Pagsunud-sunurin ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang aralin.
Piliin ang tamang
letra ayon sa pagkasunud-sunod. a. Tinalunton ng Morong gerero ang pinanggalingan ng mga buntunghininga at hibik. b. Nakita ng binatang nakagapos ang dalawang leon at kanyang naunawaan na tungtong na sa guhit ang kanyang buhay. c. Kinalag ng Morong gerero sa pagkakatali ang binata at kanya itong inalagaan hanggang sa muli itong lumakas. d. Sa isang puno ng cipres sa may gitna ng gubat nakatali ang binatang kalunos-lunos ang kalagyan. e. Maihahalintulad kay Marteng biglang lumitaw sa lupa ang Morong gerero sa kanyang pagwasiwas ng mapag-adyang kamay. f. Nang siya ay magkaroon ng malay, nagulat siya ng mamataan ang Morong kumalinga sa kanya. g. Matapos magpasalamat sinimulang isalaysay ng binata ang kanyang buhay. h. Sa matinding paghihinagpis ay napayukayok ang binatang kristiyano. i. Narinig ng isang Morong gerero na galing sa kaharian ng Persya ang pagtangis ng isang binata.