Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

TULA

- Ito ay isang sangay ng panitikan


na naglalarawan ng buhay at kalikasan
na likha ng mayamang guniguni o
imahinasyon ng makata. Karaniwan
itong binubuo ng mga taludtod, tugma,
sukat, kariktan at matalinhagang mga
pahayag.
NOBELA

- Ito ay isang mahabang


kuwentong piksyon na binubuo ng
iba't-ibang kabanata at maraming
tauhan.
DAYALOGO

- ay isang istilo ng pagsasalaysay


kung saan isinusulat ang eksaktong
sinabi ng tauhan sa akda. Ito ay
tinatawag na salitaan o usapan.
Maaari ito na maitampok sa isang aklat
o libro, panuorin sa telebisyo o teatro, o
mapakinggan sa isang radyo.
SANAYSAY

- Isang maiksing komposisyon na


kalimitang naglalaman ng personal na
kuru-kuro ng may-akda.
PAHAYAGAN

- Ito ay isang uri ng babasahin na


naglalaman ng impormasyon,patalastas
at balita na nangyayari sa loob at labas
ng bansa.
BALITA

- Ito ay isang uri ng lathalain na


tumatalakay sa mga kasalukuyang
kaganapan sa labas at/o loob ng
isang bansa na nakatutulong sa
pagbibigay-alam sa mga mamamayan.
EDITORYAL

-isang mapanuring pagpapa-


kahulugan ng kahalagahan ng isang
napapanahong pangyayari upang
magbigay-kaalaman, mangumbinsi,
makapagpaniwala, o makalibang sa
mga mambabasa.
ALMANAC

- Ito ay isang uri ng aklat na


nagsasaad ng mga pinakabagong
impormasyon at pangyayari sa loob ng
isang taon.
ATLAS

- Ito ay isang aklat patungkol sa


heographiya, na may detalyadong
impormasyon tungkol sa iba’t ibang
bansa at kontinente ng buong mundo.
DIKSYUNARYO

- Ito ay isang uri ng aklat na kung


saan matatagpuan ang mga kahulugan
ng mga salita, pagbaybay nito,
pagpantig, at iba pa. Nakaayos ito ng
pa-alpabeto.

You might also like