ILOCOS NORTE, ILOCOS SUR, LA UNION, PANGASINAN KALAGAYAN PANGKAPALIGIRAN: MGA TAO AT KULTURA Ang Ilokano ay matatagpuan sa hilagang kanlurang bahagi ng luzon. Sa kanluran matatagpuan ang dagat tsina na siyang pangunahing kabuhayan ng mga tao. Ang lupain ay tigang at mabato kaya hindi matamnan. Sa pananakop ng mga Kastila ay nahahati ang mamamayan sa mayaman at mahirap. Sa pagdating ng mga Amerikano Ingles naman ang pinagamit kaya ang mga makatang Pilipino ay nabusalan ang bibig at napako ang isip. Ito ang dahilan ng pagtamlay ng panitikan ng lahi. PANITIKAN SA ILOCOS Ang mga taong nakatira sa bayan na ito ay matatagpuan sa maliit na baybayin na “loo”. Ang unlaping “I” nangangahulugang “mula sa” o “iloy”. Nagmula sa “loko” na ang ibig sabihin ay “bayam sa bayatagam” at dinagdagan na lamang ng “I”. Nagmula sa tagalog na “iloc”. ILOKANO Tawag sa lipi ng naninirahan sa lugar. SAMTOY Taguri ng mga ilokano sa kanilang salita Mula sa salitang “Saomi datoy” Isang Austronesian KURDITAN Ang tawag sa kanilang panitikan Kurdit“ “sumulat” Iba’t Ibang Anyong Pampanitikang Iloko: a. Bartia- katumbas ng bugtong b. Pagsasao- katumbas ng salawikain c. Arasaas- katumbas ng bulong d. Badeng- lumang awitin ng pag-ibig e. Dallot- isang uri ng pagtatalo ng lalaki at babai at sinasaliwan ng tulali, isang uri ng plautang Iloko. f. Dung-aw- panaghoy para sa isang namatay g. Epiko- mahabang tulang pasalaysay sa isang kabayanihan di kapani-paniwala h. Mito- naglalaman ito ng buhay ng kanilang Bathala at mga anito. Sa kabila ng yaman ng kanilang tradisyon ay nagbago pa rin ang kanilang panitikan dahilsa impluwensya ng mga banyaga. Kaya noong ika-19 ng siglo lumitaw ang kilalang makatang Leona Florentino, ang itinuturing na pambansang makatang babae. Si Leon Pichay ang kinikilaang makata noong ika- 20 siglo. Nakasulat siya ng 400 tula bukod sa tula at nobela. Lumitaw rin sa panahong ito ang tinatawag na Bukanegan, na hango kay Pedro Bukaneg n katumbas ni Francisco Balagtas sa tagalog. Noong 1872, lumitaw si Matilde de Sinapangan ni P. Rufino Redondo, ang kauna-unahang nobelang Iloko. Umunlad lalo ang nobelang ito ng iloko nang ilathala ang “Bannawag”, ang katumbas ng liwayaway sa tagalog. Bago sumiklab ang ikalawang digmaaang pandaigdig ay nakilala ang isang manunulat, at guro, sa katauhan ni Juan C. Laya. Kaunaunahan siyang nakamit ng unang gantimpalang Commonwealth sa pagsulat ng nobelang pinamamagatang “ His Native Soil” noong 1940. ang kanyang ikalawang nobela ay “This Barangay” noong 1950. noong 1951, nakamit ni Carlos P. Romulo ang pulitzer prize, isang gantimpalang pinagkakaloob ng Amerika sa mga mahuhusay na mananalaysay. Sarita ang tawag sa maikling kwento sa iloko. Ang unang sarita ay Ti Langit Inamatayo (ang langit ng pag-asa) na isinulat ni Isabelo delos Reyes. Nang matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig, biglang sumilag ang mga kwentista. Sa pagitan ng 1948 at 1952 may 900 na mga kwento ang napalimbag s mga peryodikong ang tema ay digmaan, gawain ng mga gerilya, kabuhayan, pagpatay at pagmamalupit ng mga Hapones. MGA MANUNULAT NG LITERATURA NG ILOKO
1. Pedro Bukaneg- ang kinikilalang ama ng panitikang Iloko at
ipinapalagay na siyang Francisco Balagtasang Iloko, wala gaanong tala kay Bukaneg. 2. Leonna Florentino- itinuturing na unang makatang babaeng Pilipino at butihing ina ni Isabela delos Reyes. 3. Carlos Bulosan- mula sa Binaloan Pangasinan at matagal nanirahan sa Estados Unidos. 4. Jose Bragado- ipinanganak sa Ilocos Sur at pangulo ng “gumil” Gunglo Dagiti Mannurat ng mga Ilokano (1968). Tanyag na manunulat ng Ilocos Sur at pangalawa kay Pedro Bukaneg. 5. Gregorio Amaco- mula sa Vigan, Ilocos Sur, mga sinulat ay ang mga sumusunod: Dimo Kom BirukenTi Kaasida o “ Do not look for their mercy” Talira o “ peace” , Buhon “well”, naging editor ng Philippine journal at gumawa ng apat na aklat sa practical arts. 6. Zosimo Barnachea- isinilang sa Tagudin, Ilocos Sur at aktibong miyembro ng gumil. Nagtamo siya ng unang gantimpala sa pagsulat ng maikling kwento. 7. Jose Calip- ipinanganak sa cardo, ilocos Sur, sinulat niya ang Pilipino folklore o mga alamat ng Pilipino. 8. Mario Abalos- isinilang sa vigan, ilocos Sur, nakasulat siya ng pitong nobela at sampung dula tulad ng ibam at rosas. MGA AWITING BAYAN Pamulinawen Manang biday- ilokano Ti ayat ti maysa nga ubing Barberya- la union Naipay a namnama Universo ti taengna BUGTONG