Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

 BARAYTI NG WIKANG
 MAGUIDANAON

 NG AB-FILIPINO

 SA MSU-GSC.




Paglalahad ng Suliranin
Minarapat na alamin ng mga mananaliksik ang pagkakaiba
ng wikang Maguindanaon na nahahati sa limang uri. Ang taw
sa laya,taw sa ilod, taw sa suk, taw sa biwang at taw sa bala na
mga mag-aaral ng AB Filipino sa MSU-Gensan.
Layunin ng mga mananaliksik na matugunan ang mga
sumusunod na mga katanungan:
1.Makalap ang mga salita ng limang baraytiWikang
Maguindanaon ng mga mag-aaral ng AB Filipino.
2.Masuri ang mga pagkakaiba at pagkakatulad ng mga
salita ngWikang Maguindanaon.
3. Maipaghambing ang mga salita ng Wikang Maguindanaon
na nakalap.

 Saklaw at Limitasyon
 Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa
Varayti ng Wikang Maguindanaon na
nakabatay sa mga salitang sasaliksikin ng
mga mananaliksik. Ang mga uri ng
Maguindanon na sinaliksik ng mga
mananaliksik ay ang mga salitang taw sa
Laya, taw sa Ilud, taw sa Suk, taw sa Biwang
at taw sa Bala. Ang pag-aaral na ito ay
sumasaklaw sa mga mag-aaral ng AB Filipino
na nasa ikalawang taon hanggang ika-apat
na taon sa paaralan ng Mindanao State
University Lungsod Heneral Santos.

 PAMAMARAAN
 Sa pag-aaral na ito, ginawa ng mga mananaliksik ang mga
sumusunod na mga hakbang sa pangangalap ng mga
datos.

 Nagtungo ang mga mananaliksik sa Gemma East at CSSH
na kung saan palaging makikita ang mag-aaral ng AB
FILIPINO na kung saan kumuha ng mga impormante at
respondente. Sinimulan ng mananaliksik ang pagkuha sa
personal ng datos ng respodente. Kinuha muna naming
ang pangalan, edad, taon, saan nakatira at kung saan siya
nabibilang sa limang uri ng maguindanaon. Binigyan namin
ang mga respondente ng talatanungan na kung saan
isasalin nila sa Wikang Maguindanaon ang Filipinong salita
na kung saan ito napapabilang na grupo. Kinuhanan din
namin ang mga respondente ng larawan upang
maykatibayan sa pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay
gumamit ng mga kasangkapan tulad ng kwaderno kamera,
voice message para sa dokumentasyon ng datos ng
nakalap.
 Nang nakumpleto ng mananaliksik ang
mga datos ay isa-isa naming inihambing
ang limang uri ng Wikang Maguindanao.
Matapos ang pananaliksik ay pormal na
nag-umpisa sa pagbuo ng pag-aaral
patungkol sa barayti ng Wikang
Maguindanaon na mag-aaral ng AB
Filipino.
 DISENYO NG PAG-AARAL
 Palarawan ang disenyong gagamitin ng
mga mananaliksik na kung saan ilalarawan
ng mga mananaliksik ang mga salitang
Maguindanaon ng mga mag-aaral sa
departamento ng AB Filipino sa Kolehiyo ng
Agham Panlipunan at Humanidades.
 Sa pangangalap ng ga datos ang ginamit
na mga mananaliksik ay tuwirang
pamamaraan, sapagkat tuwirang
kinapanayam nito ang kanilang respondente
at gumamit rin ng telepono upang
mapagkukunan ng larawan at mairekord ang
boses na siyang magbibigay patunay at
kasiguruhan sa pagtatala ng mga salita.

 LOKAL NA PAG-AARAL
 Ang pag-aral na ito ay naganap sa
Departamento ng AB Filipino sa Kolehiyo
ng Agham Panlipunan at Humanidades na
kung saan matatagapuan ang mga
respondente.
 PAGLALAHAD AT INTERPRETASYON NG
MGA DATOS
 Ito ay naglalahad ng mga salitang nakalap na
nagkakaiba sa paraan ng pagbikas ng
maguindanaon na TAW sa LAYA-
MAGUINDANAO AT COTABATO, TAW sa ILOD-
MAASIM, TAW sa SUK-MALAPATAN, TAW sa
BIWANG-PALIMBANG SULTAN KUDARAT at
TAW sa BALA-GENSAN sa mag-aaral ng AB
Filipino.
 Ito ay naglalahad ng mga nakalap na
mga salita na nagkakaiba sa paraan ng
pagbigkas ng Wikang Maguindanaon na taga-
Maguindanao, Malapatan, Maasim, Palimbang
at taga-Gensan. Na matatagpuan sa mga
mag-aaral ng AB Filipino
 TEORITIKAL NA BALANGKAS

 Ang ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral
na ito ay ang Teoryang Akomodasyon na
diberjens ni Howard Giles dahil sa pamamagitan
ng teoryang ito ay nagkakaroon ng kapalagayang
loob sa pagpapalitan ng mga impormasyon sa
pagitan ng mga impormante at nagsisipagsaliksik
o nag-iinterbyu. Ang wika ay hindi isang uri o
istatikong Sistema. Ito ay multi tsanel, multi
varyabol at kayang magkaroon ng malawak na
modifikasyon ayon sa ibat-ibang kontekstong
pinaggagamitan ng inspikasyon kahit na maaring
mapansin ng nakikinig ang ilang maliliit na
pagbabago sa pagsasalita ng ispeaker na
nagbibigay ng ideya sa kalagayang sosyal ng
nagsasalita (Guiles at Clair et al, 1979).

KONSEPTWAL NA BALANGKAS

BARAYTI NG WIKANG MAGUINDANAON


SA MGA MAG-AARAL NG AB FILIPINO

MGA SALITA

MGA PAGBIGKAS

TEORYANG AKOMODASYON
(Teoryang Diberjens)
MGA TRANSKRIPSYON TEORYANG INTERLANGUAGE
TEORYANG INTERFERENCE

MGA KAHULUGAN

URI NG
MAGUINDANAON
 Pigura. 2 Iskema ng Paradym na Pananaliksik

 Ang konseptwal na balangkas na ito ay inilalahad


ang kabuuang pag aaral na isinagawa ng mga
mananaliksik. Mula sa probinsya ng Maguindanao
hanggang sa Lungsod ng Heneral Santos, ang
napiling pag-aralan ng mga mananaliksik. Ang pag-
aaral ay nagsimula sa salitang Filipino na isinalin sa
iba’t-ibang uri ng wikang Maguindanaon sa
pamamagitan ng mga napiling impormante na mga
mag-aaral ng AB FILIPINO mula sa ika-lawang taon
hanggang ika-apat na taon at higit pa. Matapos ang
ginawang pangangalap ng mga datos agad na sinuri
ng mga mananaliksik ang mga pagkakaiba at
pagkakatulad ng mga salita ng limang uri ng Wikang
Maguindanaon.
 PAGLALAHAD AT INTERPRETASYON NG
MGA DATOS
 Ito ay naglalahad ng mga salitang nakalap na
nagkakaiba sa paraan ng pagbikas ng
maguindanaon na TAW sa LAYA-
MAGUINDANAO AT COTABATO, TAW sa ILOD-
MAASIM, TAW sa SUK-MALAPATAN, TAW sa
BIWANG-PALIMBANG SULTAN KUDARAT at
TAW sa BALA-GENSAN sa mag-aaral ng AB-
FILIPINO.
 Ito ay naglalahad ng mga nakalap na
mga salita na nagkakaiba sa paraan ng
pagbigkas ng Wikang Maguindanaon na taga-
Maguindanao, Malapatan, Maasim, Palimbang
at taga-Gensan. Na matatagpuan sa mga
mag-aaral ng AB- Filipino

 Talahanayan 1.

 Mga salitang Maguindanaon na nakalap


mula sa respondent.
FILIPINO Taw sa Laya Taw sa Suk Taw sa Ilod Taw sa Bala Taw sa Biwang

1.Pera Kuta Pilak Pilak Pilak Kultâ

2. Damit Bagga banggala Manggala Banggala Balagkas

3.Kanin Ehmay Mey Kan Kan Ummay

4.Nakawala nakalidtas Nakalwa Nakalyu Nakatakas Nakabukawa


5.Syota Istidi Baley Baley Uyab Istidi

6.Pinto bengawan Pintu Pintu Pintu Pinto

7.Salamin pagalungan Palagungan Palagungan Pagalungan pagalungan

8.Pasok Ludop Suk Ludep Ludep Ludep

9.Punta Pebpong Angay Sangul Angay angay

10.Masama Mawag Malat Malat Malat malat

11.Isa Solu Istiman Isa Isa sawalo

12.Pamahiin A’matan Kalukasan Tudtulan Kadtalo Tudtulan


13. Iba Sakalbu Sakabiyas Salabu Salabu Sakalbu

14.Lampara Sulanting Palitan Planting Sulo Sulanting

15.Walis Panapu Payupas Payupas Payupas Payupas

16. Maliit Manot Pedu Madidu Madidu Manot

17.Baliw Buneg Pedu Salingat Buneg madungas

18.Mukha Beneng beneng Biyas Palas pamanengan

19.Galit galipunget kuwalaw Pegkwalew Kwalew galipunget

20. Sandok Kalura Gagawi Gagawi Luwag Kaluran

21.Balbas Bungos Belungos Balungos Balungos Bungos

22.Ngumiti penggingisi penggingisi Penggingisi Midsmile minggamen

23.Pusa Bedong Sika Sika Sika Kuting

24.Lamok Kasuk Taganak Daladep Taganak Tagnek

25.Sumbrero Tubaw sapyo Sapyu Sapyu Sapiyo


 Talahanayan 2.

 Ang transkripsyon ng mga salitang


Maguindanaon.
FILIPINO Taw sa Laya Taw sa Suk Taw sa Ilod Taw sa Bala Taw sa Biwang

1.Pera Kuta Pilak Pilak Pilak Kultâ


/kultâ/
/Ku:tâk/ / /Pi:lak/ /Pí:lak/

2. Damit Bagga banggala Manggala Banggala Balagkas


/balagkás
/Banggâ/ /mang:gala/ /Bang:gala?/

3.Kanin Ehmay Mey Kan Kan Ummay


ammày
/Éhmáy/ /kān/ /kān/

4.Nakawala nakalidtas Nakalwa Nakalyu Nakatakas Nakalidtas


/nakalid:tàs/
/Nakalidtás/ /na:kalyú/ /Naka:takas/

5.Syota Istidi Baley Baley Uyab Baley


/ba:lèy/
/Istidī/ /ba:lây/ /Uyàb/

6.Pinto bengawan Pintu Pintu Pintu Pinto


/pintû/
/Bengáwân/ /pin:tù/ /Pìn:tu?/

7.Salamin pagalungan Palagungan Palagungan Pagalungan Pagalungan


/pagalúngan/
/Pagalúngán/ paga:lungân /paga:lùngan/

8.Pasok Ludop Suk Ludep Ludep Ludep


/lúdep/
/Lúdop/ /lu:dâp/ /Lú:dep/

9.Punta Pebpong Angay Sangul Angay Angay


/ma:ngày/
/Pebpòng/ /sa:ngùl/ /Á:ngey/
10.Masama Mawag Malat Malat Malat di-mapay
/di:mapyā/
/Mawág/ /ma:lât/ /Malàt/

11.Isa Solu Istiman Isa Isa Sawalo


/sawaloh/
/Sólù/ /í:sa/ /Isá/

12.Pamahiin A’matan Kalukasan Tudtulan Kadtalo Tudtulan

/A’matan/ /tudtú:lan/ /Kad:tálo?/

13. Iba Sakalbu Sakabiyas Salabu Salabu Kaped


/kapéd/
/Sakalbú/ /salabû/ /Salabù?/

14.Lampara Sulanting Palitan Planting Sulo palitan


/palitàn/
/Súlanting/ /plan:ting/ /Sú:lo?/

15.Walis Panapu Payupas Payupas Payupas Payupas


/payúpas/
/Panápu/ /payú:pas/ /Payu:pâs/

16. Maliit Manot Pedu Madidu Madidu Manot


/manot?/
/Manôt/ /madí:du?/ /Madído?/

17.Baliw Buneg Pedu Salingat Buneg Buneg


/bunèg/
/Búneg/ /Sali:ngat/ /Bú:neg/

18.Mukha Beneng beneng Biyas Palas Palas


/pá:las/
/béneng/ /biyas/ /Pá:las/
19.Galit galipunget kuwalaw Pegkwalew Kwalew Kalipung
/Galipúnget/ /pagkwa:lèw/ /Kwalèw/
et
/Kalipu:n
gèt/

20. Sandok Kalura Gagawi Gagawi Luwag Kaluda


/ka:lúda/
/Kalúra/ /gaga:wi/ /Luwág/

21.Balbas Bungos Belungos Balungos Balungos Balungos


/balungôs/
/Búngos/ /ba:lungòs/ /Balú:ngos/

22.Ngumiti penggingisi penggingisi Penggingisi Midsmile Penggingisi


/peng:gi:ngísi/
/Pénggíngísí/ /penggingisi/ /Midsmìle/

23.Pusa Bedong Sika Sika Sika Sika


/sí:ka/
/bédông/ /sīka/ /Sí:ka?/

24.Lamok Kasuk Taganak Daladep Taganak Taganek


/tege:nek/
/Kásuk/ /daladèp/ /Taganèk/

25.Sumbrero Tubaw sapyo Sapyu Sapyu Sapiyo


/sapi:yú/
/Túbaw/ /sapyù/ /Sapyù/
 Sa wikang Maguindanaon, mapapansin
dito na ang isang salitang Filipino ay
maraming maitutumbas na salita sa
Wikang Maguindanaon. Sa limang uri ng
Wikang Maguindanaon makikita rin na
may pagkakaiba at pagkakatulad na mga
salita. Bagaman may pagkakaiba ang
salitang Maguindanaon subalit iisa pa rin
ang kahulugan.
 NATUKLASAN
 Ang natuklasan ng mga mananaliksik sa
pag-aaral na kanilang ginawa tungkol sa
mga salita ng limang uri ng Maguidanaon
o Wikang Maguindanaon.Natuklasan nila
ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga
salita nito, maging ang tono sa pagbigkas
ng mga salita ay sadyang may kaibahan.
Bagaman magkaiba man o magkatulad
ang kanilang mga salita ay nagkakaisa pa
rin sila pagpapakahulugan.
 Konklusyon.

 Ang Barayti at Baryasyon sa Wikang


Maguindanaon ng mag-aaral ng AB
Filipino MSU-GSC ay nagaganap sa mga
taw sa ilod- Maasim, taw sa laya-
Maguindanao at Cotabato sa suk-
Malapatan, taw sa bala-Gensan at taw sa
biwang- Palimbang Sultan Kudarat. Kung
kaya’t ang kanilang pagsasalita ay
naimpluwesyahan ng kanilang lugar na
kinalakhan o kinaroroonan.

You might also like