Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Tekstong Nanghihikayat

- Naglalayong manghimok o magumbinsi sa


pamamagitan ng pagkuha ng damdamin o simpatya ng
mambabasa
-Nakabatay ito sa opinyon at ginagamit upang
maimpluwensiyahan ang paniiniwala, pag-uugali,
intensiyon, at paninindigan ng ibang tao.
Layunin nito na umapela o mapukaw ang damdamin
ng mambabasa upang makuha ang simpatya nito at
mahikayat na umayon sa ideyang inilahad.
HALIMBAWA NG TEKSTONG NANGHIHIKAYAT
• Talumpati
• Mga patalastas
• Mga propaganda sa eleksiyon
Mga elento ng tekstong nanghihikayat
-Ayon kay aristotle may 3 Elemento ng panghihikayat

1. Ethos: ang karakter, imahe o reputasyon ng


manunulat/tagapagsalita
- Ang salitang ethos ay galing sa salitang griyego na
naguugnay sa salitang etika ngunit higit na itong angkop sa
salitang “imahe”.
- Ang elementong ethos ay ginamit upang tukuyin ang
karakter o kredibilidad ng nagsasalita batay sa paningin ng
nakikinig.
2. Logos. Ang opinyon o lohikal na pagmamatuwid ng
Manunulat/Tagapagsalita
-Ang salitang logos ay galing sa salitang Griyego na tumutukoy
sa pangangatwiran.
-Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal ng nilalaman o kung
may katuturan ba ang sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang
tagapakinig na ito ay totoo.
May 2 uri ng retorikal na pangangatwiran
1. Pangatwirang Pabuod- nagsisismula sa maliit na katotohanan
tungo sa isang panlahat na simulain o paglalahat. Nahahati ito sa
tatlong bahagi
a) Pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad
- inilalahad dito ang magkatulad na katangian, sinusuri
ang katangian at pinalulutang ang katotohanan. Ang
nabuong paglalahat sa ganitong pangangatwiran ay
masasabing pansamatala lamang at maaring
mapasinungalingan/kamalian.
Halimbawa:
Magtayo tayo ng kooperatiba sa ating kolehiyo sa ating
kolehiyo sapagkat ang kolehiyo sa kabanatuan ay may
kooperatiba at Malaki ang napapakibang.
b. Ang pag-uugnay ng Pangyayari sa Sanhi.
-bawat pangyayari ay may sanhi. Ang pangangatwiran ay
nagsisimula sa mga sanhi tungo sa bunga. Sinasabi na ang
isang pangyayri ay bunga ng isa pang pangyayari.

Halimbawa:
Ang pagmamatuwid ni Ana na hindi siya nakapasa sa
pagsusulit sapagkat hindi siya nagbalik-aral.
c. Gumagamit ng Katibayan at Pagpapatibay.
- Ang pagmamatuwid ay may pinanghahawakan na mga
ebidensya, katibayan at patunay sa pangyayari.

Halimbawa:
Si Jason ang pumaslang sa nakaaway na si Jose dahil nakuha
ang tsinelas sa tabi ng bangkay at ang buckle ng sinturon na
ginamit sa pagpatay na ipinampalo at dahil siya ang matagal
ng nakaalitan nito.
3. Pathos: Emosyon ng Mambabasa/Tagapakinig
- ito ay elemento ng panghihikayat na tumutukoy sa
emosyon o damdamin ng mambabasa o tagapakinig.

Halimbawa:
Ang mga pulitika at mga patalastas upang makuha ang
ating boto, mapaniwala tayo sa isang panig ng usapin o
mapabili ng kanilang produkto.
Paghahanda Para sa pagsulat ng Tekstong
Nanghihikayat

• Pag-aralan ang target ng tagapakinig o


mamababasa.
• Linawin kung ano ang layunin ng isusulat na teksto
• Unawain ang uri ng mambabasa o tagapakinig na
tatanggap ng isinusulat na teksto.
Halimbawa ng Tekstong Nanghihikayat

Para sa mahal kong kababayang kabataan sa Pilipinas. Ako si Mary Jane, isa
akong biktima ng ipinagbabawal na gamot, dahil sa kagustuhan kong
magbago ang buhay ng aking pamilya, naniwala ako sa isang tao na bibigyan
niya ako ng trabaho sa ibang bansa bilang katulong, at dahil sa kabaitan niya
sa akin hindi ako naghinala na may masama siyang balak sa akin.
Nakuhanan ng drugs ang dala-dal kong bag na binili ng kaibigan kong
nagsama sa akin sa ibang bansa at hinuli ako ng pulis at hinatulan ng
kamatayan .
Sa limang taon ng panantili ko sa loob ng kulungan marami akong nalaman,
araw-araw kong kasama ang mga taong nalulong sa ipinagbabawal na gamot,
karamihan sa kanila ay ang mga kabataan at dahil sa maling pakikihalubilo o
pakikipagbarkada sa mga taong gumagawa ng ipinagbabawal na gawain,
Marami ang nagiging biktima at nalilihis ng landas. Karamihan sa
kanila ay itinatatakwil ng kanilang pamilya,napapriwara,nasisira ang
pag-aaral. Meron ding nagkakasakit dahil sa ipinagbabawal na gamot
at marami na rin akong nakitang namatay dahil sa sobrang paggamit
ng drugs.
Huwag niyong sayangin ang inyong buhay, huwag na huwag na
kayong gagamit ng ipinagbabawal na gamot o magbebenta, walang
idudulot ng mabuti sa inyo at masisira pa ang inyong buhay.
Naniniwal ako sa hindi niyo paggamit ng drugs o masasangkot sa ano
mang klase ng illegal na trabaho, may magandang kinabukasan ang
naghihintay sa inyo.
Huwag kayong makakalimot sa Panginoong Diyos, Siya ang
maggagabay sa inyo para hindi malihis ng tamang landas.
Kayong mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan at magiging
bayani ng ating bansa.
Patnubayan nawa kayo ng Poong Maykapal at palaging mapasainyo
ang pagpapala ng Panginoong Diyos magpakailanman. Amen.

God Bless Us,


Mary Jane

You might also like