bansang matatagpuan sa Timog Asya. • Ito ay ang ikaapat na pinakamalaking bansa sa buong mundo ayon sa lawak ng teritoryo. KASAYSAYAN NG INDIA • Ang mga Harappan ay tinatayang isa sa mga naunang taong natutong gumawa ng telang yari sa bulak. Nagtanim sila ng palay at iba pang bungangkahoy at natutong mag-alaga ng mga hayop. Mga Imperyo ng India - Imperyong Indus - Imperyong Maurya (Pinaunlad nila ang pag-aaral sa agham, matematika, heograpiya, medisina, sining at panitikan.) - Imperyong Mogul • Nasakop ng Europe ang India ngunit dahil sa pagkilos ni Mahatma Gandhi ay nakalaya ang India noong 15 Agosto 1947. Si Mohandan Mahatma Gandhi ay kilala bilang ama ng bansang India. Siya ang politikal at espiritwal na pinuno sa ditto at ang tagapanguna at tagapagpaganap ng Satyagraha (pagpigil sa kalupitan). Mga Ambag ng India • Ang pinakaunang ambag ng India ay ang pagbibigay sa daigdig ng apat na relihiyon: – Hinduismo, –Budhismo, –Sikhismo, at –Jainismo. Hinduismo – nagmula sa salitang-ugat na Hindu na nangangahulugang India. Ito ang pangatlo sa pinakamalawak na relihiyon sa buong mundo. Ang pangunahing diyos ng Hinduismo ay si Brahma (ang Kaluluwa ng Daigdig).
Paniniwala: paglipat ng kaluluwa sa
panibagong buhay, o ang reincarnation. Budhismo - nangangahulugang ang landas o batas. Ito ay isang relihiyon o pilosopiya na nakatuon sa mga aral ni Siddhartha Gautama o mas kilala bilang Buddha.
Paniniwala: Ang taong may mabuting
budhi ay makararating sa mataas na antas ng kalagayang pang espirituwal o diwa ngtao. Sikhismo - relihiyong naniniwala sa isang Diyos lamang. Sikh- mananampalataya Guru Granth Sahib - banal na aklat. Paniniwala : walang hugis na diyos (Nirankar) at walang hang- gang diyos (Akal). Jainismo - isa sa mga matatandang relihiyon sa mundo na nagmula pa sa Antigong India. Ang nagtatag ng Hainismo ay si Vardhamana na kilala bilang Mahāvirā (599-527 B.C.) 5 panata ng mga Hain: 1. Ahimsa (kawalang-karahasan) Nagmamaskara sila para takpan ang bibig at ilong upang maiwasan ang di-kinukusang paglanghap sa maliliit na insekto. 2. Satya (katotohanan) 3. Asteya (katapatan) 4. Brahmacharya (kabirhenan) 5. Aparigraha (karalitaan) •Ang ikalawang ambag ng India ay ang pagpapaunlad ng pilosopiya ng India kaysa sa Kanluran. •Ang ikatlong ambag ng India ay pagpapaunlad ng panitikan. • unang pabula (Panchatantra) • unang dulang epiko (The Clay Cart ni Sudakra at Sakuntala ni Kalidasa) • Tulang epiko (Mahabharata at Ramayana) • dakilang pilosopikang tula ng daigdig (Bhagavad Gita). •Ang ikaapat nilang ambag ay sa larangan ng musika, sining, at arkitektura na kinikilala sa buong daigdig. KULTURANGINDIA •Ang pambansang wika ng India ay ang Hindi pero ang bilang ng wikang ginagamit ay malapit sa 400. • Gumagamit sila ng tatlong alpabeto: Ang Gurmukhi, Shahmuki, at ang Devanagari. • Marami tayong mga salita na nakuha sa kanila halimbawa na lamang ng guro, asawa, diwa, puri, wika, at budhi. •Ilan sa panitikang Pilipino ay impuwensiya galing sa India tulad ng: A. Darangan - Epiko ng Maranao B. Alamat ng Agusan na may pagkakatulad sa Ramayana. • Ang India ang pinaka malaking Islamic na bansa sa mundo. • Ang salitang "Bathala" ay galing sa salitang Bhattara Gura na ang ibig sabihin ay "highest of the gods“. • Mga Diyos na pinaniniwalaan ng mga taga India: 1. Brahma - ang manlilikha 2. Vishnu – ang tagapagpanatili 3. Shiva - ang nananalanta. KULTURANGINDIA • Ang pagkain nila ay kilala sa paggamit ng maraming "herbs and spices". Ang tanyag dito sa atin ay ang curry nila. • Marami sa kanila ay "vegetarian“ at ang ginagamit nila sa pagkain ang kanilang kamay o tinapay. • Ang damit ng India ay kilala sa makukulay na padron at disenyo nila. SARI (Babae) DHOTI (Lalaki) • Namaste – pinakatanyag na pagbati ng mga Hindu. Ito ay isinasagawa kapag bumabati o namamaalam.