Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Tekstong Informatib

Ito ay nagbibigay ng mga impormasyong


nakapagpapalawak ng kaalaman ay nagbibigay
liwanag sa mga paksang inilalahad upang
mapawi nang lubos ang pag-aalinlangan.
Ito ay nagbibigay kaalaman o nagbabahagi ng
mahahalagang impormasyon tungkol sa
paksang tinalakay.
Paglalahad ng mga impormasyon o datos na
nakatutulong sa paglilinaw ng mga konsepto
upang mapawai ang pag-aagam-agam tungkol
sa isang bagay
Nagbibigay-impormasyon at tiyak na
detalye para sa kabatiran ng mga
mambabasa.
Ito ay nagtataglay ng mahahalaga at tiyak
ng impormasyon tungkol sa mga
tao,bagay,lugar,at pangyayari.Kalimitan
itong tumutugon sa mga tanong na
Ano,Sino, at Paano.
Bahagi
Pamagat
Panimula (Panimulang Pangungusap)
Katawan (Kabuuang nilalaman ng
teksto)
Pangwakas
Halimbawa:
( Ang mga Produkto ng Pilipinas)
Mapalad ang bansang Pilipinas sapagka’t
pinagkalooban ito ng Manlilikha ng mayama’t
masaganang lupain.
Isang bansang agrikultural ang Pilipinas.
Nangangahulugang walumpung bahagdan ng mga
Pilipino ay nabubuhay at umaasa sa pagsasaka. Bigas
ang pangunahing pagkain ng mga tao subali’t
mayroon ding mais na ipinanghalili bilang kanilang
pangunahing pagkain. Gitnang Bisaya,Mindanao at
Lambak ng Cagayan ang pangunahing tagaprodyus
ng mais. Itinuturing namang Kaban ng Bigas ng
Pilipinas ang Gitnang Kapatagan
sapagka’t dito nagmumula ang pinakamarami’t
pinakamalaking ani ng bigas sa buong bansa.
Maliban sa bigas at mais,marami ring tanim na
puno ng niyog sa bansa. Ito ang dahilan kung bakit
nangunguna ang Pilipinas sa pagluluwas ng kopra at
langis.Kabilang din sa mga iniluluwas ang
produktong abaka,tabajo,asukal at iba’t ibang prutas
gaya ng pinya,mangga,saging,at marami pang iba.
Hindi ba’t dapat ipagpasalamat ang mga biyayang
ito na handog ng Diyos?
Tanong:
1.Anong uri ang tekstong binasa?Patunayan sa
pamamagitan ng halimbawang
pangungusap.
2.Paano sinimulan,winakasan at inilahad ang
mga impormasyon sa teksto?
Ang Lalawigan ng Iloilo
Ang Lalawigan ng Iloilo ay matatagpuan sa timog-
silangang bahagi ng Islang Panay. Ito
ay kabilang sa rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan.
Napaliligiran ito ng mga lalawigan ng Capiz
sa hilaga, ng Antique sa kanluran, ng Dagat Kabisayaan
at Kipot Guimaras sa silangan, at Golpo
ng Panay at Kipot ng Iloilo sa timog.
Pinaniniwalaang binili ng 10 datu mula sa Borneo ang
isla ng Panay sa pinuno ng mga
Negrito na si Marikudo noong 1212. Isang gintong
salakot at gintong kwintas ang ipinambayad
ng mga datu.
Napunta kay Datu Paiburong ang teritoryo ng
Irong-irong. Nang dumating ang mga
Espanyol, nagtayo sila ng pamayanan sa
Ogtong (Oton ngayon). Itinatag ng mga
mananakop na
Espanyol ang Fuerza San Pedro sa Irong-Irong.
Ang mga Espanyol rin ang nagbigay ng
pangalang Iloilo sa lungsod. Ito na rin ang
ipinangalan sa buong lalawigan. Itinatag
noong
Marso 10, 1917 ang Lalawigan ng Iloilo.
Ang Iloilo ay isa sa mga pangunahing pinagmumulan
ng bigas sa Pilipinas. Bukod sa
bigas, ang ilan pa sa mga pangunahing produkto na
nagmumula rito ay tubo, niyog, mais, saging,
mangga, kape, at iba pang lamang-ugat na halaman.
Ang pangisngisda ay isa ring mahalagang
pinagkakakitaan ng mga taga-Iloilo. Ang mga
bangus at hipon ay pinagmumulan ng malaking kitang
dolyar ng lalawihan.
Kilala naman ang abayan ng La Paz dahil sa masarap na
batsoy.
Tanong:
1.Anu-anong impormasyon ang laman ng tekstong iyong
binasa?
2.Saan matatagpuan ang Lalawigan ng Iloilo?
3.Anu-ano ang mga paniniwala ukol sa Lalawigan ng
Iloilo?
4.Ano ang ipinambabayad ng mga datu?
5.Kailan itinatag ang Lalawigan ng Iloilo?
6.Ibigay ang mga produktong nagmumula sa Iloilo?
7.Ano ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga taga-
iloilo?

You might also like