Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

PAGBABALIK – TANAW

NI FLORANTE
SA
KANYANG
KAMUSMUSAN
172
Tugon ng may dusa’y “ di lamang ang mula
niring dalita ko ang isasalta
kundi sampung buhay sapul pagkabata
nang maganapan ko ang hingi mo’t nasa.”

173
Nupong nag – agapay sa puno ng kahiy
Ang may dalang habag at lipos – linggatong,
Saka sinalitang luha’y bumabalong
Buong naging buhay hanggang naparool.
174
“Sa isang Dukado ng Albanyang S’yudad,
doon ko nakita ang unang liwanag;
yaring katauha’y utang kong tinanggap
sa Duke Briseo . . . (Ay, ama kong liyag!)

175
“(Ngayong nariyan ka sa payapang bayan,
Sa harap ng aking inang minamahal,
Prinsesa Florescang esposa mong hirang,
Tanggap ang luha kong sa mata’y nunukal.)
Alam Mo Ba?

Ang Crotona ay isang


siyudad sa Gresya sa may
dakong Italya. Ito ang
bayan ni Reyna Floresca,
ang ina ni Florante.
176
“Bakit naging tao ako sa Albanya,
bayan ng ama ko, at di sa Crotona,
masayang siyudad sa lupa ni Ina?
disin ang buhay ko’y di lubhang
nagdusa?
177
“ Ang dukeng ama ko’y pribadong
tanungan
ng Haring Linceo sa anumang
bagay;
pangalawang puno ng sangkaharian,
hilagang tungo ng sugo ng bayan.
178
“ Kung sa kabaita’y uliran ng lahat
at sa katapanga’y pang – ulo sa s’yudad;
walang kasindunong magmahal sa anak,
umakay, magturo sa gagawing dapat.

179
Naririnig ko pa halos hanggang ngayon,
malayaw na tawag ng ama kong poon,
noong ako’y batang kinakandong-kandong,
taguring Florante bulaklak kong bugtong.
180
Ito ang ngalan ko mulang pagkabata
nagisnan sa ama’t inang nag-andukha;
pamagat sa ambil sa lumuha-luha
at kayakap- yakap ng madlang dalita.

181
Buong kamusmusa’y di na sasalitin,
walang may halagang nangyari sa akin
kundi nang sanggol pa’y kusang daragitin
ng isang buwitreng ibong sadyang sakim.
182
“ Ang sabi ni Ina, ako’y natutulog
sa bahay sa kintang malapit sa bundok;
pumasok ang ibong pang-amoy ay abot
hanggang tatlong legwas sa patay na hayop.

183
“ Sa sinigaw – sigaw ng ina kong mutya,
nasok ang pinsan kong sa Epiro mula;
ngala’y Menalipo- may taglay na pana
tinudla ang ibo’t namatay na bigla.
Alam Mo Ba?
Ang Epiro ay isang
matandang pook saTimog
– Kanluran ng Turkiya at
Hilagang – Kanluran ng
Gresya.
184
“ Isang araw namang bagong lumalakad,
noo’y naglalaro sa gitna ng salas,
may nasok na Arko’t biglang sinambilat
kupidong diamanteng sa dibdib ko’y hiyas.

185
“ Nang tumuntong ako sa siyam na taon,
palaging gawa ko’y mag-aliw sa burol;
sakbat ang plaso’t ang busog ay kalong,
pumatay ng hayo, mamana ng ibon.
186
“ Sa tuwing umagang bagong naglalatag
ang anak ng araw ng masayang sinag,
naglilibang ako sa tabi ng gubat,
madla ang kaakbay ng mga alagad.

187
“ Hanggang sa tingalin ng sandaigdigan
ang mukha ni Pebong hindi matitigan
ay sinasagap ko ang kaligayahang
handog niyong hindi maramot na parang.”
188
“ Aking tinitipon ang ikinakalat
na masayang bango ng mga bulaklak
inaaglahi ko ang laruang palad
mahinhing amiha’t ibong lumilipad.

189
“ Kung ako’y mayroong matanaw na hayop
sa tinitingalang malapit na bundok
biglang ibibinit ang pana sa busog
sa minsang tudla ko’y pilit matutuhog.
Bokabularyo
Saknong 172
Tugon - Sagot
Dalita - Hirap

Saknong 173
Nag-agapay - Naging
sandalan;Sandigan
Bumabalong - Dumadaloy
Naparool - Napahamak
Saknong 175
Esposa - Maybahay; Asawa

Saknong 176
Nagdusa - Naghirap

Saknong 178
Uliran - Huwaran;mabuting halimbawa

Saknong 179
Bugtong - Kaisa-isa
Saknong 180
Nag-andukha - tumatangkilik sa
pangangailangan
Ambil - Taguri; Palayaw

Saknong 181
Sasalitin - Sasalitain
Daragitin - Hahabulin
Saknong 182
Sa bahay na kintang - Bahay-
pahingahan
Legwas –Sukat ng layo; Isa nito ay
katumbas ng dalawang kilometro

Saknong 183
Tinudla - Pinana
Saknong 184
Sinambilat - Dinakma

Saknong 188
Inaaglahi - Iniinsulto

Saknong 189
Ibibinit - Itutudla
Salamat sa pakikinig!!

Sana ay may natutunan kayo!!

Submitted By: Submitted To:


James Andrew L. Buencamino Ms. Judith Canoza

You might also like