Wala

You might also like

You are on page 1of 30

KABANATA 5

PAG-AARAL NG
MEDISINA
SA UNIBERSIDAD NG
SANTO
TOMAS
(1877-1882)

CYRILL MICO C. DE GUZMAN


1-BEED
ANG OPOSISYON NG INA
SA MATAAS NA PINAG-ARALAN

Si Don Francisco at Paciano ay parehong


gusto na makapag aral si Rizal sa UST. Ngunit
ang ina na si Donya Teodora ay tutol dahil
naaalala niya ang nangyari sa GOMBURZA
kung kaya’t pinakiusapan ni Don Francisco si
Paciano na samahan ang kapatid sa
Maynila. Si RizAL ay nagulat sa pagtutol ng
ina sapagkat alam niya ang
pagpapahalaga nito sa edukasyon.
”Kinutuban na kaya noon
ang aking ina sa kahihinatnan ko ?
Lagi nga kayang batid ng ina
ang mangyayari sa anak?
PUMASOK SI RIZAL
SA
UNIBERSIDAD

Noong Abril 1887,


Maglalabing anim na taong gulang si Rizal
siya ay nagmatrikula UST
sa kursong pilosopiya at sulat dahil:

1.Ito ang gusto ng kanyang Ama

2.“Hindi pa ako sigurado sa magiging karera


ko”
Sumulat siya at humingi ng tulong kay
Padre Pablo Ramon (Rektor Ng Ateneo).

Nasa Mindanao si Padre Pablo Ramon


kaya hindi ito agad napayuhan .

Kaya sa unang taon ay nag aral si Rizal ng


KOSMOLOHIYA, METAPISIKA, TEODISYA
at KASAYSAYAN NG PILOSOPIYA
Nang sumunod na taon (1878-1879)
Natanggap ni Rizal ang payo
ng Rektor ng Ateneo
Na MEDISINA ang mainam na kurso
para sa kanya.
Kaya noon di’y nag enrol siya sa mga
kursong paghahanda sa medisina.
Gusto din ito ni Rizal dahil nasi nitong
magamot ang pagkabulag ng Ina.
TINAPOS ANG KURSONG
PAGSASARBEY SA
ATENEO
(1878)

Noong unang taon niya sa


Unibersidad ng Santo Tomas(1877- 88),
Nag aral din si Rizal sa Ateneo
at kumuha ng kursong bokasyonal
at nagkamit ng titulong
“PERITO AGRIMENSOR”
o DALUBHASANG AGRIMENSOR
Noong panahon na iyon ang mga
kolehiyong panlalaki
ay may mga kursong bokasyunal
Sa
AGRIKULTURA, KOMERSYO, MEKANIKO
at PAGSASARBEY
Nanguna si Rizal sa lahat ng asignatura
ng Pagsasarbey at nagkamit
ng gintong medalya sa
AGRIKULTURA at TOPOGRAPIYA.
Sa edad na 17 ay di kaagad naigawad
sa kanya ang titulong
AGRIMENSOR
dahil wala pa siya sa tamang edad.
Naibigay ito noong
Nobyembre 25, 1881
Kahit Tomasino,
Madalas pa din itong
dumadalaw sa Ateneo
dahil sa mga
HESWITANG PROPESOR
na di tuladng Dominiko,
Ang Heswita ay ang siyang nagmahal,
nagbigay inspirasyon
at gumabay upang mapagbuti ang
kanyang pag - aaral
MGA PAG- IBIG NI RIZAL

Kahit abala si Rizal sa pag – aaral sa UST


at iba pang gawain sa Ateneo, May
oras pa rin ito para sa pag – ibig. Ang
malungkot na karanasan ay
nakatulong sa kanya upang maging
mas matalino sa larangan ng
pag – ibig.
1.‘Binibining L’

2.Leonor Valenzuela

3.Leonor Rivera
‘Binibining L’
Siya ay taga Calamba, Laguna.
Inilarawan siya ni Rizal na maganda at
may kahali – halinang mata. Ilang beses
siyang dinalaw ni Rizal sa kaniyang
bahay. Ngunit biglang inihinto ni Rizal
ang kanyang panliligaw at tuluyang
namatay ang pag – iibigan sa
kadahilanang…
1. Iniibig pa rin niya si Segunda

2. Hindi gusto ng kanyang ama


ang pamilya ni Binibining L
Leonor Valenzuela

Nang ikalawang taon niya sa UST ay


nakilala niya si Leonor Valenzuela na
kapitbahay ng kanyang tinutuluyan na si
Donya Concha Leyva. Si Leonor ay anak
ni KAPITAN JUAN at KAPITANA SANDAY
VALENZUELA.
Sila ay nagpalitan ng sulat at upang
di malaman na sila ay may
ugnayan, Tinuruan ni Rizal si Leonor
sa pagsulat ng tintang hindi
nakikita. Hindi rin nagtagal ang
kanilang pag – iibigan at
nagkasundong maging
magkaibigan na lamang.
Leonor Valenzuela
Leonor Rivera
Noong ikatlong taon ni Rizal sa UST,
Tumira siya sa kaniyang tiyuhin na si
ANTONIO RIVERA. Mayroon itong
magandang anak na babae, si Leonor.
Maganda siya .

“MAYUMI GAYA NG NAMUMUKADKAD


NA BULAKLAK NA MAY
MABUBUTING MATA”
“TAIMIS” ang inilagdang ngalan ni
Leonor sa liham upang maitago ang
relasyon sa pamilya at kaibigan.
LEONOR RIVERA
BIKTIMA NG KALUPITAN
NG OPISYAL NA
ESPANYOL

Isang madilim na gabi sa Calamba


noong 1878, Naglalakad sa kalsada si
Rizal ngunit hindi niya napansin ang
nadaanang lalaki. Isang tinyente ng
GUARDIA CIVILES . Nagalit ito at
hinampas ng sable sa likuran si Rizal.
Nagsumbong si Rizal kay GOB. HEN.
FERNANDO PRIMO de VERA ngunit hindi
ito pinakinggan sapagkat siya ay isang
Indio at kastila ang kanyang
inirereklamo. Sumulat siya kay
BLUMENTRITT at sinabing niyang …

“Nagpunta ako sa Gob. Heneral ngunit wala


akong natamong katarungan , Gumaling ang
aking sugat sa loob ng 2 linggo.”
GOB. HEN. FERNANDO
PRIMO de VERA
FERDINAND BLUMENTRITT
“PARA SA KABATAANG PILIPINO”

Noong 1879 si Rizal ay lumahok sa


paligsahan ng LICEO ARTISTICO LITERARIO.
Ang nasabing paligsahan ay para lamang
sa mga Pilipino. Sa edad na 18 ay
nagsumite si Rizal ng tulang
pinamagatang “ A La Juventud Filipina” o
“ PARA SA KABATAANG PILIPINO”.
Nagwagi si Rizal at nagkamit ng gintong
pilak na panulat na hugis pakpak at may
dekorasyong laso.
Para sa Kabataang Pilipino
“A La Juventud Filipina”

Taas- noong tumindig ka


O kabataan, saanman naroon
Hayaan ang liwanag
Ng magandang bukas ay Makita
Ikaw na pag – asa ng bayan!

Halina, ikaw na tunay na henyo,


At bigyan ng inspirasyon:
Sa tulong ng mapagpalang kamay,
Magsahangin ka nga’t ilipad
Ang aming isipan ng pagkataas – taas.
Bumaba kang kasama ang liwanag
Ng sining at agham, dunong na tunay,
O kabataan, kilos at kalagin
Ang tanikalang gumagapos
Sa iyong diwa at kaluluwa

Masdan ang lumiliyab na putong


Sa gitna ng mga aninong naglipana,
Mapagpalang kamay ng inang bayan
Putong niya’y marikit na korona
Dakilang alay niya sa lupaing ito

Panahon na upang ikay magbangon


Iyong bagwis na pagal na pagal
Sa paghahanap ng langit ng Olympia
Mga awiting pagkatamis – tamis,
Mas malamyos pa sa patak ng ulan
Ikaw na ang dakilang tinig
Ang mas mairog kaysa Pilomel,
Sa gabing tahimik, malungkot
Ikaw ang siyang tanging lunas
Ng mga kaluluwang nagdudusa.

Ikaw, na ang diwa ay matalas


Ginigising, binubuhay, aking isipan;
At ang alaalang nagpapalinaw
Sa iyong henyong ilaw
Tunay na lakas ng isang immortal.

At ikaw, ang diwang malinaw


Na mahal ni Pebo at Apollo:
Ang kanila kayang mahiwagang kamay
Ang syang kumakalinga, umaayos
Sa kalikasan na nasa ‘yong kanbas
Humayo ka at pag liyabin ang apoy
Ng iyong henyo nang mangarap ng lawrel;
Kailangang maipamamahagi ang apoy,
Nang makamit yaring tagumapy,
Para sa nakararami sa ating lahi

O masayang araw,
Mahal kong Pilipinas, aking bayan!
Basbasan mo kami’t alagaan
Ngayon at magpakailanman,
Tungo sa maunlad na kinabukasan

You might also like