Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 51

 Sa milyong impormasyon na makikita sa social

media, mahalaga ang matalas na pagtukoy ng


isang mambabasa kung ang impormasyong
nababasa ay tunay o huwad. Isang mahalagang
kakayahan sa pagbasa ang diskriminasyon ng
datos, kung saan tinutukoy kung makatotohanan o
hindi ang isang tiyak na impormasyon, o kaya ay
kung makabuluhan o hindi kailangang pagtuunan
ng pansin
 Ibahagi ang isang karanasan kung saan
pinaniniwalaan ang isang impormasyong
nabasa sa Facebook o Twitter ngunit kalaunan
ay natuklasang hindi naman pala totoo. I-
screen shot at i-print ang larawan, mensahe, o
paskil na nakuha sa anomang social media site
at idikit ito sa papel o notebook.
 Alalahanin ang isang pinakabagong
napakinggan, napanood, o nabasa, maging
ito man ay lokal, pambansa, o pandaigdig.
Isulat ang buod ng balita at ilagay ang
mahahalagang impormasyong naaalala sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa
talahanayan. Ibahagi ito sa klase.
 Paksa ng Balita: _______________________
Tanong Sagot
1. Ano ang nangyari?
2. Sino ang mga kasangkot?
3. Saan nangyari?
4. Kailang nangyari?
5. Paano nangyari?

Matutunghayan sa susunod na aralin ang anyo,


katangian, at kalikasan ng isang tekstong
impormatibo at iba’t ibang uri nito. Magbibigay
rin ito ng gabay sa mabisang pagbasa ng
tekstong nasa ganitong anyo.
TEKSTONG IMPORMATIBO: PARA SA IYONG
KAALAMAN
Ang tekstong impormatibo, na kung minsan ay tinatawag
ding ekspositori, ay isang anyo ng pagpapahayag na
naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon.
Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano,
kailan, saan, sino, at paano.
Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ang
magpaliwanag sa mga mambabasa ng anomang paksa na
matatagpuan sa tunay na daigdig.
Kaiba sa piksiyon, naglalahad ito ng kuwento ng mga tunay
na tao o nagpapaliwanag ng mga koseptong nakabatay sa
mga tunay na pangyayari.
 Ang ilang tiyak na halimbawa ng tekstong
impormatibo ay biyograpiya, mga
impormasyon na matatagpuan sa
diksyunaryo, encyclopedia, o almanac, papel-
pananaliksik sa mga journal, siyentipikong
ulat, at mga balita sa diyaryo.
 Mahalaga ang pagbabasa ng mga
tekstong nagbibigay ng impormasyon
sapagkat napauunlad nito ang iba pang
kasanayang pangwika gaya ng
pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng
mahahalagang detalye,
pakikipagtalakayan, pagsusuri, at
pagpapakahulugan ng impormasyon.
 Ayon kina Jeanne Chall, Vicki Jacobs, at Luke
Baldwin (1990) sa kanilang pananaliksik sa
“The Reading Crisis: Why Poor Children Fall
Behind,” ang kakulangan sa pagtuturo ng
mga tekstong impormatibo ay nagdudulot ng
pagbaba sa komprehensiyon o kakayahang
umunawa ng ganitong teksto ng mga mag-
aaral.
 Kapag hindi nasanay ang mga mag-aaral sa
pagkatuto mula sa mga impormatibong
teksto sa mga unang baitang ng
elementarya, itinatakda nito ang husay nila
sa pagbasa pagdating ng ikatlong baitang.
 Ipinakikita nitong mahalaga ang pagbasa
ng mga tekstong impormatibo sa maagang
edad pa lamang ng isang mag-aaral.
 Upang mas madaling maunawaan ang anomang
tekstong impormatibo, kadalasang gumagamit
ang manunulat ng iba’t ibang pantulong upang
gabayan ang mga mambabasa na mabilis na
hanapin ang iba’t ibang impormasyon.
 Kabilang dito ang talaan ng nilalaman, indeks, at
glosaryo para sa mahahalagang bokabularyo,
mga larawan at ilustrasyon, kapsyon, o iba pang
uri ng palatandaan para sa mga larawan, graph,
at talahanayan.
 Mahalaga ang katumpakan ng nilalaman at
mga dataos sa isang impormatibong teksto.
Bukod sa katumpakan, mahalaga rin na
napapanahon ito at makatutulong sa pag-
unawa tungkol sa isang mahalagang isyu o
usaping panlipunan.
 Upang masiguro ang katumpakan ng datos,
mahalagang sumangguni sa mga babasahin
at iba pang pagmumulan ng datos na
mapagkakatiwalaan.
 May iba’t ibang uri ng tekstong
impormatibo depende sa estruktura ng
paglalahad nito.
 Ang mga estrukturang ito ay sa
pamamagitan ng pagtalakay ng sanhi at
bunga, paghahambing, pagbibigay-
depsinisyon, at paglilista ng
klasipikasyon.
 Ito ay estruktura ng paglalahad na
nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng
mga pangyayari at kung paanong ang
kinalabasan ay naging resulta ng mga
naunang pangyayari.
 Sa uring ito, ipinaliliwanag ng manunulat ang
malinaw na relasyon sa dalawang bagay at
nagbibigay ng pokus sa kung bakit nangyari
ang mga bagay (sanhi) at ano ang resulta nito
(bunga)

You might also like