Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Paggawa ng Reaksiyong Papel

Batay sa Katangian at
Kabuluhan
Layunin

• Pagkatapos ng araling ito, dapat na natutukoy mo


ang mga katangian at kahalagahan ng paggawa ng
reaksiyong papel.
• Ano ang reaksyong papel?
• Ano-ano ang katangian nitong taglay?
• Ano ang kahalagahan nito sa mambabasa at
maging sa manunulat?
Reaksyong Papel

Ang pagsulat ng reaksyong papel ay bahagi na


ng mga gawain ng mga mag-aaral, sapagkat ito ay
isang mabisang gawain sa paglinang ng kanilang
kakayahang magsuri ng anumang mateyales gaya
ng teksto, pelikula, programang pantelebisyon, at
dulang pantanghalan.
Reaksyong Papel
• Masasabing ang reaksyong papel ay isang
paghahantad ng katotohanan, sapagkat
kailangang maging totoo sa pagbibigay ng
opinyon ukol sa sinuri.
• Basahin ang mga nakatala sa loob ng kahon
upang higit na maunawaan kung paano ang
pagsulat ng reaksyong papel.
Katangian ng Reaksyong Papel
Kahalagahan ng Reaksyong Papel
Pagsulat ng Reaksyong Papel

• Sa pagsulat ng reaksyong papel ay mahalagang


isaalang-alang ang sarili at ang mga maaaring
makabasa ng isinulat.
• Maaaring ang mismong pamilya, komunidad, bansa, at
maging ang daigdig ay maabot ng iyong isinulat, lalo pa
sa panahon ngayon na napakabilis ng teknolohiya.
Pagsulat ng Reaksyong Papel
Laging tandaan na ang bawat isa ay mayroong
responsibilidad sa sarili at sa kapwa, kung kaya sa
anumang pagsulat na maaaring mabasa ng iba ay
mahalagang taglay nito ang nararapat na katangian at
kahalagahan para sa mga mambabasa at maging sa
sarili nang sa gayon ay makapag-ambag ito ng kaalaman
at kamulatan sa karamihan.
Mga Paalala

• Sa pagsulat ng reaksyong papel ay siguraduhing


alam na alam ang nilalaman ng materyales na
susuriin.
• Bagaman naglalaman ng sariling opinyon ang
reaksyong papel, siguraduhing ang mga opinyon
ay balanseng mailahad sapagkat mayroon kang
responsibilidad sa mga mambabasa.
Mahahalagang Kaalaman
• Kailangan maging maingat at mabusisi sa
paggawa ng reaksyong papel.
• Ang pagiging makatotohanan at matapat ay
nakatutulong sa paggawa ng reaksyong papel.
• Siguraduhing makabuluhan at malaman ang mga
ideyang inilalahad sa pagsulat ng reaksyong
papel.
1. Ito ay maingat na pagsusuri sa isang nabasa o
napanood. Ano ito?

a)reaksyong papel
b)Sanaysay
c)Dyornal
d)editoryal
2. Ito ay isa sa mga katangiang dapat isaalang-
alang sa paggawa ng reaksyong papel na
sumusukat sa paninindigan ng mga pahayag ng
manunulat. Ano ito?

a)pagbibigay-diin
b)Malinaw
c)Tiyak
d)magkakaugnay
3. Ito ay isa sa mga katangian sa paggawa ng
reaksyong papel na tumatalakay sa tamang gamit
ng mga salita at wastong pagkakabuo ng mga
pahayag. Ano ito?

a)Magkakaugnay
b)pagbibigay-diin
c)Tiyak
d)malinaw
4.Inilahad ng estudyante ang kaniyang pagsusuri sa
pamamaraang paghahambing sa kalagayan ng lipunan
noon at ngayon.
• Alin sa sumusunod na kabuluhan ng paggawa ng reaksyong
papel ang angkop sa sitwasyon?
a)Nabibigyang katuwiran ang sariling reaksyon
b)Nakikita ang kalakasan at kahinaan ng akdang sinuri
c)Namumulat ang kaisipan sa mga nangyayari sa lipunan
d)Nakikilala ang sariling pagkatao at sariling kakayahan sa
pagbuo ng mga kaisipan
5.Maraming paraan para ipamukha sa manonood
ang idinudulot ng kahirapan, pero hindi sa ganitong
klase ng pelikula na higit pang padudukhain ang
moral at espirituwal ng isang taong aba na nga ang
kalagayan sa buhay.
• Anong katangian ng reaksyong papel ang
sumasalamin sa mga pahayag?
a)Malinaw
b)pagbibigay-diin
c)Magkakaugnay
d)tiyak
6.Hindi lamang sa Aurora at Quezon nagbalik ang
pamumutol ng kahoy, kundi pati na rin sa mga probinsiya ng
Samar. Alalahanin sana natin na ang pagbabalik ng
pagtotroso ay tiyak na pagbabalik-bangungot sa muling
pagragasa ng baha at putik mula sa mga bundok. Ang
bangungot na iyon ay hindi pa nalilimutan ng mga taga-
Aurora at Quezon.
• Anong katangian ng reaksyong papel ang sumasalamin sa
pahayag?
a)pagbibigay-diin
b)Tiyak
c)Malinaw
d)magkakaugnay
7. Matapat at walang paligoy-ligoy ang pelikula, ito ay
lantad sa kaniyang mga ideya at simbolismo. Saklaw nito
ang pagkatao sa kalahatan at partikular sa nasyonalismo.
Anong katangian ng reaksyong papel ang sumasalamin sa
inilahad na mga pahayag?
a)Tiyak
b)pagbibigay-diin
c)Malinaw
d)magkakaugnay
8.Totoo, ang paggawa at paglabas ng pelikula ay sakop
ng freedom of expression. Subalit ang karapatang ito ay
puwedeng ipagkait o kontrolin ng estado kung lalabag sa
pangkalahatang interes tulad ng public health o public
morals.
Alin sa sumusunod na kahalagahan ng reaksyong papel
ang hindi sumasalamin sa mga pahayag?
a)nakikilala ang sariling pagkatao at sariling kakayahan sa
pagbuo ng mga kaisipan
b)nakikita ang kalakasan at kahinaan ng akdang sinuri
c)nabibigyang katuwiran ang sariling reaksyon
d)namumulat ang kaisipan sa mga nangyayari sa lipunan
9. Ilang taon na ang nakaraan nang maalarma ang maraming
Pilipino ukol sa bagsik ng nakahahawang Acquired Immune
Deficiency Syndrome o AIDS. Ito ay makaraang ilan sa ating mga
kababayan ang dinapuan at namatay dahil sa nasabing viral
infection. Gayunpaman, binigyang-diin ng mga health expert sa
mundo ang mga pamamaraan sa pag-iwas sa sakit na ito.
Alin sa sumusunod na katangian ng reaksyong papel
ang hindi sumasalamin sa inilahad na pahayag?
a)Magkakaugnay
b)pagbibigay-diin
c)Malinaw
d)tiyak
10. Mula ito sa bahagi ng pagsusuri sa pelikulang “Sister Stella I: Isang
Pagsusuri”
Hindi nakaiinip ang takbo ng mga eksena, nanunuot sa utak ngunit
hindi nakababagot. Subalit mayroong mga eksenang napakadilim,
nakasisilaw at malabo ang iba.
Anong kahalagahan ng reaksyong papel ang sumasalamin sa
pahayag?

a)nakikita ang kalakasan at kahinaan ng akdang sinuri


b)nakikilala ang sariling pagkatao at sariling kakayahan sa pagbuo ng
mga kaisipan
c) namumulat ang kaisipan sa mga nangyayari sa lipunan
d)nabibigyang katuwiran ang sariling reaksyon

You might also like