Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Ang Zarzuela at

Walang Sugat
ni :Evelyn R. Manahan
Icehs Sta. Filomena, Iligan City
•Severino Reyes, kilala
bilang Lola Basyang
•itinuturing na Ama
ng Sarsuwela.
•Isa siyang mahusay
na direktor at
manunulat ng dula.
•Ang sumulat ng
dulang Walang Sugat
Ano ba ang Zarzuela?

• Sa Espanya at Latin Amerika , ito ang bersyon


nila ng operetta

•Ito ay isang anyo ng dulang musikal na unang


umunlad sa España noong ika-17 siglo. Binubuo ito
ng mga pagsasalaysay na sinamahan ng mga sayaw at
tugtugin at may paksang mitolohikal at kabayanihan.
Hinango ang taguring Sarsuwela sa maharlikang
palasyo
•Popular na Zarzuela sa Pilipinas ang Walang Sugat ni
Severino Reyes.
Walang Sugat
Pagkakalarawan:

Ang Walang Sugat ay naisulat nang ang zarzuela ay


naging mabisang daan upang maipahayag ng mga
Pilipino ang kanilang pagka makabayan .

Ang sarsuwela bagamat ipinakilala noong panahon


ng Español ay namulaklak noong Panahon ng
Himagsikan at ng Amerikano
Walang Sugat
Banghay:

Tampok sa dula ang pag-iibigan nina Tenyong at Julia.


Si Tenyong at Julia ay magkasintahan . Kumaharap ng
matinding pagsubok ang kanilang pag-iibigan nang
maaresto ang tatay ni Tenyong dahil sa mga pagkilos
nito laban sa mga prayleng Kastila.
Walang Sugat
Banghay:

Ang tatay ni Tenyong ay tinortyur nang matindi at


nasa bingit na nang kamatayan nang abutan ni
Tenyong at ng kanyang ina. Sa pagkamatay ng
kanyang ama, si Tenyong ay nagpasyang sumama sa
armadong pakikibakang inilulunsad ng Katipunan.
Dito sila nagkahiwalay ni Julia.
Walang Sugat
Banghay:

Sa kanilang matagal na pagkawalay ay pinuwersa si


Julia na ikasal sa ilustradong si Don Miguel. Bago ang
nakatakdang kasal, pinahanap ni Julia si Tenyong sa
dating alalay nito na si Lucas. Nahanap ni Lucas si
Tenyong sa kampo ng mga rebelde at naipaabot ang
masamang balita ng pwersahang pagpapakasal ni
Julia kay Don Miguel.
Walang Sugat
Banghay:

Pero bago pa man makatugon si Tenyong sa liham ni


Julia, sinalakay ng mga Kastila ang kampo ng mga
Katipunero. Nagkahiwalay si Lucas at Tenyong sa
gitna ng labanan. Nakatanggap ng liham si Julia mula
sa isang heneral na malubhang nasugatan at
nawawala ang batang Kapitan na si Tenyong.
Walang Sugat
Banghay:

Dumating na ang nakatakdang araw ng kasal at


napilitan na rin si Julia na pumayag, sa pag-akalang
patay na si Tenyong at sa kagustuhang hindi
mapahiya ang kanyang ina. Engrandeng selebrasyon
ang magaganap at nakatipon ang buong bayan. Pero
bago mairaos ang seremonya, dumating si Lucas na
may balitang nakita na si Tenyong pero agaw-buhay
itong nakaratay sa katre.
Walang Sugat
Banghay:

Dinala si Tenyong sa pinagdausan ng kasal ni Julia. Sa


muling pagtatagpo ng magkasintahang sawi, hiniling
ni Tenyong sa pari na, yaman din lamang na
mamamatay na siya, ikasal na sila ni Julia. Sa
pagkamatay daw ni Tenyong, maaari nang pakasalan
ni Julia si Miguel. Dahil mukhang matutuluyan na nga
si Tenyong, pumayag na rin si Miguel sa kakaibang
dying wish na Tenyong.
Walang Sugat
Wakas:

Kinasal si Tenyong at Julia ng paring Kastila. Matapos


ang seremonya ng kasal, biglang tumayo si
Tenyong, at lahat ay napamanghang sumigaw;
“Walang sugat! Walang sugat!”.
Walang Sugat
Wakas:

Kinasal si Tenyong at Julia ng paring Kastila. Matapos


ang seremonya ng kasal, biglang tumayo si
Tenyong, at lahat ay napamanghang sumigaw;
“Walang sugat! Walang sugat!”.
Walang Sugat
Kaisipan:

Tampok ang tema ng Walang Sugat, tapat na


pagmamahalan nina Tenyong at Julia sa gitna ng
digmaan, sakripisyo, pagkawalay si Tenyong na
kailangan lumayo upang makipaglaban sa mga
mananakop na Kastila., at kontradiksyon ng
indibidwal sa pamilya tulad ni Julia na ipinagkasundo
ng kanyang ina kay Miguel.
Tampok din dito ang pagmamahal sa bayan at sa
pamilya.
Sanggunian
K to 12 Grade 8 Gabay ng Guro

Mula sa kompaylasyon ni Binibining Jobelle F. Tecson .


http://natoreyes.wordpress.com/2012/09/14/rebyu-walang-sugat-pero-
malalim-ang-tama/

You might also like