Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

ORGANISASYON

NG PAPEL
REPORTER: JOYMIE LOU I. NACABU-AN
-Matapos mong isaayos at suriin ang
mga nakalap mong talâ, ang susunod mo
namang gagawin ay kung paano mo
i-o-organisa ang mga kaiisipang ito upang
maisulong mo ang tesis ng iyong sulating
pananaliksik. Sa pag-oorganisa ng papel,
isinasaalang-alang ang tesis at ang mga
datos o impormasyong nasuri.
-Mahalaga ang organisasyon ng papel
sa pagsulat ng pananaliksik sapagkat ito
ang susi upang madaling maunawaan
ang iyong papel, kayâ nararapat lámang
na humanap ng paraan upang mahusay
na mapagtagni-tagni ang talang nakalap.
Maaari mong gamitin ang alinman sa
sumusunod na mga prinsipyo sa pag-
oorganisa ng papel:
KRONOLOHIKAL
-Ginagamit ang prinsipyong ito kung
ang datos o impormasyon ay ayon sa
pagkasunod-sunod ng pangyayari.
Kung ang iyong paksa ay naglalahad ng
proseso o pangyayari o maging
kasaysayan.
HALIMBAWA

* Ang political dynasty sa Pilipinas

* Ang ebolusyon ng telepono


HEYOGRAPIKAL O
BATAY SA ESPASYO
-Ginagamit ito kung ipapakita at
ipapaliwanag ang lokasyon, lugar, o iba
pang paggamit ng espasyo.
HALIMBAWA

* Ang mga internet café sa paligid ng mga


paaralan at pamantasan

* Ang sistema ng edukasyon sa kabihasnan


KOMPARATIBO
-Ginagamit kapag nais ipaliwanag o
ipakita ang pagkakatulad at/o ang
pagkakaiba ng dalawang bagay, tao,
prinsipyo, o kaisipan.
HALIMBAWA

* Ang paggamit ng e-book at ng


tradisyunal na aklay

* Ang mano-manong pagbilang ng boto


at PCOS machine
SANHI / BUNGA
-Ginagamit kung nais bigyang-diin ang
sanhi at bunga ng isang paksang
sinisiyasat. Maaaring alam na ang sanhi at
sisiyasatin ang bunga, o kayâ ay alam na
ang bunga at sisiyasatin naman ang sanhi.
HALIMBAWA

* Ang kinahihinatnan ng mga mag-aaral


na nalululong sa computer games

* Ang dahilan ng maagang pag-aasawa


PAGSUSURI
-Ang prinsipyong ito ay ginagamit kung
nais ipakita ang paghihimay-himay ng
isang buong kaisipan.
HALIMBAWA

* Ang lagay ng paggawa ng indie films sa


Pilipinas

* Ang katotohanan sa likod ng modus na


“tanim/laglag-bala
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa
mga prinsipyong ginagamit sa organisiyon ng
papel. Maaaring gumamit ng higit sa isang
prinsipyo upang ma-debelop ang iyong papel.
Kung minsan nga ay nagagamit ang lahat ng
mga prinsipyong nabanggit, ngumit
karaniwang may isa o dalawang prinsipyo
kang gagamitin upang maisulong o ma-
debelop ang iyong papel.

You might also like