Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

 CLAVERIA

 DELOS SANTOS
 GALVEZ
 RIAZA
*

* Ang katawagang Kapitan Sino ay ang


aksidenteng palayaw kay Rogelio
Manglicmot ng taong bayan. Noong simula
ay wala namang tawag sa bida ang mga tao.
Nagkataon lamang na noong iniligtas niya
ang isang estudyanteng kinidnap ng mga
rebelde, may mga taong nagtaka na kung
sino nga ba ang estrangherong
tagapagligtas. May sumigaw na "Hindi ba si
Kapitan 'yon?" Sabay habol nang isa na
"Kapitan? Sino?" at pamula noon,
nakasanayan na ng tao na tawagin ang
bidang "Kapitan Sino".
*
Visual Print Enterprises
Address: 2810 Alacaver Street, Makati
Phone: (02) 845 2703
*
Galing sa *
Non-Fiction
ABNKKBSNPLAko?! (2001)

salitang * Bakit Baliktad Magbasa ng Libro


ang mga Pilipino? (2002)

Bobong * Ang Paboritong Libro ni


Hudas (2003)
Pinoy, * Stainless Longganisa (2005)
*
website na
56 (2018)
Fiction
*
ginawa ng *
Alamat ng Gubat (2003)
Macarthur (2007)

awtor. * Kapitan Sino (2009)


* Ang mga kaibigan ni Mama
susan (2010)
* Lumayo ka nga sa Akin (2011)
* Si (2014)
*
Dekada 80
Bayan ng Palaez
*Ang bayan ng Pelaez ay maihahambing sa ating bansang
Pilipinas, sina Aling Baby, Aling Precious, Aling Chummy at ang
kaptid ni Mang Jose ay sumisimbolo sa mga tao sa ating bansa na
halos ibunton ang lahat ng sisi sa gobyerno, mga taong gustong
makamit ang pagbabago pero wala namang ginagawa.
*
·Rogelio Manglicmot/ Kapitan Sino
Ang pangunahing tauhan sa kwento. Isang ordinaryong
binata, katatamtaman ang katawan at kayumanggi ang kulay,
residente ng Pelaez na sinubok ng tadhana ng tanggapin niya
ang hamon na maging isang bayani para magligtas sa kanyang
kapwa.
·Mang Ernesto
Ang tatay ni Rogelio, isang matandang mabigat ang loob
dahil sa kanyang sakit, sa huling bahagi ng kwento ay
matutuklasan ang tunay na dahilan ng kanyang di gaanong
mabuting pakikitungo sa kanyang pamilya.
·Aling Hasmin
Ang mabait at maunawaing nanay ni Rogelio.
·Bok-Bok
Kababata ni Rogelio at nagsisilbing sidekick ni Kapitan Sino,
siya ang unang nakaalam ng tungkol sa itinatagong
kapangyarihan ni Rogelio at nagkumbinsi sa kaibigang maging
superhero upang makatulong sa kapwa.
·Tessa
Kababata ni Rogelio at ang babaeng tinitibok ng kanyang puso.
·Mayor Solomon “Omeng” Suico
Ang mabait at mapagkawanggawang mayor ng Pelaez subalit
mayroong misteryosong katauhan.
·Aling Precious
Kapitbahay ni Rogelio na laman lagi ng kalye, madalas
kapayabangan ni Aling Baby.
·Aling Baby
Ang mortal na kaaway ni Aling Precious, laman rin lagi ng kalye.
· Aling Chummy
Ang nagpakulong kay Rogelio dahil hindi umano napigilan ng binata
ang kanyang asawa sa paninigarilyo kaya ito namatay.
·Anghela
Ang manikurista na tagapagdala ng “balita” kina Aling Baby.
·Mang Berto
Ang tanod ng barangay.
·Mang Jose
Ang napabalitang nawawala kasama ng kanyang mga anak at
magulang.
·Jo
Residente ng Pelaez na nangangalakal ng basura at madalas
manghiram ng kariton kay Rogelio.
·Ging-Ging
Ang makulit na batang laging bumibili sa “sari-sari store” ni
Rogelio,nagging malungkutin simula ng mamatay ang binata.
·Vice Mayor Virgilio Samonte
Ang naghanda ng palabas para bigyan ng parangal si Kapitan
Sino.
·Dating Heneral
Kapatid ni Mang Jose. Nagwala at nagbato ng granada sa araw
ng parangal para kay Kapitan Sino dahil hindi umano nito nailigtas
ang kanyang kapatid.
*
•(Unang Kabanata)
Kinulit na naman si Rogelio ng bata. Pilit kasi itong bumibili ng chichiria sa shop ni
Rogelio Manglicmot. Hindi na kasi ito tindahan bagkus ay repairing shop na ngunit sumikat ang
shop sa karatulang Hasmin’s Eatery. Pag-alis ni Ging-ging, ang pangalang ibinansag ni Rogelio sa
batang makulit, tumuloy na si Rogelio sa pagkukumpuni ng mga sirang gamit.

•(Ikalawang Kabanata)
Kumakain ang pamilya Manglicmot kung saan nagkaroon ng kaunting sagutan.
Kinahapunan, bumalik si Rogelio sa shop. Dito nagsimulang mapansin ni Bok-bok, ang matalik na
kaibigan ni Rogelio, ang kapangyarihan ni Rogelio. Nag-brownout sa kanilang lugar ngunit ang
bumbilya sa ulunan ni Rogelio ay nakasindi pa rin.

•(Ikatlong Kabanata)
May isang lalaki ang nakikinig sa isang recording ng isang duktor na nagpapaliwanag
tungkol sa isang kakaibang sakit. Ang duktor sa recording ay si Dr. Chua na sumakabilang-buhay
na.

•(Ikaapat Kabanata)
Sa shop, si Bok-bok ay pilit kinukulit si Rogelio ukol sa sinasabing kapangyarihan nito. Sa
panig naman ni Rogelio, ayaw niyang tanggapin ang sinasabing kapangyarihan. Sa dulo ay
nakumbinsi ni Bok-bok si Rogelio na gamitin ang kapangyarihan niya sa kabutihan. At bigla
namang may sumigaw sa labas, humihingi ng tulong.

•(Ikalimang Kabanata)
Ang kumpol ng tao ay nasa shop ni Rogelio at sabay-sabay na nanonood ng Newswatch sa
•(Ikaanim na Kabanata)
Mainit ang ulo ni Aling Baby habang kasama ang kanyang mga anak papauwi sa
kanilang bahay nang makita sila ng isang pamilyar na lalaki sa isang van. Inalok ng drayber
ng van na sumabay na sila. Pumayag naman sila Aling Baby. Ikinuwento ni Aling Baby ang
tungkol sa kanyang asawang nasa ibang bansa.
Nang makababa na sila Aling Baby, nakasalubong ng drayber si Mercy. Ang drayber
pala ay si Mayor ... o mas gustong tawaging Omeng na lang.

•(Ikapitong Kabanata)
Sa shop, ipinakita ni Bok-bok kay Rogelio ang isang patalastas sa pahayagan. Ang
Khumbmela daw ay tinawagan ni Bok-bok upang magtanong ng pagpapagawa ng costume ni
Rogelio. Tulad ng inaasahan ni Bok-bok, hindi nagustuhan ni Rogelio ang presyo ng costume
kaya nagdala rin ito ng mga ready-made na damit.
Naroon din si Tessa, bulag na matalik din nilang kaibigan, na siyang nagtahi at nag-
ipon ng mga costume na nasa kahon na pagpipilian ni Bok-bok.

•(Ikawalong Kabanata)
Si Aling Precious at kumpol ng kanyang mga anak ay nasa isang hanay ng upuan sa
kalsada ng Pelaez. Doon ay nakipagkuwentuhan si Aling Precious sa naka bisikletang si Mang
Berto.

•(Ikasiyam na Kabanata)
Ang tatlo ay nasa shop na naman upang kumpletuhin ang costume ni Rogelio.
Binigyan siya ng isang kulay pilak na helmet. Ayos naman daw sa pakiramdam asabi ni
Rogelio.
Sa kanilang pagkukulitan ay may narinig si Rogelio na nagsasabing “Holdap!”. Kaya
tumungo ito kaagad sa Bangko Suico. Palpak na naman si Rogelio dahil isa pala itong shooting
ng pelikula.
•(Ikalabing-isang Kabanata)
Sa isang kumpol ay nagtsitsimisan na naman ang mga tao ng Pelaez tungkol sa kumakalat na
halimaw.

•(Ikalabing-dalawang Kabanata)
Nangulit na naman si Bok-bok sa shop habang seryosong nagkukumpuni ng sirang vaccum cleaner si
Rogelio at siya naman ay nagtitiris ng garapata ni ET, ang aso ni Rogelio. Doon ay nag-isip sila ng maaaring
pangalan ni Rogelio. Naisip ni Bok-bok na Mighty Man ngunit hindi nagustuhan ni Rogelio. May sarili naman
itong panukala ... Super Strength daw na agad namang tinawanan ni Bok-bok. Habang humahalakhak si Bok-
bok ay nakita naman ni Rogelio ang mga bata sa labas na naglalaro. Ang pangalang Kapitan Sino ang
kanyang naririnig. Lumingon-lingon pa sila at puro Kapitan Sino ang kanilang nakikita. Mula sa t-shirt,
poster, sticker at headline ng tabloid.

•(Ikalabing-tatlong Kabanata)
Si Tessa at Rogelio ay nakakita ng lugar na pwedeng makapagkuwentuhan. Isang gabi sa itaas ng
Sto. Domingo church habang nakatanaw sa bayan ng Pelaez.
Doon ay nagkuwentuhan, nagkulitan at nagkatapatan ang dalawa at nakaramdam ng kanilang
pagmamahalan.

•(Ikalabing-tatlong Kabanata)
Kumakalat na sa Pelaez ang balitang may isang halimaw daw na kumakalat at dumudukot ng mga
biktima. Isang gabi, nang patulog na si Rogelio ay may narinig itong tinig. Lumabas ito at napadpad sa isang
madilim na lugar. Doon ay nakaharap niya ang sinasabing halimaw ng Pelaez. Sa loob ng lumang ospital ay
nagbanatan at naglaban ang bayani at ang halimaw. Nang manghina ang halimaw ay lumabas si Mayor
Suico. Ang halimaw pala ay ang anak niyang si Michael na may kakaibang katauhan. Kailangan daw ni
Michael ng dugo. Maya-maya’y bumulwak na ang dugo mula sa tagiliran ni Michael dahil nagsgas mula sa
kinakalawang na tubo ng lababo.
Matapos ang laban, naalala ni Rogelio ang biktima. Nakita niyang ito pala’y si Tessa. Ngunit
balewala ang pagligtas niya dito dahil wala nang buhay si Tessa.

•(Ikalabing-apat na Kabanata)
Sa dati pa ring tambayan makikita sina Mang Berto, Mang Boy, Aling Precious at mga anak nito, Aling
Chummy at si Anghelang manicurista.
•(Ikalabing-anim na Kabanata)
Dumating ang araw kung saan naisipan ng mga taga-Pelaez, sa pangunguna ng bise mayor na si Virgilio
Samonte. Malaki ang piging na naihanda. May mga artista pang kinuha ang bise mayor. Sa araw na iyon ay itinakdang
bigyan ng P30,000 si Kapitan Sino bilang pasasalmat. Ngunit, maraming naghangad dito kaya suot-suot ang costume ni
Kapitan Sino ay nagsulputan ang mga pekeng Kapitan Sino.
Nang magkagulo na ang madla, isang lalaki ang naghagis ng granada. Tumakbo ang lahat. Pagkaalis ng usok ay
nakita ni Aling Precious na dinaganan pala ni Rogelio ang granda – patunay na siya ang tunay na Kapitan Sino.
Sugatan ay sinampal ito ni Aling Chummy. Kinausap ni Bok-bok ang humahagulgol na si Aling Chummy kung
bakit. Wala raw ginawa si Kapitan Sino noong mamatay ang asawa niya sa lung cancer. Wala nang nagawa ang mga
taga-Pelaez kundi hulihin at ikulong si Rogelio at si Bok-bok (kasabwat daw).

•(Ikalabing-pitong Kabanata)
Sa loob ng presinto ay walang magawa ang magkaibigan kundi magpustahan na lang tungkol sa kanilang mga
paboritong cartoons. Nagalit man ang pulis na nagbabantay ay tuloy pa rin ang dalawa.
Maya-maya ay may narinig silang balita sa transistor na nakabukas. Sinasabi sa radio ang isang sakit na
kumakalat na rin sa bansa.
Ilang saglit ay tumayo at lumabas ang pulis nang makita ang mga taga-Pelaez na nagkakagulo sa labas.

•(Ikalabing-walong Kabanata)
Matapos ang kaguluhan at pagkabalita tungkol sa salot na kumakalat, nagkakagulo naman ngayon ang mga
taga-Pelaez upang bumili ng mga pagkain. Kalat na ang tungkol sa sakit kaya hanggang simbahan ay sinasabi na ng
pari na magugunaw na raw ang mundo.
May nabalitaan sila na isang 42-anyos na lalaki raw ay namatay sa Palawan dahil sa hypovolemic shock.
Kumlat ito sa mga tabloid na agad ikinatakot ng lahat.

•(Ikalabing-siyam na Kabanata)
Makalipas ang ilang araw ay nakarating na ang mga duktor ng CDC sa Pelaez. Nakapila ang lahat upang
matignan ang mga dugo.
Ilang oras pa ay mayroon na raw lunas ang kanilang sakit. Nakita ito ng isang Italyanong doktor sa dugo ni
Rogelio. Kaya naman, kinuhanan nila ng dugo ang maysakit na si Rogelio. Ang nakuhang dugo sa kanya ay lampas sa
tamang dugo lang na maaaring kunin.
Hilonh-hilo si Rogelio na naglakad. May nakasalubong itong lalaking may hawak na bata. Tinanong siya nito
kung nakakagamot ang dugo niya. Oo raw. Kaya sinaksak niya si Rogelio at isinawsaw ang kamay sa dugo ni Rogelio at
ipinahid sa anak.

•(Ika-dalawampung Kabanata)
*
 Naturalismo ito sapagka't ayon sa mga katangian
ng isang naturalistang akda ito nabagay. Ang mga
katangiang ito ay ang pesimistikong daloy ng
kwento na makikita naman sa pagbibintang sa bida
ng mga bagay ng hindi naman niya kasalanan na
nauwi sa pagkakakulong dito at pagkamatay.

Ang isa pang katangian ay ang paglalarawan ng


katotohanan. Kahit hindi totoong may mga taong
may kakaibang lakas, makikita natin na ang mga
tao ay parating nakaasa sa iba. Makatotohanan din
na ang mga tao ay parating humahanap ng
mapagbubuntungan ng sisi nang sa gayon hindi
maipakamak ang sarili.
*KABUUANG KAISIPAN
Hinihintay natin ang iba kung kailan sila kikilos para mapabuti ang ating bayan
pero tayo kahit minsan hindi natin sinusubukan na mapabuti ito. Hindi
kailangang maging presidente ng Pilipinas, maging mayaman, maging malakas,
maging superhero o sumali sa Miss Universe para makatulong upang mapabago
ang kalagayan ng ating bansa, sa mga simpleng gawain nagsisimula ang
pagbabago, katulad ng pagsunod sa mga simpleng batas gaya ng pagtawid sa
tamang tawiran, pagbaba at pagsakay ne jeep sa tamang lugar, pagtapon ng
basura sa tamang lugar at marami pang ibang maliliit na bagay, dito
magsisimula ang lahat, ang pagbabago!

Tayong lahat ay may kakayahang tumulong, obligasyon nating gawing mabuti


ang buhay natin. Ang lahat ay magsisimula sa sarili hindi sa iba. Madalas isinisisi
natin sa iba ang mga kapalpakang nangyayari sa buhay natin, dahil hindi natin
matanggap na nakakagawa tayo ng mali at madalas bilang tao ay iniisip lang
natin ang sarili natin, lagi nating hinihintay na may gawin ang ibang tao para sa
atin ngunit tayo mismo ay wala rin namang ginagawa para sa iba.

You might also like