Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 40

PAGPAPAUNLAD NG

BANSA KO, KAISA


AKO
Basahin nang malakas ang
kuwento.
Saan Kaya Napunta?
Masayang sinalubong ni
Dennis ang kaniyang tatay na
kagagaling lamang sa
kaniyang trabaho. Iniabot nito
Agad itong binuksan ni
Dennis. Isang maliit na pakete
na may nakaguhit na mga
kamatis ang laman nito.
Malulungkot na sana si Dennis
nang lumapit ang kaniyang
tatay. (Bakit kaya lumapit ang
Tatay?)
Niyakag siya sa likod-
bahay. Nagdukal ng lupa.
Kinuha ang pakete na
hawak ni Dennis. Hindi
nagtagal tumulong na rin si
Dennis sa ginagawa ng
kaniyang ama.
Binilinan siya ng Tatay na
diligan ito at alagaan.
Kinabukasan, maagang
nagising si Dennis. Pinuntahan
niya ang lugar na
pinagbaunan nilang mag-
ama ng mga buto. Takang-
takang siya. Wala siyang
kamatis na nakita. Saan kaya
napunta ang mga buto?
(Bakit wala siyang nakitang
kamatis?)
Sumunod na araw. Ganoon
pa rin. Wala pa rin.
Araw-araw, wala.
Hanggang sa napagod na sa
paghihintay si Dennis.
Makaraan ang ilan pang
araw nagulat na lamang si
Dennis nang mula sa
malayo ay may matanaw
maliliit na kulay berde sa
lugar na kanilang
pinagbaunan. (Ano kaya ang
natanaw niya?)
Dali-dali siyang pumunta
rito. Tuwang-tuwa siya nang
makita nga na may mga
bagong dahon na lumalabas
mula sa ilalim ng lupa. Lalo
siyang nasabik kaya tuwing
umaga, binibisita niya ito at
kung tuyo na ang lupa, agad
niya itong dinidiligan.
Ilan pang araw, lumaki na
ang halaman. Namulaklak.
Namunga. Pinagtulungan
nilang mag-ama ang
pangunguha ng naglalakihan
at nagpupulahang mga
kamatis mula sa hardin ni
Dennis.
Masayang binilang ni
Dennis ang natira niyang pera
matapos bumili ng tinapay
para sa kaniyang ina at mga
kapatid.
-Ano ang pamagat ng
kuwento?
-Tungkol saan ang kuwento?
-Ano ang pasalubong ng
Tatay ni Dennis?
-Bakit nainip si Dennis?
-Ano-ano ang pangyayari sa
kuwento?
-Anong katangian ang
ipinakita ni Dennis?
-Ano ang naging bunga nito?
-Ano ang magiging bunga
kung lahat ay magiging
katulad ni Dennis?
Gawain 1:
Iguhit ang sarili
mong pangarap.
Ilagay kung paano
mo ito matutupad.
Tandaan
Ang pang-ukol ay mga
salitang nag-uugnay sa
pangngalan, panghalip,
pandiwa, at pang-abay
sa iba pang mga salita sa
pangungusap.
Ang mga pang-ukol ay
nagsasabi kung saan
naroon ang isang bagay,
tao kung saan ito
nagmula at kung saan
ito patungo.
Nagsasaad din ito ng
kinaroroonan,
pinangyarihan, o
kinauukulan ng isang kilos,
gawa, balak, ari, o layon.
Halimbawa ng mga pang-
ukol.
sa/sa mga
ng/ng mga
ni/nina
kay/kina
sa/kay
nang may
tungkol sa/kay
para sa/kay
ayon sa/kay
tungo sa
sa ibabaw
sa pagitan
mula sa sa loob, sa
harapan, sa likod
Gawain 1:
Sumulat ng limang (5)
pangungusap na
ginamitan ng pang-ukol
na tungkol sa.
Day 2
Matutupad Na
Hindi pa sumisikat ang
araw, gising na si Maritess.
Kahit gusto pa niyang
matulog, kailangan na talaga
niyang bumangon at maligo
kahit malamig ang tubig na
inipon niya nang nagdaang
gabi. Hihigop lamang ng
mainit na gatas at lalakad na
siya.
“Pandesal, pandesal kayo
riyan!” Ito ang kaniyang
laging sigaw na nagsisilbing
orasan ng kaniyang mga suki.
Malapit nang sumikat ang
araw. Malapit na rin namang
maubos ang kaniyang
panindang pandesal. May
lima pa para kay Bb. Vasquez,
ang dati niyang guro.
Katulad ng mga nagdaang
mga araw, dumaan muli siya
sa paaralan na malapit sa
kanilang bahay. Iniabot ang
natitirang pandesal sa
kaniyang dating guro. Dala rin
niya ang mga gawain sa
paaralan na kaniyang tinapos
nang ilang araw.
May isang oras ding
magkatabi sa upuan ang
dalawa. Matiyaga niyang
pinakinggan ang mga
itinuturo sa kaniya ng
kaniyang guro. Matapos ito,
masaya nilang pinagsaluhan
ang limang pandesal na
kaniyang dala. Pag-uwi
niya may dala na naman
siyang mga bagong gawain.
Bago tuluyang maghiwalay,
iniabot sa kaniya ni Bb.
Vasquez ang isang maliit na
papel.
“ Gusto mo bang maabot
ang iyong pangarap? Ikaw
ang aming hanap!”
Napayakap nang maghigpit si
Marissa sa kaniyang guro.
“Salamat po, makababalik
na rin ako sa paaralan.
Matutupad ko na ang
aking pangarap.”
Tanong:
1. Ano ang pamagat ng
napakinggan?
2. Saan ito naganap?
3. Sino-sino ang mga tauhan
ng kuwento?
4. Ilarawan ang bawat isa.
5. Ano ang pangarap ni
Marissa?
6. Bakit muntik nang hindi ito
matupad?
7. Paano niya ito matutupad?
8. Anong katangian ni Marissa
ang dapat mong tularan?
Ipaliwanag ang sagot.
Ano ang
natutuhan mo
sa aralin?
Iguhit ang sarili
mong pangarap.
Ilagay din kung
paano mo ito
maaabot.
Day 2
Tingnan ang larawan.
Ibigay ang hinihingi ng
bawat isa tungkol sa
kuwentong “Matutupad
na”.
Pamagat
_________

Tagpuan
___________

Pangyayari
____________
_______________
________________
________________
Tauhan
Day 3

You might also like