Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

DALAWANG AMA, TUNAY

NA MAGKAIBA
(Mga Saknong 94-104)
94
“Pananalangin mo’y di pa nagaganap
Sa liig mo’y biglang nahulog ang tabak;
Nasnaw sa bibig mong huling pangungusap
And adiyos, bunso’t buhay mo’y lumipas
95
“Ay amang ama ko! Kung magunamgunam
Madla mong pag-irog at pagpapalayaw,
Ipinapalaso ng kapighatian
Luha niring puso sa mata’y nunukal
96
“Walang ikalawang ama ka sa lupa
Sa anak na kandong ng pag-aaruga;
Ang munting hapis kong sumungaw sa
mukha,
Sa habag mo’y agad nanalong ang luha
97
“Ang lahat ng tuwa’y natapos sa akin,
Sampu niring buhay ay naging hilahil;
Ama ko’y hindi na malaong hihintin
Ako’t sa payapang baya’y yayakapin
98
Sandaling tumigil itong nananagis,
Binigyang panahong luha’y tumagistis
Niyong naaawang Morong nakikinig
Sa habag ay halos magputok ang dibdib
99
Tinutop ang puso at saka nagsaysay:
“Kailan,” aniya, “luha ko’y bubukal
Na habag kay ama at panghihinayang,
Para ng panaghoy ng pananambitan
100
“Sa sintang inagaw ang itinatangis
Dahilan ng aking luhang nagbabatis;
Yao’y nananaghoy dahil sa pag-ibig,
Sa amang namatay na mapagtangkilik
101
“Kung ang walang patid na ibinabaha
Ng mga mata ko’y sa hinayang mula,
Sa mga palahaw ni ama’t aruga,
Malaking palad ko’t matamis na luha
102
“Ngunit ang nanahang maralitang tubig
Sa mukha’t dibdib ko’y laging dumidilig,
Kay ama nga galing datapwa’t sa bangis,
Hindi sa andukha at pagtatangkilik
103
“Ang matatanggap kong palahaw sa akin
Ng ama ko’y itong ako’y pagliluhin,
Agawan ng sinta’t pagnasa-nasaing
Lumubog sa dusa’t buhay ko’y makitil
104
“May para kong anak na napanganyaya,
Ang layaw sa ama’y dusa’t pawang luha,
Hindi nakalasap kahit munting tuwa
Sa masintang inang pagdaka’y nawala!”

You might also like