You are on page 1of 9

Ika-tatlong Pangkat

ANG EPIKO NG
SINAUNANG MALI
(3.6)
Ang Aralin 3.6, inaasahang 
maipamamalas mo ang pag­
unawa at pagpapahalaga sa 
epikong Sundiata:  Ang Epiko ng 
Sinaunang Mali na isinalin sa 
Filipino ni Mary Grace A. Tabora 
hango sa salaysay ni D.T. Niane 
at salin sa Ingles ni J.D. Pickett 
sa pinakatanyag na epiko ng 
Africa sa Kasalukuyan, ang 
Miyembro: Sundiata:   Ang Epiko ng 
Sinaunang Mali. Layon ng 
Kennette Joy Eduque araling ipakita ang kaugnayan 
Jessa Mae P. Arana ng epiko sa kasaysayan sa mga 
eskspresiyong sa pagpapahalaga 
Elizabeth Flaga ng damdamin o layon. 
Joselyn Roy
Ang Epiko ay maihahambing sa tulay na nagdurogtong ng nakaraan sa
hinaharap. Ito ay salaysay ng buhay ng mga naglahong bayaning kalahati’y
tao at kalahati’y supernatural.

Alam mo ba na…
Ang epikong Sundiata ay unang naitala sa Guinea noong 1950 na
isinalaysay ng griot (mananalaysay) na si Djeli Mamoudou na mahusay na
alagad ng kuwentong-bayan na si D.T. Niane? Isinalain niya ito buhat sa
Mandigo sa wikang Pranses. Kalaunan, ang kaniyang salin ang naging
batayan sa paglilipat sa Ingles.
Si Sundiata Keita o Mari Diata (Mari Jata), Ang bayani’t pangunahing
tauhan ng epiko ay totoong nabuhay. Isa siya sa labindalawang
magkakapatid na lalaki na tagapagmana ng trono. Siya’y isang
makapangyarihang inuno na tumalo sa estadong Sosso sa Kanlurang Africa
noong 1235. Itinatag niya ang Imperyong Mandingo ng Matandang Mali.
Ang kaniyang pamamayagpag ay tumagal nang mahigpit 250 taon.
Sundiata
Ang Sundiata ay isang kilalang epiko ng imperyong Mali sa Aprika .

BUOD NG EPIKO
Si Nare Maghann Konate ay hari ng mga Mandinka.
Isang araw, may dumalaw sa kanyang isang mangangaso na may 
kakayahang manghula. Ayon sa manghuhula, si Haring Konate ay 
makapapangasawa ng isang ppangit na babae na magsisilang ng isang sanggol 
na lalaki na magiging napakamakapangyarihang hari.
Noong panahong iyon, si Konate ay may asawa na; ang pangalan ng 
kanyang reyna ay Sassouma Berete. Mayroon na silang aanak na lalaki na 
ang pangalan ay Dankaran Toumani Keita. 
Ganunpaman, isang araw ay may dalawang mangangalakal na
dumalaw kay Haring Konate para iprisinta sa kanya ang babae na ang
pangalan ay Sogolon. Naalala ng hari ang sinabi ng manghuhula at
pinakasalan niya ang kuba. Makatapos ang sampung buwan,
nagsilang ang babae ng isang sanggol na lalaki na pinangalanan
nilang Sundiata Keiti.
Minana ng batang Sundiata ang kapangitan ng kaniyang ina, at hindi
niya makayanang lumakad ng maayos, kaya lagi siyang kinukutya ni
Reyna Sassouma.
Bagaman mahina ang katawan ni Sundiata, binigyan pa rin siya ng
kanyang amang hari ng kanyang sariling griot isang manganganta na
ang tungkulin ay alalahanin ang mga kaganapang nangyayari at
magbigay payo). Tradisyon noon na magkaroon ng griot na alalay ang
bawat importanteng miyembro ng pamilya ng hari.
Nang namatay si Haring Konate noong taong 1224, ang kanyang
panganay na anak na si Dandakaran ang umakyat sa trono. Si Sundiata
at ang kanyang kubang ina na si Sogolon ay lalo pang inapi.
Nang minsan ay may nag-insult kay Sogolon, nagpakuha si
Sundiata ng isang bakal na tungkod na nabali nang subukan
niyang gamitin upang tulungan ang sarili na tumayo. Ang
iisang tungkod na hindi nabakli ay nagmula sa isang sanga ng
puno ng S’ra. Parang milagro, ang kahoy na ito ay nakatulong
kay Sundiata na makatayo at makalakad nang maaayos.
Pinatapon ni Haring Dankaran ang mag-inang sina Sogolon
at Sundiata. Nanirahan sila sa kaharian ng Mema kung saan
lumakas ang katawan ni Sundiata. Siya’y naging isang
dakilang mandirigma hangga’t siya’y inatasang maging
tagapagmana ng trono ng Mema
Samantala, ang kaharian ng mga Mandinka ay pinuntirya ng
isang malupit na manaanalakaay na ang pangalan ay Soumaoro.
Ang hari ng mga Mandinka na si Dankaran ay tumakas kung
kaya’t humiling ang mga Mandinka ng tulong kay Sundiata.
Nagatagumpay si Sundiata laban sa mga mananalakay at dahil
sa pinagsama-samang lupain sa ilalim ng kanyang administrasyon
tulad ng Mema at Mandinka, siya ay tinaguriang pinakaunang
tagapamuno ng imperyo ng Mali.
Ayon sa mga griot, maihahalintulad ang lawak ng nasasakop ni
Sundiata sa Aprika sa kalawakan ng mga lupaing napailalim kay
Alexander the Great sa dakong Europa noon sinaunang panahon.

You might also like