Petilo Power Point

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Disenyo at Pamamaran

ng Pananaliksik
 Ang disenyo ng pananaliksik ay ang pangkalahatang estratehiya na pinipili ng mananliksik upang pagsama-
samahin ang lahat ng bahagi at proseso ng pananaliksik sa maayos at lohikal na paraan. Ang bahaging ito ng
pananaliksik ang kadalasang naglalaman ng paraan ng pangongolekta, presentasyon, at pagsusuri ng datos. Ayon
sa Business Dictionary (2011), ang disenyo ng pananaliksik ang detalyadong balangkas kung paano isasagawa ang
imbestigasyon.
 Ang pangangalap ng impormasyon na tutugon sa suliranin ng pananaliksik ay nangangailangan ng pagtitiyak ng uri
ng ebidensya at impormasyon upang subukin ang mga teorya, tasahin ang programa, o kaya’y ilalarawan ang
ugnayan ng mga kalahok sa pananaliksik. Ayon kay David de Vaus(2011), kung mailalatag nag maayos ng isang
mananaliksik ang Sistema at disenyo ng pananaliksik, tiyak na makakamit nito ang sumusunod:

• Matutukoy nang malinaw ang suliranin ng pananaliksik at mapangangatuwiran ang pagkakapili nito;
• Madaling makabuo ng rebuy at sintesis ng mga naunang pag-aaral na may kinalaman sa paksa at suliranin ng
ginagawang pananaliksik;
• Malinaw at tiyak na matutukoy ang mga haypotesis na pinakasentral sa pag-aaral;
• Epektibong matutukoy at mailalarawan ang datos na kailangan sa pagsubok ng mga haypotesis at maipaliwanag
kung paanong makakalap ang datos na ito; at
• Mailalarawan ang mga pamamaraan ng pagsusuri na gagamitin upang alamin kung tama o mali ang mga
haypotesis.

You might also like