Professional Documents
Culture Documents
Disaster Management Plan
Disaster Management Plan
Disaster Management Plan
MANAGEMENT
PLAN
UNANG YUGTO:
DISASTER PREVENTION
AND MITIGATION
DISASTER PREVENTION AND MITIGATION
Flood
Drought
Earthquake
Landslide
Civil War
Pollution
Volcanic
VULNERABILITY at
CAPACITY ASSESSMENT(VCA)
Sinusukat nito ang kahinaan at
kapasidad ng isang komunidad sa
pagharap sa iba’t ibang hazard na
maaaaring maranasan sa kanilang
lugar.
VULNERABILITY ASSESSMENT
Tumataya sa kahinaan o kakulangan
ng isang tahanan o komunidad na
harapin o bumangon mula sa
pinsalang dulot ng hazard.
CAPACITY ASSESSMENT
Sumusukat sa kakayahan ng
komunidad na harapin ang iba’t
ibang uri ng hazard.
VULNERABILITY
Mayroong tatlong kategorya ang
Vulnerability:
1. Pisikal o materyal
2. Panlipunan
3. Pag-uugali tungkol sa hazard
PISIKAL o MATERYAL
Tumutukoy sa mga materyal na yaman
tulad ng suweldo mula sa trabaho, pera
sa bangko at mga likas na yaman. Ang
kawalan o kakulangan nito ay
nangangahulugan na ang isang komunidad
ay vulnerable o maaaring mapinsala kung
ito ay makaranas ng hazard.
Halimbawa:
•Di sapat na kita
•Pagkakaroon ng utang
•Kakulangan ng sapat na kakayahan
at edukasyon
•Kawalan ng pangunahing serbisyo.
PANLIPUNAN
Tumutukoy sa pagiging vulnerable
o kawalan ng kakayahan ng grupo ng
tao sa isang lipunan
Kasama rn dito ang pagiging
vulnerable ng institusyong
panlipunan tulad ng pamahalaan
Halimbawa:
•Kawalan ng pagkakaisa ng mga miyembro,
ng mga mamamayan
•Hindi maayos na ugnayan sa pagitan ng
mamamayan at pamahalaan
•Kawalan ng maayos na sistema ng
pamahalaan tungkol sa Disaster
Management
PAG-UUGALI TUNGKOL SA HAZARD
May mga paniniwala at gawi ang
mga mamamayan na nakahahadlang
sa pagiging ligtas ng isang
komunidad. Bunga nito, nagiging
vulnerable ang isang komunidad.
Halimbawa:
•Kawalan ng interes sa mga programa ng
pamahalaan
•Pagiging negatibo sa mga pagbabago
•Kawalan ng sapat na kaalaman tungkol sa
hazard sa kanilang komunidad
•Pagiging palaasa sa pamahalaan at sa tulong
ng pribadong sektor
VULNERABILITY ASSESSMENT
Sa pagsasagawa nito, kailangang
suriin ang mga sumusunod:
1. Elements at Risk
2. People at Risk
3. Location of People at Risk
ELEMENTS AT RISK
Ito ay tumutukoy sa tao, hayop, mga
pananim, bahay, kasangkapan,
imprastruktura, kagamitan para sa
transportasyon at komunikasyon, at
pag-uugali.
PEOPLE AT RISK
Ito ay tumutukoy sa mga grupo ng tao
na maaaring higit na maapektuhan ng
kalamidad.
LOCATION OF PEOPLE AT RISK
Ito ay tumutukoy sa lokasyon o
tirahan ng mga taong natukoy na
vulnerable.
RISK ASSESSMENT
Kung ang disaster prevention ay
tumutukoy sa pag-iwas sa mga hazard
at kalamidad, sinisikap naman ng
mga gawain sa disaster mitigation na
mabawasan ang malubhang epekto
nito sa tao, ari-arian at kalikasan.
RISK ASSESSMENT
Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na
dapat gawin bago ang pagtama ng
sakuna, kalamidad at hazard na may
layuning maiwasan o mapigilan ang
malawakang pinsala sa tao at
kalikasan (Ondiz at Redito).
Dalawang uri ng MITIGATION:
1. Structural Mitigation
2. Non Structural Mitigation
STRUCTURAL MITIGATION:
Tumutukoy sa mga paghahandang
ginagawa sa pisikal na kaanyuan ng
isang komunidad upang ito ay maging
matatag sa panahon ng pagtama ng
hazard.
Halimbawa:
•Pagpapagawa ng dike upang mapigilan ang
pagbaha
•Paglalagay na mga sandbags
•Pagpapatayo ng mga flood gates
•Pagpapatayo ng earthquake-proof buildings
•Pasisiguro na may fire exit ang mga
ipinatatayong gusali
NON STRUSTURAL MITIGATION:
Tumutukoy sa mga ginagawang plano
at paghahanda ng pamahalaan upang
maging ligtas ang komunidad sa
panahon ng pagtama ng hazard.
Halimbawa:
•Pagbuo ng disaster management plan
•Pagkontrol sa kakapalan ng populasyon
•Paggawa ng mga ordinansa at batas
•Information dissemination
•Hazard assessment
KAHALAGAHAN NG
DISASTER RISK ASSESSMENT
KAHALAGAHAN NG
DISASTER RISK ASSESSMENT
Ayon kina Ondiz at Redito(2009), ang
sumusunod ay mga dahilan kung bakit
mahalaga ang pagsasagawa ng risk
assessment:
KAHALAGAHAN NG
DISASTER RISK ASSESSMENT
1. Nagiging sistematiko ang pagkalap
ng datos sa pagtukoy, pagsusuri, at
pagtatala sa mga hazard na dapat
unang bigyang pansin.
KAHALAGAHAN NG
DISASTER RISK ASSESSMENT
2.Nagiging mulat ang mga mamamayan sa
mga hazard na mayroon sa kanilang
komunidad na noon ay hindi nila alam. Sa
pamamagitan ng risk assessment ay
nagkakaroon ng mas matibay na batayan
ang maaaring maging epekto ng hazard sa
kanilang komunidad.
KAHALAGAHAN NG
DISASTER RISK ASSESSMENT
3. Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng
disaster risk reduction and management
plan. Nagiging gabay sa pagbuo ng mga
polisiya, programa, proyekto, at
istratehiya upang maging handa ang
komunidad sa pagharap sa ibat ibang
hazard.
KAHALAGAHAN NG
DISASTER RISK ASSESSMENT
4. Nagbibigay ng impormasyon at
datos na magagamit sa pagbuo ng
plano at magsisilbing batayan sa
pagbuo ng akmang istratehiya sa
pagharap sa mga hazard.
KAHALAGAHAN NG
DISASTER RISK ASSESSMENT
5. Isa sa mahalagang produkto ng risk
assessment ay ang pagtatala ng mga
hazard at pagtukoy kung alin sa mga
ito ang dapat bigyan ng prayoridad o
higit na atensyon. Ito ay tinatawag na
Prioritizing Risk.
IKALAWANG YUGTO:
DISASTER PREPAREDNESS
DISASTER PREPAREDNESS
Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o
dapat gawin bago at sa panahon ng
pagtama ng kalamidad, sakuna o
hazard.
DISASTER PREPAREDNESS
Mahalagang malaman ng mga
miyembro ng pamilya, ng mga
mamamayan at sa komunidad, at
maging ng mga kawani ng
pamahalaan ang mga dapat gawin sa
panahon ng sakuna o kalamidad.
DISASTER PREPAREDNESS
Dapat ring maliwanag sa bawat sektor ng
lipunan ang kanilang gagawin upang
magkaroon ng koordinasyon at maiwasan
ang pagkalito at pagkaantala na maaari
pang magdulot ng dagdag na pinsala o
pagkawala ng buhay.
DISASTER PREPAREDNESS
Bago tumama at maging sa panahon ng
kalamidad, napakahalaga ang pagbibigay ng
paalala at babala sa mga mamamayan. Ito ay
may tatlong pangunahing layunin:
1. To inform
2. To advise
3. To instruct
TO INFORM
Magbigay kaalaman tungkol sa mga
hazard, risk,capability at pisikal na
katangian ng komunidad.
TO ADVISE
Magbigay ng impormasyon tungkol sa mga
gawain para sa proteksiyon, paghahanda,
at pag-iwas sa mga sakuna,kalamidad at
hazard.
TO INSTRUCT
Magbigay ng mga hakbang na dapa gawin,
mga ligtas na lugar na dapat puntahan,
mga opisyales na dapat hingan ng tulong
sa oras ng sakuna, kalamidad at hazard.
DISASTER PREPAREDNESS
May iba’t ibang paraan ang bawat komunidad
sa pagbibigay ng paalala o babala. Ito ang
mga sumusunod:
Barangay assembly
Flyers
Poster o billboard
Patalastas sa telebisyon, radio at pahayagan
DISASTER PREPAREDNESS
Bukod sa pagbibigay ng paalala o babala,
binibigyan din ng sapat na impormasyon at
pag-unawa ang mga mamamayan sa dapat
nilang gawin bago, habang, at pagkatapos ng
hazard at kalamidad upang maihanda sila sa
possibleng epekto nito.
IKATLONG YUGTO:
DISASTER RESPONSE
DISASTER RESPONSE
Sa pagkakataong ito ay tinataya
kung gaano kalawak ang pinsalang
dulot ng isang kalamidad.
DISASTER RESPONSE
Nakapaloob dito ang tatlong uri
ng pagtataya:
1. Needs Assessment
2. Damage Assessment
3. Loss Assessment
NEEDS
Pangangailangan ng mga biktima
ng kalamidad tulad ng pagkain,
tahanan, damit, at gamot.
DAMAGE
Tumutukoy sa bahagya o
pangkalahatang pagkasira ng mga
ari-arian dulot ng kalamidad.
LOSS
Tumutukoy sa pansamantalang
pagkawala ng serbisyo at
pansamantala o pangmatagalang
pagkawala ng produksiyon.
Ang damage at loss ay
magkaugnay dahil ang loss ay
resulta ng mga produkto, serbisyo
at imprastruktura na nasira.
Mahalagang maunawaan na sa yugtong ito ay
napakahalaga ng koordinasyon ng lahat ng
sektor ng lipunan na kasama din sa
pagsasagawa ng una at ikalawang yugto.
Mahalaga rin ang kaligtasan ng bawat isa kaya
sa pagsasagawa ng Disaster Response ay dapat
isaalang-alang ng mga mamamayan ang
kanilang kakayahan sa pagsasagawa nito.
DISASTER REHABILITATION and RECOVERY