pananaliksik, ang nagbibigay linaw sa mga hakbangin o prosesong dapat sundin sa gawaing pananaliksik. Kabanata I. Ang Suliranin at Sandigan Nito A.Rasyonal, Panimula o Kaligiran ng Pag-aaral B.Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral C.Pagpapahayag ng Suliranin D.Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral E.Batayang Konseptuwal o Teoretikal na Gabay F.Saklaw at Delimitasyon G.Pagbibigay-Kahulugan sa mga Katawagan o Terminolohiya Kabanata I Ang Suliranin at Sandigan nito A. Rasyonal, Panimula o Kaligiran ng Pag-aaral (Rational, Introduction, Background of the Study) • Sa bahaging ito ibinibigay ng mananaliksik ang paunang paliwanag ukol sa nagging basehan sa pagsasagawa ng nasabing pananaliksik. Hindi ito kailangang maging napakahaba at napakaligoy. Gawing tiyak ang paglalahad sa bahaging ito upang bigyan ng kaisipan ang mambabasa hinggil sa iyong pananaliksik. • Dito tinatalakay ang mga sagot sa tanong na ANO at BAKIT. Ano ba ng tungkol sa iyong pinag-aaralang paksa at Bakit kailangan pa itong pag-aralan. Sa mga mananaliksik na mag-aaral, ang isa at kalahating pahina sa bahaging ito ay maaari na o sapat na. B. Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral (Review of Related Literature) • Ang bahaging ito ay ang mga nabasa, napag-aralan ng mananaliksik na akda, artikulo na kaugnay o kapareho ng ilang aspeto ng kanyang pag-aaral na nabasa niya buhat sa mga libro, pahayagan, magasin, journal, at iba pang katulad na uri at sa mga tesis o disertasyon. B. Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral (Review of Related Literature) • Ang mga nabasang akda, artikulong umuugnay sa sulating pananaliksik na buhat sa mga aklat, pahayagan, journal, at magasin ay tinatawag na mga kaugnay na literature at ang sa mga tesis at disertasyon naman ay tinatawag na mga kaugnay na pag-aaral. C.Pagpapahayag ng Suliranin (Statement of the Problem) • Ang bahaging ito nagsisiwalat ng mga suliraning target na matatagpuan ang solusyon sa pamamagitan ng pananaliksik. • Dito ay babanggitin ang sanhi o layunin ng pananaliksik na maaaring sa anyong patanong o simpleng paglalahad ng layunin. Iaanyo itong nangunguna ang pangkalahatang layunin na susundan ng 3 o mahigit pang tiyak na layunin. D. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral (Objective and Significance of the Study) • Ipinapahayag sa bahaging ito ang layunin ng pananaliksik at ang sa palagay ng mananaliksik na maitutulong nito sa lipunang kasangkot at sa pangkalahatan. E. Batayang Konseptuwal o Teoretikal na Gabay(Conceptual/Theoretical Framework) • Sa bahaging ito inilalahad ang teorya o konseptong pagbabatayan ng pag-aaral. Sa teorya o konsepto ring ito iaangkla ng mananaliksik ang sariling pagtingin sa paksang pinag-aaralan gayundin ang mga ideyang dapat palitawin sa ginawang pananaliksik. F. Saklaw at Delimitasyon (Scope and Limitation) Naglalaman ang bahaging ito ng tiyak na bilang ng mga kasangkot sa pag-aaral, tiyak na lugar, at ang hangganan ng kanyang paksang tatalakayin sa pananaliksik pati na ang tiyak na panahong sakop ng pag-aaral. F. Saklaw at Delimitasyon (Scope and Limitation) Ipinakikita sa bahaging ito ang lawak ng sakop na ginagawang pananaliksik. Ipinaaalam din dito ang mismong paksa ng pag-aaral gayundin ang katatagpuan ng mga datos na kakailanganin sampu ng populasyon o bilang ng mga respondent na sasagot sa inihandang mga tanong. G.Pagbibigay-Kahulugan sa mga Katawagan o Terminolohiya (Definition of Terminologies) • Inilalagay ang bahaging ito upang matulungang maunawaan ng mambabasa ang kahulugan ng salitang sinamit ng mananaliksik sa sulatin na maaaring bago sa kanya. Maaari rin naming ang bahaging ito ang makapagbigay ng linaw sa nais tukuyin ng mananaliksik hinggil sa kanyang sulatin. masasabing may ilang sulaying pananaliksik ang hindi nagsasama ng bahaging ito sa kanilang sulatin. G.Pagbibigay-Kahulugan sa mga Katawagan o Terminolohiya (Definition of Terminologies) • Dito binibigyang-kahulugan ang mga salitang mahahalaga o pili na ginamit sa pananaliksik. Binibigyang-linaw ang mga ito sa paraang kung paano ito ginamit sa loob ng pangungusap. Sa maikling sabi operational meaning ng salitang bibigyang-kahulugan sa paalpabetong anyo. Nauuna ang A hanggang sa kung ano ang pinakhuling letra ng simula ng salita. Kabanata II. Metodolohiya A.Pagkuha ng mga Kasangkot sa Pag-aaral B.Pamamaraan sa Pananaliksik C.Pangongolekta ng Datos D.Pag-aanalisa ng Datos 1. DISENYO NG PANANALIKSIK. Nililinaw sa bahaging ito ang ginamit na disenyo ng pananaliksik. Kadalasan desciptiv- analitik dahil di ito ang para sa mga baguhang mananaliksik dahil di ito nangangailangan ng paggamit ng masalimuot na gamit ng istalistik. Maaring suriin lamang lamang ito ng mga datos o informasyon na nakalap bunga ng isinagawang sarvey. 2.RESPONDENTE/RESPONDYANTE. Dito inalalahad ang eksaktong bilang ng mga sumagot sa inihandang kwesyoner- sarvey. Inihahayag dito ang maikling profyl ng mga respondente gayundin at paano sila pinili. 3. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK. Dito makikita ang ginamit na mga talatanungan sa pagkalap ng mga inpormasyon o datos na gagamitin ang deskriptiv- analitik. Ang instrumento sa pananaliksik ay maaaring sarvey, talatanungan, interbyu o panayam.