Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 44

PAGDIRIWANG

NG BANAL NA
MISA
Huwebes sa Ika-2
Linggo ng Apatnapung
Araw na Paghahanda
(Kuwaresma)
Pari: +Sa Ngalan ng
Ama, at ng Anak at ng
Espiritu Santo
Tugon: Amen
Pari: Sumainyo ang
Panginoon
Tugon: at sumaiyo rin
Pagsisisi
Inaamin ko
sa makapángyarihang Diyós,
at sa inyó, mga kapatíd,
na lubhâ akóng nagkasala
sa isip, sa salitâ, sa gawâ
at sa aking pagkukulang.
Pagsisisi
Kayâ isinasamo ko
sa mahál na Birheng Maria,
sa lahát ng mga anghél
at mga banál
at sa inyó, mga kapatíd,
na akó’y ipanalangin
sa Panginoóng ating Diyós.
Pagsisisi
Kayâ isinasamo ko
sa mahál na Birheng Maria,
sa lahát ng mga anghél
at mga banál
at sa inyó, mga kapatíd,
na akó’y ipanalangin
sa Panginoóng ating Diyós.
Pagsisisi
P: Panginoon, Maawa ka
T: Panginoon, Maawa ka
P: Kristo, Maawa ka
T: Kristo Maawa
P: Panginoon, Maawa ka
T: Panginoon, Maawa ka
P: Kaawaan tayo…
T: Amen
Gloria
Papurì sa Diyós sa kaitaasan
at sa lupa’y kapayapaan
sa mga taong kinalulugdán niyá.
Gloria
Pinupurì ka namin,
dinarangál ka namin,
sinasambá ka namin,
ipinagbubunyî ka namin,
pinasasalamatan ka namin
dahil sa dakilà mong angkíng
kapurihán.
Gloria
Panginoóng Diyós,
Harì ng langit,
Diyós Amáng makapangyarihan sa lahát.
Panginoóng Hesukristo,
Bugtóng na Anák,
Panginoóng Diyós,
Kordero ng Diyós,
Anák ng Amá.
Gloria
Ikáw na nag-aalís
ng mga kasalanan ng sanlibután,
maawà ka sa amin.
Ikáw na nag-aalís
ng mga kasalanan ng sanlibután,
tanggapín mo ang aming kahilingan.
Ikáw na naluluklók sa kanan ng Amá,
maawà ka sa amin.
Gloria
Sapagkát ikáw lamang ang banál,
ikáw lamang ang Panginoón,
ikáw lamang, O Hesukristo,
ang Kataás-taasan,
kasama ng Espíritu Santo
sa kadakilaan ng Diyós Amá.
Amen!
P: Manalangin Tayo…
T: Amen
Pagbasa

Jeremias 17: 5-10


L: Ang Salita ng Diyos
T: Salamat Sa Diyos
Salmong Tugunan
Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6
Tugon:
Mapalad ang umaasa sa
Panginoon tuwina.
Pambungad sa Mabuting Balita
Mapalad ang nag-iingat
sa kanyang pusong matapat
ng Salitang nagbubuhay
sa Poong D’yos ng liwanag,
sa t’yaga’y aaning ganap.
P: Sumainyo and Panginoon
T: At sumaiyo rin

P: Ang Mabuting Balita ng Panginoon


ayon kay San Lucas
T: Papuri sa’Yo Panginoon
Lucas 9: 16-31

Ang Parabula
ng Mayaman at
ng Pulubi
P: Ang Mabuting Balita ng
Panginoon
T: Pinupuri ka namin
Panginoong Hesukristo
Homiliya
Sumasampalataya
Sumásampalatayà akó
sa Diyós Amáng
makapangyárihan sa lahát,
Na may gawâ ng langit at lupà.
Sumásampalatayà akó
kay Hesúkristo,
iisáng Anák ng Diyós,
Panginoón nating lahát.
Sumasampalataya
Nagkatawáng-tao siyá,
Laláng ng Espíritú Santo,
Ipinanganák ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
Ipinakò sa krus,
Namatáy, inilibíng,
Nanaog sa kinaroroonan
ng mga yumao.
Nang may ikatlóng araw,
Nabuhay na magmulî.
Umakyát sa langit
Sumasampalataya
Naluklók sa kanan
ng Diyós Amáng
makapángyarihan sa lahát.
Doón magmúmuláng paririto
at huhukóm sa nangabubuhay
at nangamámatáy na tao.
Sumasampalataya
Sumásampalatayà namán akó
Sa Diyós Espíritú Santo,
Sa banál na simbahang Katólika,
Sa kasamahán ng mga banál,
Sa kapatawarán ng mga kasalanan,
Sa pagkabuhay na mulî
ng nangamatáy na tao
At sa buhay na walâng hanggán.
Amen.
Panalangin ng Bayan
Tugon:
Panginoon dinggin Mo ang
aming Panalangin
Pag-aalay
P: Manalangin kayo…
T:Tanggapín nawâ ng
Panginoón
itóng paghahain
sa iyóng mga kamáy
sa kapurihán niyá at
karangalan,
sa ating kapakinabangan
at sa buóng sambayanán
niyáng banál.
Prepasyo
Parì: Sumainyó ang Panginoón.
Bayan: At sumaiyó rin.
Parì: Itaás sa Diyós
ang inyóng pusò at diwà.
Bayan: Itinaás na namin sa Panginoón.
Parì: Pasalámatan natin
ang Panginoóng ating Diyós.
Bayan: Marapat na siyá ay pasalamatan.
Santo
Santo, santo, santo
Panginoong Diyos
Napupuno ang langit at lupa
Ng kadakilaan mo
Osana, osana, osana sa kaitaasan
Osana, osana, osana sa kaitaasan
Pinagpala ang napaparita sa ngalan ng
Panginoon
Osana, osana, osana sa kaitaasan
Osana, osana, osana sa kaitaasan
Ang Misteryo ng Pananampalataya
Sa Krus mo at pagkabuhay,
kamí’y natubós mong tunay,
Poóng Hesús naming mahál,
iligtás mo kamíng tanán
Poóng Hesús naming mahál,
ngayón at magpakailanmán.
P: Sa
pamamagitan
ni Kristo…
T: Amen
Sa pagkat sa’yo ang
kaharian,
kapangyarihan at
kapurihan ngayon at
magpakailanman,
ngayon at
magpakailanman
P: Ang kapayapaan ng
Panginoon ay laging
sumainyo
T: At sumaiyo rin
Kordero ng Diyos
na nagaalis ng
mga kasalanan
ng mundo
Maawa ka sa
amin, kordero
ng Diyos maawa
ka.
Kordero ng Diyos
na nagaalis ng
mga kasalanan
ng mundo
Ipagkaloob mo sa
amin ang
kapayapaan.
P: Narito ang Kordero ng
Diyos…
T: Panginoon, hindi ako
karapat dapat na
magpatuloy sa’yo.
Ngunit sa isang salita mo
lamang ay gagaling na ako.
P: Manalangin Tayo…
T: Amen
P: Sumainyo ang
Panginoon
T: at sumaiyo rin
P: at pagpalain
kayo ng
Panginoong ating
Diyos +Ama, at
anak, at Espiritu
Santo
T: Amen

You might also like