Bske-2018-Watchers Module

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 45

COMMISSION ON ELECTIONS

WATCHERS’ MODULE
PARA SA MAY 14, 2018 BARANGAY AT
SANGGUNIANG KABATAAN ELECTIONS
ANO ANG PAGBABAGO SA 2018 BSKE

Ayon sa SK Reform Act ang edad ng Katipunan ng


mga Kabataan ay mula 15 hanggang 30 years old.
Dahil dito meron tayong tatlong (3) kategorya ng
botante:

• 15 – 17 Sangguniang Kabataan

• 18 – 30 Sangguniang Kabataan at regular na botante

• 31 pataas – regular na botante


MGA IHAHALAL NA OPISYAL

BARANGAY
1 PUNONG BARANGAY
7 BARANGAY KAGAWAD

SANGGUNIANG KABATAAN (SK)


1 SK CHAIRPERSON
7 SK KAGAWAD
ANG ELECTORAL BOARD

THIRD MEMBER

Komposisyon:
1. Chairperson
2. Poll Clerk POLL CLERK

3. Third Member CHAIRPERSON


ANG ELECTORAL BOARD
Katangian:

➢Rehistradong botante ng Lungsod


➢May magandang reputasyon (good moral character)
➢Mapagkakatiwalaan at maaasahan
➢Hindi pa naparusahan ng anumang election offense o
nahatulang makulong ng higit sa anim na buwan at walang
nakasampang kaso ng election offense sa kasalukuyan.
➢Marunong magsalita at sumulat ng English, Filipino o local
dialect.
ANG ELECTORAL BOARD

Katungkulan:

➢Isagawa ang pagboto at pagbilang ng mga balota

➢Panatilihin ang kaayusan at katahimikan sa lugar ng botohan

➢Ipatupad ang anumang kautusan mula sa COMELEC


ANG ELECTORAL BOARD

➢Isagawa ang pagboto at pagbilang ng mga balota


Araw ng Election : May 14, 2018
Oras ng Botohan : 7AM to 3PM

Pagsapit ng 3:00 PM at may mga tao pang nais bumoto sa loob ng 30 meters,
ipagpapatuloy ang botohan hanggang lahat ng botante ay makaboto. Ililista ng Poll
Clerk ang pangalan ng mga botante at tatawagin ng 3 beses ang kanilang pangalan
ayon sa pagkakalista upang makaboto. Ang botante na nasa listahan pero wala na
nang tawagin ng Poll Clerk ang pangalan ay hindi na makakaboto.
Sino ang maaaring bumoto : Rehistradong botante ng presinto:

a) Ang pangalan ay nakalista sa PCVL at EDCVL

b) Miyembro ng Electoral Boards na nais gamitin ang kanilang


voting privelege.
Ang karapatan ng isang botante na makaboto ay maaaring
hadlangan sa sumusunod na dahilan:

a) illegal voters
b) illegal acts
ANG ELECTORAL BOARD

Sino ang mga illegal voters:

a) Hindi rehistradong botante


b) Gamit ang pangalan ng iba para makaboto;
c) Hindi pinapayagang makaboto (ex: mayroong court order);
d) Double o multiple registrants
Kung may paratang na ang isang tao ay illegal voter,
magsasagawa ang EB ng karampatang aksyon para
mapatunayan kung totoo o hindi ang paratang, ex: hihingi ng
proof of registration, ID, o kung anumang ebidensya.

*ito po ay kadalasang trabaho ng watchers


Hindi kailangan na hingan ng Voters ID o anumang ID
ang isang botante maliban kung me question sa kanyang
katauhan. Kung walang maipakitang ID o anuman
pagkakakilanlan, sinumang rehistardong botante sa nasabing
barangay ay pwedeng patotohanan (under oath) ang
katauhan ng nasabing botante. Ito ay dapat ilagay sa Minutes
ng mga EBs.
Illegal acts

a) Tumanggap o umaasang makatanggap ng anumang pera


o pabuya kapalit ng kanyang boto (vote buying)

b) Nakisali sa isang pustahan tungkol sa magiging resulta ng


election.
Ang botante na pinaparatangan na sangkot sa illegal act
ay manunumpa sa harap ng EB na hindi totoo ang paratang sa
kanya at papapirmahin ng EB sa isang kasulatan. Matapos
nito ay bibigyan na ang botante ng pagkakataon na bumoto.
Pag ayaw manumpa ng botante, siya ay hindi papayagang
makaboto.

*posibleng kasuhan ng PERJURY


BAGO ANG BOTOHAN

BAGO ANG ACTUAL NA BOTOHAN

Chairperson -- Official Ballot aT ballot box


Poll Clerk -- EDCVL, Minutes at Indelible Ink
Third member – PCVL at pagaayos ng pila ng mga botante
BAGO ANG BOTOHAN

BAGO ANG ACTUAL NA BOTOHAN:

1. Magkikita ang EB sa presinto kung saan sila nakatalaga 6AM para i-


check ang mga forms, documents at supplies na gagamitin sa election ;
2. Ipapaskil ang isang (1) kopya ng PCVL sa labas ng presinto;
3. Ididisplay ang poster na nagsasaad ng precinct number para sa
kaalaman ng mga botante;
BAGO ANG BOTOHAN

4. Ayusin ang polling place nang naaayon sa lay-out;

5. Ikabit ang Certified List of Candidates sa loob ng Ballot Secrecy Folder;

6. Ilagay ang Ballot Secrecy Folder sa ibabaw ng mesa.


BAGO ANG BOTOHAN

Bago umpisahan ang botohan, ang Chairperson ay:

1) Bubuksan ang ballot box at ipapakita sa lahat na ito ay walang


laman. Pagkatapos ito ay isasara at lalagyan ng padlock at ang susi
ay hahawakan ng Poll Clerk.

2) Ipapakita sa lahat ang gagamiting balota, mga forms at supplies


upang masiguro na ang mga ito ay hindi pa nagamit.
HABANG BOTOHAN
MGA PANUNTUNAN HABANG ISINASAGAWA ANG BOTOHAN:

a) Ang mga botante ay buboto ayon sa first come, first


served rule.

Bibigyan ng priyoridad ang mga PWDs, Senior Citizens at


buntis (heavily pregnant)

*Magtatalaga ng EXPRESS LANE para sa kanila.


HABANG BOTOHAN

b) Hindi papayagan ang mga WATCHERS na pumasok sa lugar kung


saan actual na bumoboto ang mga botante, o sa puwesto ng EB;
c) Hindi papayagang makapasok sa polling place ang sinumang tao
na me baril o armas na nakamamatay;
d) Limitadong numero ng botante at watchers lang sa loob ng polling
place;
e) Mananatiling sarado ang takip ng ballot box mula umpisa
hanggang matapos ang botohan.
HABANG BOTOHAN
MGA PINAGBABAWAL HABANG MAYROONG BOTOHAN:

a) Ilabas ng polling place ang balota o Ballot Secrecy Folder maliban


sa mga botanteng PWDs, Senior Citizens, Buntis
b) Makipagusap kaninuman sa loob ng polling place
c) Sumulat sa balota na hindi gamit ang Ballot Secrecy Folder o
ipakita ang balota sa kung sinuman
d) Burahin ang anumang nakasulat sa balota (magiging marked
ballot at gagawing stray votes)
HABANG BOTOHAN

e) Gumamit ng carbon paper, paraffin paper o anumang paraan


para kopyahin ang nakasulat sa balota. Bawal din ang pag gamit
ng cellphone camera o anumang katulad na gadgets.
f) Sadyang punitin o sirain ang balota
g) Guluhin o tangkaing guluhin ang botohan
HABANG BOTOHAN

MGA TAONG PINAPAYAGANG MANATILI SA LOOB NG POLLING PLACE:

1) Miyembro ng Electoral Board


2) Watchers;
3) Mga botanteng bumoboto;
4) Mga botanteng nagaantay ng pagkakataon bumoto; at
5) PPCRV, NAMFREL, at iba pang me authorization galing sa
COMELEC.
WATCHERS
WATCHERS
Sino ang pwedeng magtalaga ng Watchers:
Ang isang KANDIDATO ay maaaring magtalaga ng isang (1) watcher sa
loob ng polling place o canvassing center.
Accredited citizens arms ng COMELEC ay maaaring magtalaga ng
isang (1) watcher.
At ibang organisasyon na me pahintulot ng COMELEC ay pwede
magtalaga ng isang (1) watcher.

*Pag masikip ang lugar, ang EB ang may desisyon kung sino ang
pwedeng manatili sa loob ng polling place.
WATCHERS

Katangian ng mga Watchers:


➢Rehistradong Botante ng barangay o miyembro ng Katipunan ng
Kabataan
➢May magandang reputasyon
➢Hindi naparusahan ng anumang election offense
➢Marunong bumasa at sumulat ng Filipino, English o local dialect.
➢Hindi kamag-anak hanggang 4th degree ng consanguinity o affinity ng
miyembro ng Electoral Board
WATCHERS
WATCHERS
Karapatan ng mga watchers
➢Manatili sa lugar na nakalaan para sa mga watchers sa loob ng presinto
➢ Saksihan ang kaganapan habang botohan
➢ Kumuha ng notes
➢ Kumuha ng larawan (maliban ang balota)
➢ Maghain ng protesta (ex: illegal voter)
➢ Makakuha ng kopya ng protest form
➢ Makita ng walang harang ang ballot box
➢ Mabigyan ng kopya ng Certificate of Votes
MGA PERSONALIDAD NA HINDI PWEDENG NASA LOOB NG PRESINTO
a. Opisyal o miyembro ng Armed Forces of the Philippines o nang
Philippine National Police (PNP)
b. Peace Officer o sinumang may bitbit na armas
c. Kasalukuyang opisyal ng barangay
d. Kandidato sa election

*Maaring ipatawag ng EB sa pamamagitan ng


pagbibigay ng nakasulat na Order ang mga Pulis at Sundalo
upang mapanatili ang kaayusan ng botohan.
PARAAN NG PAGKUHA NG BALOTA

BOTANTE
➢ Titingnan ng Botante ang pangalan nya sa PCVL
➢ Lalapitan ang Third Member at sasabihin ng botante na sya ay nasa PCVL

THIRD MEMBER
➢ Titingnan kung nasa PCVL nga ang botante
➢ Pag nasa PCVL ang botante, titingnan ang kuko kung meron nang
marka ng indelible ink
➢ Hihingi ng katibayan ng pagkakakilanlan kung kinakailangan
CHAIRPERSON

➢ Sasabihin ang pangalan, precinct number at SERIAL NUMBER ng Barangay ballot


at/o SK ballot na ibibigay sa botante
➢ Authenticate ang balota sa pamamagitan ng pagpirma sa likod nito.
➢Pipirmahan ng EB Chairperson ang likod ng balota bago ito ibigay sa botante.
➢Pag hindi ito napirmahan maaaring makasuhan ng election offense ang Chairperson.
➢Hindi dapat lagyan ng pirma ng Chairperson ang balota na hindi pa gagamitin
CHAIRPERSON

➢ Sasabihan ang botante na pumirma sa EDCVL.


➢ Itutupi ang balota na ang tanging makikita ay ang serial
number nito
➢ Mamarkahan ang balota para sa SK sa pamamagitan ng
pagsulat ng salitang SK sa likod ng balota.
OPISYAL NA BALOTA

SAMPLE NG MGA BALOTA


ILLITERATE, PWDS OR SENIOR CITIZENS (SCS)

Maaaring magkaroon ng ASSISTOR:

➢ Kamag-anak sa loob ng fourth (4th) civil degree ng consanguinity o affinity; o


➢ Sinumang botante na pinagkakatiwalaan ng aassistihan na botante na
maaaring kasama nya sa kanyang bahay;
➢ Sinumang miyembro ng Electoral Board.

NOTE:
LAHAT ng ASSISTOR ay voting age.
MGA GAGAWIN MATAPOS MAKABOTO:

 Itutupi ng botante ang balota gaya nang pagkakabigay sa kanya;


 Pupunta sa POLL CLERK para ma-check ang balota
 Kapag pareho ang serial numbers sa nakasulat sa EDCVL at walang
nakitang irregularidad sa balota, ilalagay ng botante ang kanyang
thumbmark sa coupon ng balota
 Isosoli ang balota sa Poll Clerk
 Kapag hindi pareho ang serial numbers sa nakasulat sa EDCVL,
mamarkahan na SPOILED ang balota.
 Lalagyan ng Poll Clerk ng indelible ink ang kuko ng botante.
 Tatanggalin ng Chairperson ang coupon ng balota sa harap ng
botante at ito ay ihuhulog sa compartment ng ballot box na
makikita ng botante.
 Kung ayaw magpalagay ng indelible ink ang botante, ang balota
nya ay mamarkahan na SPOILED.
 Sisiguraduhin ng EB na maayos na nakapirma at naka-thumbmark
ang botante sa EDCVL.
MGA BALOTANG HINDI NAGAMIT SA ELECTION (UNUSED BALLOTS)

 Bibilangin ng Chairperson ang mga balotang hindi nagamit at ililista


naman ng Poll Clerk sa Minutes ang bilang at serial numbers ng mga
balota.
 Pupunitin ng pahaba (lengthwise) sa gitna ang hindi nagamit na
balota.
 Ang unang kalahati na napunit na balota ay ilalagay sa
envelope at ibibigay sa EO
 Ang ikalawang kalahati ng napunit na balota ay ilalagay din sa
isa pang envelope at idedeposito sa loob ng ballot box (spoiled
ballots compartment)
MGA PINAGBABAWAL HABANG BOTOHAN

Bago matapos ang botohan, ipinagbabawal sa sinumang EB ang


mag anunsyo nang:

 kung ang isang rehistradong botante ay nakaboto na


 Kung ilang botante na ang naka boto
 Kung ilang botante pa ang hindi nakaboto
 O anumang impormasyon na magbibigay ng status ng botohan
PAGBILANG NG BOTO

PAGBILANG NG BOTO:

➢Gagawin ang pagbilang sa harap ng tao (public) at dere-derecho


➢Maaaring ayusin ng EB ang loob ng polling place bago ang bilangan
➢Hindi maaaring ihinto o ipostpone ng EB ang bilangan hanggang walang
pahintulot ang COMELEC
* Uunahing bibilangin ang balota para sa Barangay, sunod ang SK
* Hindi maaaring umpisahan ang pagbilang sa balota ng SK hangga’t hindi pa
nasasabi ang resulta ng botohan sa barangay
Note: Siguraduhin na ang ballot box at mga paraphernalia gagamitin ay
nakikita ng maayos ng mga watchers at madlang tao.
PAGBILANG NG BOTO
BAGO UMPISAHAN ANG PAGBILANG
(1) Alisin
ang Paghiwala- Tingnan Ilagay ang
padlock , yin ng mabuti ang mga balota
(2) Buksan maayos balota kung para sa SK
ang ballot ang mga meron sa ballot box
box, balota sobra, at simulang
(3) Kunin para sa spoiled o bilangin ang
Barangay marked balota para
ang
at SK ballots sa Barangay
balota
PAGBILANG NG BOTO

PARAAN NG PAGBILANG NG BALOTA:


➢Bubuksan ng EB ang mga balota
➢Bibilang nang 100 piraso ng balota at bibigkisin ng goma
➢Isa-isang bubuksan ng Chairperson ang balota at babasahin ang mga
pangalan nakasulat doon

➢Ang ELECTION RETURNS (ER) aayusin ng Poll Clerk habang ang Third member
ang magsusulat sa tally board nang magkasabay habang ang mga
boto ay binabasa nang Chairperson
PAGBILANG NG BOTO

•IIII - IIII – I 11
• ISA, DALAWA, TATLO, APAT, KAHON
Matapos mabilang ang lahat ng balota, isusulat ng EB ang
kabuuang boto na nakuha ng bawat kandidato.
 Ang lahat ng nabilang na balota ay ilalagay sa envelope,
pipirmahan at seselyuhan ng EB.
Idedeposito sa loob ng ballot box ang envelope at tally board na ginamit
Sasabihin ang resulta ng election sa Barangay.
PAGBILANG NG BOTO SA SK:

 Buksan ang ballot box at ilabas ang balota para sa SK


 Isilid sa loob ng ballot box ang tally board at ibang
dokumentong ginamit sa pagbilang sa Barangay elections
 Bilangin ang balota ng SK gaya nang pagbilang sa
Barangay
 Sabihin ang resulta ng SK Elections pagkatapos mabilang
ang lahat ng balota
COMMISSION ON ELECTIONS

RULES ON APPRECIATION OF BALLOTS


COMMISSION ON ELECTIONS
MARAMING SALAMAT PO!

You might also like