Florante at Laura QUIZ

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

FLORANTE AT L AURA

QUIZ
MGA TAYUTAY: Basahing mabuti ang mga
pahayag at uriin kung anong uri ng tayutay ito.
Piliin sa kahon ang titik ng tamang sagot at isulat
ito sa sagutang papel.
___1. Halos naghihirap ang kay Febong silang
dumalaw sa loob na lubhang masukal.
___2. Makinis ang balat at anaki’y burok,
pilikmata’t kilay-mistulang balantok.
___3. Malalaking kahoy – ang inihahandog
pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot.
___4. Bagong sapong ginto ang kulay ng buhok.
____5. Bakit Kalangita’y bingi Ka sa akin, ang tapat
kong luhog ay hindi mo dinggin?
____6. “Mahiganting langit! Bangis mo’y nasaan.
____7. Kaliluha’t sama ang ulo’y nagtayo at ang
kabaita’y kimi’t nakayuko santong
katuwira’y lugami at hapo.
____8. Ang dalawang mata’y bukal ang kaparis.
____9. Kamataya’y nahan ang dating bangis mo,
nang di ko damdamin ang hirap na ito?
___10. Gubat na Palasyo ng masidhing Harpias.
a.Pagtawag
b. Pagwawangis/metapora
c. Pagtutulad/simile
d. Pagtatao/personipikasyon
MARAMIHANG PAGPIPILI: Basahing mabuti ang mga
pahayag at bilugan ang titik ng tamang sagot sa
mga pamimilian.
11. Sa pagsisimula ng tula, ang inilarawang
tagpuan ay lumikha ng atmospera ng
a. lungkot b. ligaya c. away d. ligalig

12. Dahil sa sinapit ng pag-iibigan ni Kiko at


M. A. R., ang makata ay natutong:
a. tumula b. maglasing
c. mang-away d. umawit
13. Ang salitang baguntao ay
nangangahulugang
a. binata c. balo
b. dalaga d. binatilyo

14. May hiling ang makata sa kanyang mga


mambabasa at ito ay:
a. huwag baguhin ang berso
b. huwag tawanan ang tula
c. huwag pakamahalin ang tula
d. huwag baguhin ang awit
15. Sa unang taludtod ay binanggit ang
dalawang salitang naglalarawan ng gubat.
Ang mga salitang ito ay madilim at
a. mapanglaw b. makasaysayan
c. mapanganib d. wala sa nabanggit
16. Anong emosyon naman ang
ipinahihiwatig ng hintayin ang wakas?
a.kawalang kasiyahan c. kawalang pag-asa
b.kawalang-awa d. wala sa nabanggit
17. Labis ang kapangyarihan ng pag-
ibig. Alin ang bunga nito?
a. Pati mag-aama’y posibleng mag-
away
b. Sa ngalan ng pag-ibig, gagawin
ng umiibig ang kahit ano
c. Pati buhay ay itataya alang-alang
sa pag-ibig
d. Lahat ng nabanggit
18. Saknong 246 “Kung ang isalubong sa iyong
pagdating,ay masayang mukha’t may pakitang
giliw, lalong pag-ingata’t kaaway na lihim, siyang
isaisip na kakabakahin.”
Ano ang kaisipang angkop sa saknong na ito?
a.Dapat pag-ingatan ang pakitang giliw ng
kaaway.
b.Huwag na lang pansinin ang pakitang giliw ng
kaaway.
c.Magulo ang buhay kapag may kaaway.
d.Lahat ng mga nabanggit
A.Pagtutukoy: Tukuyin ang inilalarawan ng
bawat pahayag. Isulat sa sagutang papel ang
wastong sagot.
_________19. Ilang pantig mayroon ang Florante
at Laura?
_________20. Kristiyanong Gerero ng Albanya at
kaagaw ni Adolfo sa panunuyo kay
Laura.
_________21. Ang anak ni Konde Sileno ng
Albanya, at nagtangkang umutas
sa buhay ni Florante.
__________22. Gererong Moro ng Persia at
nagligtas sa nabingit na buhay ni Florante.
__________23 Dalagang Mora na napusuan
ni Sultan Ali Adab at hinirang nitong
mapaanib sa kanyang Harem.
__________24. Tagapayo ng Haring Linceo
ng Albanya.
__________25. Prinsesa sa Albanya na anak
ni Haring Linceo.

You might also like