guro ng ilang mga mahahalagang tanong.
Gabay na Tanong:
Anong masasabi mo sa iyong napanuod?
Bakit mahalaga ang pagbibigay ng importansya sa mga katutubo?
Paano mo sila matutulungan?
Naniniwala ka ba na may kakayahan ang pagsusulat para
maisaboses mo ang kanilang mga kahilingan?

UNAWAIN

Kahulugan
Akdang pasalaysay ukol sa mga kawili-kawili pangyayari sa
buhay ng isang tauhan. (Morong et, al. 2005)

Ayon kay Edgar Allan Poe, Ito ay isang akdang pampanitikan


likha ng guni-guni at ngunang-isip na hango sa isang tunay na
pangyayari sa buhay.
Uri ng Maikiling Kwento
KWENTO NG TAUHAN
Inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng
mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng
kabuoan ang pag-unawa sa kanila ng isang
mambabasa.

KWENTO NG KABABALAGHAN
Sa pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapani-
paniwala.

KWENTONG BAYAN
Nilalahad ang mga kwentong pinag-uusapan sa
kasalukuyan ng buong bayan.

KWENTO NG MADULANG PANGYAYARI


Binibigyang-diin ang kapana-panabik at
mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o
nakapagpapabago sa tauhan.

KWENTO NG PAKIKIPAGSAPALARAN
Nasa balangkas ng pangyayari ang interes. Ang
pagkawili ay nasa balangkas sa halip na sa mga
tauhan.
KWENTO NG KATATAWANAN
Nagbibigay ng aliw at saya sa mambabasa
Elemento ng Maikiling
Kwento
TAUHAN
Likha ng mga manunulat ang kanyang mga
tauhan. May pangunahing tauhan kung
kanino nakasentro ang mga pangyayari at
mga pantulong na tauhan

TAUHAN
Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't
ibang lugar, sa iba't ibang panahon kung saan at
kailan nagaganap ang mga pangyayari.

SAGLIT NA KASIGLAHAN
Inihahanda sa bahaging ito ang mga
mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na
darating sa buhay ng mga tauhan

SULIRANIN O TUNGGALIAN
Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing
tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang
tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan,
Tao laban sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan.
Elemento ng Maikiling
Kwento
KASUKDULAN
Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan.
Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang
mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y
mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng
suliranin.

KAKALASAN

Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod


ito agad sa kasukdulan.

WAKAS
Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang
tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng
layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan.
Tinatawag na melodrama kapag may malungkot
na sangkap subalit nagtatapos naman nang
kasiya-siya para sa mabubuting tauhan.
Ano ang Pagsasatao?
Ito ay ang panggagaya o pangongopya ng kilos, boses at pisikal
na itsura ng isang tao.

Maaari ding gayahin ang mannerism ng isang tao

Kadalasang mga komedyante ang mahilig sa pangagaya o


pangongopya sa kilos o boses ng mga sikat na tao.

Katuturan ng Pagsasatao
Madebelop o mapataas ang PAGSUSURI ng mag-aaral

Dahil bago pa man maisatao ang isang particular na tao o


karakter kinakailangan na suriin muna ang kilos o galaw,
pananamit at pananalita nito.

Maariong gamiting ESTRATEHIYA


Sa tulong ng pagsasatao mas maiintindihan at mas makikilala ng
mga mag-aaral ang mga katauhan sa kanilang mga binabasang
akda o teksto.

Mapalabas ang TALENTO ng mag-aaral


Hindi lahat ng mag-paaral ay mahusay sa pang-akademikong
gawain. Kung kaya sa tulong ng mga aktibidad tulad ng
pagsasatao makikita ang mga talent ng mga mag-aaral.
Bakit isinasagawa ang
pagsasatao?
Pang-aliw
Paglinang sa pagiging malikhain ng isang bata.

Sino ang maaaring gayahin?


Paggaya ng nanay/tatay/ate/kuya sa bahay at ang mga gawi nila
Mga tauhan sa isang kwentong pambata

Mga Halimbawa:
Voice Impersonation (Panggagaya sa boses)
Human Impersonation (Panggagaya sa boses, galaw at
pananamit)

Madulang Pagbasa
DULA- Ito ay masining na paglalarawan sa isang panitikan na
ginaganap sa tanghalan.
KAHULUGAN:
Masining na pagpapakahulugan o interpretasyon sa anomang
anyo ng panitikan.

Matimbang at maindayog na pangkatang tinig na


nagpapahayag ng isang uri ng kaisipang masining at
madamdamin.
TEMA O PAKSA
Pabula
Kalikasan
Alamat
Nasyunalismo
Pamilya
Mga dapat isaalang-alang sa
Madulang pagbasa
Kaisahan ng tinig- dapat na may kaisahan ng isip ang mga
bumabasa sa isang madulang pagbasa upang maihayag nang
maayos at malinaw ang mensahe ng binabasa.

Kaayusan ng Pangkat- sa isang madulang pagbasa dapat na


maayos ang lagay ng pangkat ng mga babasa upang
magkaroon ng kaisahan ang pagbabasa.

Koreograpiya- tulad din ito ng kaayusan at kaisahan ng pangkat


ng mga babasa.

Ekspresyon ng Mukha- sa isang dula dapat na isaalang-alang


ang ekspresyon ng mukha upang maramdaman ng mga
manunuod ang damdaming nakapaloob sa panitikang binabasa.

Kalinawan ng Boses- mahalaga rin ang kalinawan ng mga


mambabasa at lakas ng boses upang malinaw ang dating mga
salita sa panitkang binabasa

Ano ang Dula?


Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na
maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo
sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang
paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
KASAYSAYAN NG DULANG PILIPINO
Bago natin talakayin ang kasaysayan ng dulang Pilipino, makabubuti
sigurong alamin muna natin ang kahulugan ng dula o drama. Ito ay
nag- ugat sa salitang Griyego na ayon sa diksyonaryo, ang ibig
sabihin ay pampanitikang komposisyon na nagkukuwento sa
pamamagitan ng wika at galaw ng mga aktor. Ayon sa mga
mananalaysay, ang dula o drama ay maaaring ipaliwanag sa
dalawang paraan.

Sa isang dako, ang tunay na drama ayon kay Sebastian ay


nagsimula noong mga unang taon ng pangungupkop ng mga
Amerikano. Idinagdag pa ni Tiongson na ang drama ay binubuo ng
tanghalan, ibat-ibang kasuotan, skripto, “characterization”, at
“internal conflict.” Ito ang pangunahing sangkap ng tunay na drama
ayon sa banyagang kahulugan. Sa kabilang dako, ayon sa mga
aklat, ang drama ay drama kahit wala ang mga sangkap na
nabanggit. Ito ang dramang Pilipino. Ayon pa rin kay Tiongson,
memises ang pangunahing sangkap ng dulang Pilipino. Memises ay
ang pagbibigay buhay ng aktor sa mga pang-araw-araw na
pangyayari sa buhay ng mga Pilipino. Ito rin ang malaking
pagkakaiba ng banyaga sa Pilipinong dula.

Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula, ang mga pangarap ng


bansa. Dito ipinapakita ang mga katutubong kultura, paniniwala, at
tradisyon. Ikinukuwento rin ang paghihirap at pagpupunyagi sa
buhay ng mga katutubong Pilipino. Dito rin mamamalas ang ibat-
ibang anyo ng kanilang pamahalaan at uri ng lipunan.
Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas
malawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng
kasagutan sa mga pangangailangan ng mga Pilipino. Higit sa lahat,
ito’y nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng mga mamamayang
Pilipino.

Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga


katututbong Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang
mananakop. Ayon kay Casanova, ang mga katutubo’y likas na
mahiligin sa mga awit, sayaw at tula na siyang pinag-ugatan ng
mga unang anyo ng dula. Ang mga unang awitin ay nasa anyo ng
tula.
Mga Katutubong Mga Dula sa Dula sa Panahon
Dula Panahon ng Kastila ng mga
Amerikano
Bikal at Balak Moro-Moro Sarsuwela
Karilyo Senakulo Dula sa
Bayok at Karagatan Makabagong
Embayoka Duplo Panahon
Kasayatan Salubong Dulang
Dallot Paglakad ng Pantanghalan na
Pamanhikan Estrella at ng may iba’t ibang
Dung-aw Birhen tema
Hugas Kalawang Pinetencia Dulang Musikal
Dalling-Daling Carillo
Puteje
Juego de Prenda
Bulaklakan
Pananapatan
Moriones
Dalit Alay (Flores
de Mayo)
Pangangaluluwa
Panunuluyan
Tibag
Santakrusan
Papuri/Putong

Ayon sa mga manunulat, ang matatawag na tunay na uri ng dula ay


nagsisimula sa mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano.
Bagaman may mga dulang napanood at pinaglibangan ang mga
katutubong Pilipino bago sumapit ang panahong ito, ang mga tunay
na dulang sinasabing nagtataglay ng pinakamalalim na pangarap
ng isang bansa, naglalarawan ng sariling kaugalian, naglalahad ng
buhay ng katutubong tulad ng nasa lona at nagpapakilala ng
papupunyagi ng mga tao ng isang bayan upang mabuhay, ay wala
noon.
Ang pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas nagbigay panibagong
sangkap sa mga katutubong dula. Ang mga dulang kagaya ng
komedya ay kinasangkapan ng mga Kastila upang mapalaganap
ang Katolisismo sa kapuluan.
Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas.
Bahagi na ito ng ating tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay ng
katauhan sa mga Pilipino. Sa paglipas ng mga taon, nagbabago
ang anyo ng mga dulang Pilipino. Ngunit iisa ang layunin ng mga
mandudula: ang aliwin ang mga mamamayang Pilipino at higit sa
lahat, bigyang buhay ang mga pangyayari sa buhay Pilipino.
Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na
dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang
at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na
sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.

Sangkap ng dula
Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga
pangyayaring isinaad sa dula
Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan
umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng
dayalogo at nagpapadama sa dula
Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang
walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala
itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula
na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit
na isang suliranin ang isang dula
Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan
sa suliraning nararanasan
Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga
tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa
kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong
na tunggalian ang isang dula
Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng
tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o
pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang
tunggalian
Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin
at pag-ayos sa mga tunggalian
Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos
ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring
magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng
mga manonood

ELEMENTO NG DULA
Iskrip o nakasulat na dula/Banghay (Plot) – ito ang pinakakaluluwa
ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay
naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip. Sa iskrip
nakikita ang banghay ng isang dula. Ito ay ang pagkakasunud-
sunod ng mga pangyayari at sitwasyon sa pamamagitan ng mga
karakter (aktor) na gumagalaw sa tanghalan.

Gumaganap o aktor/ Karakter – ang mga aktor o gumaganap ang


nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng
dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang
pinanonood na tauhan sa dula. Ang mga kumikilos at nagbibigay-
buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga
tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula.
ELEMENTO NG DULA
Dayalogo – ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang
sandata upang maipakita at maipadama ang mga emosyon.
Nagiging mas maganda at makapangyarihan ang dula kung may
mga malalakas at nakatatagos na mga linyang binibitiwan ng mga
aktor.
Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng
isang dula ay tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa
kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na
pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase.
Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa
isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa
itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan
ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa
interpretasyon ng direktor sa iskrip
Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang
pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito
maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at
kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o
makanood.
TEMA – ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga
manonood ang palabas base na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi
ng mga sitwasyon at pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at
pag-aarte ng mga aktor sa tanghalan. Naililitaw ang tunay na
emosyon ng mga aktor sa tulong ng paglinaw ng tema ng dula.
Eksena at tagpo
Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan
samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t ibang
tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.
Talakayin

UGNAY-SALITA
• Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng konsepto at
kailangan nila itong mapagugnay-ugnay gamit ang mga
metacards. Kinakilangan ay makabuo sila ng maikling lagom
patungkol sa pakasang tinalakay ng guro.
Madulang Susing Konsepto
pagbasa
1. Madulang Pagbasa
2. Dula
Pagsasatao DULA 3. Teatro
4. Tanghalan
5. Pagsasatao

Tanghalan Teatro

Palalimin

Pag-ugnayin ang dalawang konseptong ito sa isang


SUSING-SALITA
pangungusap.

Karanasan Kaalaman

Pagpapamulat
Pagtatanghal
Dalumatin

SININGFAIR
Ang klase ay papangkatin sa tatlo hanggang apat na grupo. Ang bawat
pangkat ay pipili ng isang disiplina na kanilang bibigyang pansin at itatampok.
(Hal. Pagsasatao, Madulang Pagbasa) ang napiling disiplina ay kanilang
igagawa ng booth na kung saan ay naglalaman ng mga info-poster at mga
gawaing itatampok na may kaugnayan sa sining pantanghalan.

Kaalaman 25%
Kaisahan 25%
Kapangyarihan 25%
Kahandaan 25%
Kabuoan 100%

Lagumin

TEKSTOKONTEKSTO
Gamit ang grapikong pantulong ay ilahad ang mga natutuhang
konsepto, ideya o halagahin gamit ang dalawang konsepto: teksto at
Konteksto. Kinakailangang matalakay ang tekstuwal na pagsusuri at
konstekstong aspeto o implikasyon ng talakayan o aralin sa klase.

TEKSTO KONTEKSTO

You might also like